ALYSSA'S POV:
Di ko alam ang mga rason ni Denden kumbakit siya naglihim sa akin? Gano'n ko ba hindi maiintindihan?
Naulinigan ko ang pagdating ni Myco. Di ko man narinig ko ang lahat pero parang ilang ulit sinaksak ang dibdib ko when I heard that they've kissed.
Kaya siya naglihim dahil may namamagitan na sa kanila at lumabag na sya sa kasunduan naming walang makikipagrelasyon habang nag-aaral? Ito ba ang gusto niyang sabihin sa akin pag-uwi ko?
Hindi ko nakayanan ang sakit kaya't nagpunta ako ng banyo at ddon binuhos ang pag-iyak.
"Ly….umiyak ka? Bakit ka umiyak?"
"W-wala. B-baka may amsamang hangin akong nadaanan at m-magkaka-sore eyes yata ako."Tinalikuran ko siya at lumabas ng dorm. Naglakad-lakad ako at nag-isip. Iniwan ko ang cellphone ko at wallet lang ang dala ko.
Nagpunta ako ng mall at nanood ng sine mag-isa. Gulung-gulo ang isip ko. Wala na sigurong saysay kung magtatapat pa ako kay Den. Hindi nga siguro meant na malaman pa niya.
Matapos ang movie na wala naman akong naintindihan ay inaliw ko na lang ang sarili ko sa mall. Malapit na ako ng makita kong lumabas ng BLueMagic si Myco. Umiwas ako ng tingin at mabilis na lumakad. Pero nakita niya pa rin ako.
"Ly! Ly wait!" Huminto na ako at nilingon ko siya.
"Y-yes?"
"Papunta ako sa dorm niyo, sabay ka na?"
"Bakit ka pupunta?"
"Eh, fighting spirit. Manliligaw ako sa bestfriend mo."
"Oh….hindi pa ba kayo?"Hindi pa ba kayo eh naghalikan na kayo?
"I really like your friend Ly. I hope I got your approval on this? I'm dead serious."
Tsk! Nahalikan ka lang, seryoso na agad? Bakit iniisip ba neto na makukuha niya ng gano'n si Denden ko?
"Look Myco…when you really like someone, it doesn't need to be approved by her friends or family. It's about how you stand to what you feel. If I say that you're not my type for her, will you stop pursuing her?"
"Hindi naman. Okay fine, got your point but she's your friend. I do believe it would be a smooth relationship if we can be you know, friends too."
"Kahit friends tayo, still it's up to Den. Gotta go bro, may bibilhin pa kasi ako."Nag-pagabi ako sa mall at nagkape sa Starbucks. Gusto ko pagdating sa dorm ay matutulog na lang ako. Alas diyes y media ako nakauwi. Parang nananadya ang pagkakataon. Nasa salas si Denden at Myco, at kapansin-pansin ang malaking bouqet ng flowers na hawak ni Den.
"Ly!" Napatayo si Den nang pumasok ako. "Bakit ngayon ka lang?"
"Ha?"
"Inaya ka raw ni Myco sumabay. Sa'n ka ba nagpunta pa? Nag-aalala na ko kanina pa."
"O?"She asked mo stay sa room for a while.
"Ly, can we talk?"
"Ngayon na? Sige. Iiwan mo si Myco sa labas?"
"Tsk! Okay wait okay? Pauuwiin ko na siya."
"Whatever."Lumabas siya at nagkulong akong muli sa banyo. Kalahating oras siguro 'yon. Paglabas ko ay nakaupo na si Den sa kama niya.
"Ly….what's bothering you? I'm worried."
"Gusto ma ba si Myco? Nanliligaw ba siya ng hindi ko namamalayan? Ito ba angpag-uusapan natin? Kaya ba nilihim mo sa akin ang party? Ang ligaw? Ano pa Den? Iyung halik? Ano pa nililihim mo?"
"Sinabi ko naman sa 'yo diba? Biglaan ang pagsama ko. Alam kong maiinis ka kaya hindi ko na sinabi. Yung ligaw, hinid ko alam. Lagi kitang kasama Ly, ano ba? Ngayon lang siya nagsimula. Mapipigilan ko ba? Hindi ko naman alam na pupunta siya eh."
"Fine. Lalaki siya eh."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mas bagay kayo."
"Umiyak ka kasi bagay kami? Ano? Di ko magets."
"Huwag mo na lang intindihin. Sige na pagod ako."
"Ano gano'n na lang 'yon Ly? Iiyak ka kasi sa mga iniisip mo patungkol sa akin? Na paniniwalaan mo ang assumptions mo tas tatakbo ka palayo sa akin? Sinasaktan mo ako Ly."
"Ako ba hindi nasasaktan?"
"Sorry na nga eh diba? Puwede ba kalimutan natin? Promise, sasabihin ko na sa yo lahat. Ipapaalam ko na. Nagawa ko lang naman kasi dahil do'n sa nakita ko."
"Nakitang ano?"
"Nakita sa….."
"Sa?"
"Dya'n sa ilalim ng kama mo."
"Ilalim?"
"Tumayo ka dyan."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
Fiksi PenggemarA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018