You may backread on chapter 15-17
__________
DENDEN'S POV:
Binilin ng matanda ang tindahan sa isang binatilyo para magbantay. Inaya niya akong pumasok sa isang opisina. Alam kong isa siyang estranghero
pero mayro'n sa akin na ayos lamang sumama sa kanya."Maupo ka hija. Ano ba ang nais mong inumin? Kape, juice?"
"Tsa-a na lang ho."
Nagpatimpla si Manang ng tsaa.Wala akong pakialam kung may lason o may balak akong kidnapin nito. Basta iba ang pakiramdam ko.
Nilapag niya ang tsaa sa centertable. Hinahalu-halo ko habang naiilang ako sa pagtitig ng matanda."Paano niyo ho ako nakilala? Napaka mysterious po ng dating niyo."
"Mayro'n akong isang kuwento ng pag-ibig na naganap limampung taon na ang nakakaraan."
"Ano pong kuwento? Kaninong lovestory?"
"Makinig ka Dennise…."
Umayos ako ng upo at seryosong nakatitig din sa babae. Kahit anong isip ko, wala akong matandaan sa buong buhay ko na nagkrus ang landas namin.
"May dalawang babaeng nagmahalan ng tunay ngunit hindi pinag-adya ng tadhana. Ang isang babae ay nag ngangalang Merlyssa na nakatakdang ikasal sa lalaking si Rolando."
Merlyssa... San ko nga ba narinig ang pangalan na 'yon?
"Ang Rolandong ito ay mahal naman ang ate ni Merlyssa na si Felicia. Hindi nakayanang magpakasal ni Merlyssa dahil ang tunay niyang mahal ay isang babae na nangungupahan sa bahay nila. Sinuway ni Merlyssa ang kanyang Papa at tinulungan pang magkatuluyan sina Felicia at Rolando. Hindi sila nagka-anak kaya't nag ampon sila noong January 24, 1968, at ako…. Ako si Lucila. Ako ang nag-iisa nilang legal na anak kahit ampong tinuring."
Napabuntung hininga ako dahil hindi ko naman kilala ang mga karakter na sinasabi niya. Baliw yata ang babaeng ito? Pero teka, kilala niya ako eh. Nagpatuloy ang matanda sa paglalahad.
"Habang lumalaki ako, ay walang humpay ang kuwento ng aking ina tungkol sa istoryang iyon ng pagmamahalan. Hanggang paglaki ko ay baun-baon ko ang habilin na dapat kong tupdin.
"Ano pong habilin?"
Bago sumagot ay hinila ni Manang Lucila ang drawer at may kinuha. Nilapag niya ang isang relo sa mesa. Gshock in particular.
"Noong panahon na 'yon ng 1968, iniwan ni Merlyssa ang relo na 'yan sa tatay kong si Rolando. Bago mamatay ang Mama Felicia, binigay naman sa akin ang relo na 'yan at sumumpang pagkalipas ng fifty years ay muling lilitaw ang totoong nagmamay-ari niyan at magiging daan para maisakatuparan ang isang naudlot na pag-ibig."
"Sino pong may-ari nito? Hindi naman po akin 'yan."
"Hindi nga iyo pero pagmamay-ari ng minamahal mong si Alyssa."
"Po?"
"Hindi rin namin lahat maintindihan ang hiwagang nangyari noon pero totoo. Si Merlyssa ay may may bunso pang kapatid, si Persia. Si Persia na anak si Pablita. Si Pablita na…."
"Mama po ni Alyssa!"
"Tila isang pagtawid sa isang katawan sa isa pang katawan ang nangyari noong 1968."
"Eh paano niyo po ako nakilala?""May litratong binigay ang nanay ko na sinasabing magbabalik makalipas ang limampung taon para kunin ang mahiwagang relo na 'yan."
May kinuha ulit siya sa drawer at naglabas ng tatlong picture na medyo nangupas na.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
Fiksi PenggemarA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018