Chapter 42: For now

1.4K 55 16
                                    

A/N: After three weeks! Whheeew!

----------------

Alyssa's Pov:

     Hindi na ako nag overtime ngayon. Laman ng isip ko si Den.

     Pinaunlakan ko ang paanyaya ni Kiefer na ihatid ako pauwi. Nasa kotse kami at tahimik lang ako nakaupo.

    "Ly are you sick? Kanina ko pa napapansing matamlay ka mula ng kitain mo ang old friend mo."

     "Pagod lang."
     "Hmmm… okay. Idlip ka muna. Di ko alam kung 'yang mata mo, galing iyak, pagod o magkaka sore eyes ka eh."
    "Okay lang ako."
     "Ly…"
    "Hmm?"
    "Puwedeng magtanong? I mean, personal kaya ok lang kahit hindi sagutin."
    "Sige lang."
    "Ah.. I just wanted you to know muna na you can trust me Ly. That's for sure. Kung ano makakapag pasaya o alwa sa 'yo, doon ako."
    "I'll get by don't worry. Kung anuman 'to, malalagpasan ko 'to. Basta huwag mo lang ako pabayaan para sa recovery ng kompanya. Di ko 'to makakaya ng wala ka."
    "Of course Al. I'm with you all through out."
    "Thank you Kief… malaking bagay."

     Pagdating sa bahay ay umakyat na ako at iniwan ko muna si Kiefer na kausap si Dad. Bago magbihis ay tinawagan ko si Denden.

    "Hon…"
    "Ly…are you okay? Paano ka nakauwi? Sabi ko nga susunduin na lang sana kita."
    "Sumabay ako kay Kiefer. Kausap niya si Dad ngayon."
    "Ah okay."
    "Gawa mo?"
    "Reviewing some documents."
     "Nasa bahay ka na, work pa rin?"
    "Kailangan eh. Kumain ka na ba?"
    "Mamaya na pag alis ni Kiefer."
    "O bakit naman? Ayaw mo siyang kasabay?"
    "Ikaw gusto kong kasabay. Kumain ka na ba?"
    "Kakain ulit para sa 'yo."
    "Hahaah! Sige na, magbibihis lang ako."

     Nagbihis na ako pero hindi ko na natawagan ulit si Denden. Napilit din ako ni Dad na sumabay sa hapunan.

     "Ah… Hija Al anak, napag usapan namin dito ni Kiefer na kailangan niyong atenan ang isang convention sa Legaspi. Makakatulong 'yon pero since maraming evacuees ngayon
ay nagpareserve na lang ako ng isa pa Baguio. At least may bahay tayo doon at makakatipid sa accomodation. I'm giving you one day free time."

     "Kailan po ba?"
     "This weekend."
     "That soon?!"
     "Habang mura pa ang slot."

     Di ako nakakibo. Ang weekend ko ay para sa asawa ko.

     "Dad, baka naman puwedeng ipostpone muna? Di pa ho ako nakakarecover sa pagod."
     "Oo nga naman po Sir. Alyssa needs rest."
     "Kahit magliwaliw muna kayo para marelax kayo."

     Di na ako kumibo. Natapos ang dinner at umuwi si Kiefer at iniwan ako ng Dad ko ng ganon na lang. Umakyat ako, nagshower at tinawagan ulit si Denden. Pero di niya sinasagot. Tulog na yata siya. Tinext ko na lang siya..

  Goodnight Hon.. I love you always…
  I love you… I loveyou… iloveyou..

-------------------

      The next morning ay focused lang ulit kami sa work ni Denden. Nagpatawag ng isang saglit na meeting si Dad sa conference before lunch. Ako, Dad, Kief, isang abogado at dalawang member ng board.
Walang katapusang usap.

     "Ah Mr. Valdez, gusto ko rin sanang isama ang isa kong tauhan sa convention sa Baguio," sabi ni Mr. Manahan. So tuloy na tuloy na pala 'yong pesteng Baguio na 'yan. Kainis!

      "Ah oo sige, si Alyssa ang in charge dyan. Anak, parang lumilipad isip mo."

      "Ah Sir, nagugutom na po siya, diba Ly?" salo ni Kief.

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon