Chapter 41: Cry

1.4K 48 9
                                    

LY'S POV:

           Wala naman akong kabang nararamdaman kay Laura. Nakiusap ulit ako.

           "So please? Sa malapit na lang tayo kumain?"
          "Don't worry, do'n tayo sa condo kong mas malapit sa office mo. I know you're a busy person. Alam ko ring kaya mong kumain ng treinta minutos."
          "Haaay! Ang kulit mo pa rin."

            Pagdating sa condo niya ay hindi na siya bumaba.

           "O? Bakit hindi sa parking?"
           "Room 1219 Ly. Goodluck and I wish you both happiness. Madedelay na ako sa flight ko so, email mo na lang ako for any updates. You deserve to be happy."
           "Ha? Di kita maintinidhan."
           "Nando'n si Denden, hinihintay ka na niya. Go! Go! Go!"

          Napamaang na lang ako at hindi ko na naisara ang bibig ko sa pagtataka. Paanong? Oh wow! Niyakap ako ni Laura.

           "Sige na, bago pa kayo mamataan ng press. Baka may mga paparazzi na naman. Sige na."
           "Thank you, thank you..."

           Mabilis kong tinungo papasok ang hotel. Nadatnan kong nanonood ng tv si Dennise. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng tumayo siya, ngumiti at salubungin agad ako ng isang maalab na halik pagkasara ko ng pinto. I respond to her kiss with equal passion. Oh! How I miss those tasty lips! Inaya niya akong maupo sa sofa at hindi pa rin siya nagsasalita.

          Pinaupo niya ako sabay paharap na kumandong sa akin. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko hanggang mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

           "Mabigat na ako Hon?" tanong nya.
           "Di ako makahinga Hon,hahaha!"

           Inalis niya ang pagkakapulupot ng kamay niya sa leeg ko at nilipat sa magkabila kong pisngi. She looked me in the eye - malalim at seryoso na parang sa mata niya lalabas lahat ang gusto niyang sabihin. Hinaplos ng thumb niya ang pisngi ko.

            "I've missed you Alyssa," madamdamin nyang sabi. I smiled and I kissed her hand on my cheek.

           "I miss you more." She leaned forward and met my lips. Again, we shared and savored each deep kiss with passion and love.

           Kapwa na lang kaming hiningal kaya kami tumigil. 'Yung pakiramdam na kaya naming halikan ang isa't-isa hanggang mamaya. :)

           Pinaalis ko na siya sa kandungan ko dahil nag-iinit na rin ako. Pinigilan ko ang bugso ng damdamin ko dahil babalik pa ako ng opisina.

           "Ang galing mo Hon, pa'no mo nareach si Laura? Kaninong condo 'to?" I asked.

           "Sa akin. Love nest natin. Walang nakaka-alam nito. Last week ko nakausap si Laura and we talked heart to heart. Hindi totoong business ang pupuntahan niya. She's getting married."
          "What? Bakit hindi ko alam?"
           "Hinanap ko talaga siya, kinausap at humingi ng tulong. Alam na niyang kasal tayo. Foreigner ang mapapangasawa niya. Alam kong pag si Laura ang sumundo sa 'yo ay agad kang papayag."
          "Paano kung hinde?"
          "Basta alam kong papayag ka."
          "Gutom ako."
          "Maghahain lang ako.... Ng mga pinadeliver ko."

           Masaya kaming kumain. Kumain ng kumain, sabay titigan ng titigan.

           "Corny mo Hon," tukso ko.
           "Bakit? Wala naman akong ginagawa ah?"
           "Pa cute ka Den."
           "Di na need. 'lam kong cute ako."
           "Pero, pano tayo pala? Dito na ako pupunta lagi?"
           "Lagi?"
           "Para tayong mga bilanggo ano? Patago. Kaya mo pa ba?"
           "Konting oras lang Den.. Kaya ko to, kaya natin 'to."
           "Nahihirapan ka."
           "More time please."
           "Ly, umaasa lang ako sa' yo dati, pero ngayon, puno ako ng pag-asa na magiging tayo rin sa huli."

             Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang gagawin ko pero kailangang maging secured si Denden sa relasyon namin. Biglang nagvibrate ang cellphone ko, si Kiefer. Tumayo ako at lumayo sa kitchen.

            "Sa'n ka? Alas dos na! Nagwoworry na kami sa' yo."
            "Oh, sorry, sorry. Uhm.. Nagkita, I mea dumalaw si Laura. Kumain kami sa labas. Pabalik na ko."
            "Sunduin na kita, sa'n ba 'yan?"
            "No...no.. No! ako na, malapit na ako. Sige bye."

             Bumalik ako ng kitchen at naabutan kong nakasimangot to the max si Dennise.

          "Hon....I..."
          "You have to go right?"
          "Hon.... Diba?"
          "Nakakatawa no? Ako 'tong asawa, parang ako pa kabit?"
          "Den!"
          "Ako 'tong asawa, ako pa ang palihim na kinakatagpo habang ikaw, malaya kang makasama ang kahit sino. May pasundo hatid ka pa? Ano ba 'yan?"
           "Den! Alam mo ang sitwasyon ko diba?"
          "Sorry. Di ko mapgilang hindi ma upset. Sana alam mo nararamdaman ko."

           Lumuhod ako sa harap niya at pinagsiklop ang mga kamay namin sa lap niya. Tumingala ako at hinuli ang mata niya.

          "Den... Den please? Sana alam mo ding mahirap para sa akin ang hindi makasama ang taong mahal ko. Konting tiis lang, please?"

           Hinaplos ni Den ang ulo ko. "Tumayo ka dyan, ihahatid na kita."

            Nauna akong lumabas at after five minutes siya naman. Nagkita na lang kami sa parking. Pagtapat sa building namin ay hindi pa rin ako tumitinag.

         "Hinihintay ka na ni Kiefer, sige na."

         Di ako makasagot. Parang ang bigat-bigat ng kalooban ko at mabigat pati mga paa ko at hindi ko ito maiihakbang. Malaking parte ko na naman ang mawawala sa pahihiwalay namin ni Den at wala na namang kasiguraduhan kung kailan na naman kami magkikita. Parang gusto ko ng sumuko.

          "Hon," hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa manibela. Hindi siya tumitingin sa akin.

          "Sige na Ly. Baka magbago pa ang isip ko at hindi na isipin ang mga taong masasaktan mo. Baka hindi na kita ibalik kung hindi ka pa bababa ngayon."
         "Den.."
         "Seryoso ako."
         "You could have at least... kiss me?"
        "Tsk! Ly please. Huwag mong ipahamak ang sarili mo."

         Nasasaktan ako dahil hindi niya pa rin ako nililingon. Pero alam kong mahirap din para sa kanya. I sighed.

          "Okay hon, tatawag ako pag-uwi ko. Keep your phone open, please."
          "Sige na..."

          Bumalik ako sa office ng wala sa sarili. But still I need to compose myself. Di ako dapat magkalat kahit sa loob loob ko, wasak ako. Ang hirap.

          Nakangiti kong binati si Kiefer na naghihintay sa tapat ng mesa ko. Ang galing kong artista!

          "Hi!"
          "Ly, ayos ka lang?"
          "Yah! I'm fine. Meeting an old friend? It's good."
          "Hmmm.. Okay. Puwede kitang ihatid ng mas maaga if you want. Coding ka right? Tsaka may pag-uusapan kami ng Daddy mo."
          "Okay," tipid kong ngiti. Sa tuwing naririnig ko ang Daddy ko, tumitino ang isip ko.

          Kinuha ko ang pouch ko at nagpunta ng CR. Buti na lang ay walang tao sa Cr for disable kaya solo ko. Nilock ko ang pinto at padausdos akong naupo sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko, sinubsob do'n ang mukha ko, atsaka ako umiyak..😢

______Shan 122617______

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon