ALYSSA'S POV:
Binalik ko ang mga album dahil hinihila na ako ng antok. Umakyat ako sa guest room at naggoodnight pa ako kay Aling Tinang.
Kinabukasan ay nagulat ako sa maraming pagkatok sa pintuan ko. Bumangon akong naiirita. Binuksan ko ang pinto.
"Ano ba Lyss! Bakit hindi ka pa bihis?! Kanina pa nag-aantay sa baba si Rolando!"
"Teka...sino ka? Asa'n si aling Tinang?"
Sinalat ng babae ang noo ko. "Tinang? Bakit aling Tinang eh pipitong taon lang ang batang 'yon? May sakit ka ba? Ako si Felicia, ang ate mo! Ano ka ba? Halika nga rito."
Umupo kami sa kama at hinawakan ang kamay ko. "Lyss, alam kong wala kang magawa pero hindi na kailangang magpanggap na wala kang alam. Tanggapin mo na lang ang desisyon ni Papa na ipakasal ka kay Rolando."
Inalis ko ang kamay ko sa hawak ng babae. "Excuse me lang ha? Are you insane? Sino ka ba?"
Pumunta ako sa pinto at nag-sisigaw. "Aling Tinang! Aling Tinang!!"
Binalingan ko ang babae. "Excuse me ha! Is this kind of a joke?! Apat kaming magkakapatid at ako lang ang babae. Wala akong ate no! At...si Ynnah ang ikakasal, hindi ako! Wala akong boyfriend!"
"Haay! Yan ba ang nagagawa ng pamamalagi mo sa Maynila? Nasaan ang manners mo? Panay Ingles ka pa. At yang suot mo, napakahalay!!"
Tiningnan ko ang suot ko. Nakashort ako at spaghetti. Ito kasi yung suot ko nung nagbike kami kahapon. "Hindi ako nakapagpalit kagabi. Ito ang suot sa pagbabike, hindi po saya."
"Magpalit ka na Lyss. Nag-aantay na ang lahat sa 'yo sa ibaba."
"Hindi Lyss ang palayaw ko. Ly as in Lay...hindi Lyss!"
Umalis si so-called Felicia. Ang weird niya. Hindi man lang nasabi sa akin ni Aling Tinang na may iba pa pala kaming kasama. Pumunta ako ng banyo at nagulat ako ng nakahanda na ang paliguan ko. Mula sa bath tub na may amoy aroma na ang tubig, tuwalya, sabon shampoo at lotion. Kinuha ko ang shampoo, iba kasi ang hitsura. Binasa ko Breck shampoo. Hmmm....may ganito bang shampoo? Wala yata akong natatandaan na commercial nito ah. Kinuha ko ang sabon, DIAL naman ang tatak. Ito parang familiar ako. Naligo na ako at nagbabad sa tubig. Ano ba ang gagawin ko ngayon? Kainis naiwan ko ang laptop ko.
Kinatok ako ng babae. "Lyss! Ang bestida mo ay nakahanda na sa kama. Huwag mong kalimutan ang kamison."
Duh! Kamison?! Hay nakuuu! Para matapos ay sumagot na ako. "Oo na!"
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako sa damit. Ang haba nemen! Para naman akong madre. Pero since wala akong ibang dala bukod sa tuwalya ko, sa dalawang tshirt at pedal pusher, sinuot ko na rin. Linggo naman at tama lang na magsimba.
Binuksan ko ang cabinet at intact pa naman ang bag ko. Sinuot ko ang Gshock kong relo na hinubad ko kagabi. Ang chaka, makalumang bestida tas Gshock! Pero carrybels na rin.
Pagkabihis ko ay binuksan ko ang bintana. May nakita akong binatilyo na may kausap na batang babae. Maamo ang mukha ng binatilyo. Mula sa malayo ay narinig kong muli si Felicia. "Tinang! Tinang! Maligo ka na raw."
May kapangalan pala si Aling Tinang. Apo niya siguro. Pag-alis ng bata ay tumingala ang guwapong lalaki at nahuling nakatingin ako sa kanya. Kinawayan niya ako at ngumiti. Ngumiti rin ako. Hala! Ang landi ko lang! Tumalikod na ako at bumaba. Nakakagulat ang mga tao sa ibaba. Parang fiesta. Kung gaano katahimik kagabi, ganito kaingay.
Walang familiar na mukha akong nakita kundi si Felicia. Niyakap ako ng isang matandang lalaki. "Lyss, iha. Mukhang napasarap yata ang tulog mo?"
"Ho?"
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018