ALYSSA'S POV:
Bumalik sa dati ang routine namin ni Denden. Sa nakalipas na pitong buwan ay nakasanayan na namin ang normal naming buhay. Kami, kasal kami pero hindi kami nagsasama sa iisang bubong. Inenjoy ko muna ang bawat araw na nagdadaan na masaya kami. Hindi nawawala ang tampuhan, ang selosan ang pride pero nalalagapsan na namin 'yon.
Nasa Singapore siya ngayon para sa isang conference at ako'y nanatili muna sa SilverCRown as HR assistant manager na. I just live day to day. Si Kiefer naman ay medyo nag lielow na kahit inaalam niya pa rin kung sino ang karelasyon ko. Si Myco naman ay bumalik din ng Texas kaya masasabi kong smooth sailing kami ni Denden.
Masinsinan kaming nag-usap noong matapos niyang maospital. Mahal na mahal ko siya gagawin ko ang lahat para sa ikaka-ayos namin. Isa na lang naman ang problema, mga pamilya ng bawat isa amin.
Isang gabi bago siya umuwi galing Singapore ay nagvideo call kami.
"Hi Hon, I miss you na," malambing kong sabi habang ngumunguso ako sa screen ng cellphone ko.
"Uwi ka na pleaaase?"
"Oo nga, bukas ng hapon. Gusto mo bang dyan ako dumerecho?"
"Hmmm… di ko sigurado kasi gusto ako isama ni Mommy sa Batangas. May aayusin daw kami doon eh naglambing na ipagdrive ko raw."
"Akala ko ba sa isang araw pa 'yon?"
"Hmmm… may tampo ba akong naririnig Hon?"
"Di naman. Kaya lang umasa akong makakasama ka eh."
"Hon, uuwi rin kami."
"Parang hindi mo naman alam na kapag nasa Batangas kayo, kinabukasan na ang uwi niyo? Dibale na lang, sa Hotel na lang ako tutuloy."
"Eh bakit ayaw mo sa bahay mo?"
"Dahil naririndi na ako sa parents ko kung sino raw ang asawa ko."
"Aaahhh… Ano ba gusto mong gawin ko?"
"Be with me. I badly need you."
"Hon…. Okay, gagawan ko ng paraan. Titingnan ko. Huwag ka munang magtampo, anlaki na naman ng butas mo ilong o."
"Tse! Malaki ka dyan, gusto mo namang halikan?"
"Hahaahh! Lahat sa face mo, gusto kong halikan."
"Haaay!"
"Oh sige na Hon, matulog ka na."
"Linggo naman bukas, walang traffic."
"Ikaw bahala."
"Ah Den… "
"Hmm?"
"Kailan ba tayo magtatapat?"
"Handa ka na ba?"
"Basta kasama kita, kakayanin ko."
"Pag-usapan natin pagbalik ko."
"Ah sige.."
"Ly!"
"Oh?"
"Ano yang nasa baba ng leeg mo? Pantal ba 'yan?"
"Ito? Oo, allergy. Kumain ng bawal. Marami pa nga 'yan eh, pero uminom na ako ng gamot."
"Saan pa? Tsk! Ikaw talaga!"Binuksan ko ang butones ng pantulog ko at pinakita ko hanggang itaas ng dibdib ko.
"Yan hon. Gusto mo bang ibaba ko pa?" Tukso ko.
"Baliw! Ibutones mo na ulit yan."
"Ayoko. Para matukso kang umuwi ngayon, hahahah!"
"Puro ka kalokohan Alyssa."
"Kasi naman, miss na miss na kita ilablab."
"Alyssa!" biglang bumukas ang pinto ng room ko at nakita ko si Mommy na parang galit. Bigla kong nailapag ang cellphone ko sa kama. Naku Denden! Huwag kang magsasalita."Mom!"
"Sino ba 'yang kausap mo at halos iluwa mo na ang suso mo? Sino 'yang lablab na 'yan? Si Denden ba 'yan?"Para akong nawalan ng dugo sa mukha lalo ng makita ko ang hard drive na hawak nya. Buwisit! Hiniram ng kapatid ko 'to kanina. Nawala sa isip kong kunin sa kuwarto niya kanina. Patay na! Nando'n lahat ng files ko pati ng mga intimate moments namin ni Denden.
"My…."
"Mag-usap tayo. Ayusin mo ang sarili mo at sumunod ka sa akin sa kusina."
"Opo."Nagbihis ako ng tshirt at tinext si Denden na mag-uusap kami ni Mommy. "No matter what Honey, I love you," sabi ko.
"Okay Hon, we'll get through this."
Pagdating ko sa kitchen ay nakita kong nagkakape si Mommy. Wala siyang hawak ni ano. Humila ako ng upuan pero nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko masalubong ang mata ni Mommy.
"Kayo ba ni Denden?"
"Opo."
"Eight months?"
"Opo."
"Eight months mo kaming niloloko rito sa bahay? Kayo ng kaibigan mo?"
"My…."
"At kasal ka sa kanya?"
"Opo."
"Anak…. Ano'ng nangyare? Bakit? Paano? Paanong hindi ko nalaman lahat ng 'to?" Ang kaninang boses ni Mama na matapang ay unti-unting lumambot. Ramdam kong nasasaktan siya at nangilid ang luha nya."My… masyado pong mabilis ang pangyayari."
"Makikinig ako anak."Walang sense na maglihim pa ako kaya para mas maunawaan niya kung sino at ano ako ay sinimulan ko 'yon mula ng maging crush ko si Denden no'ng elementary kami hanggang no'ng minahal ko siya no'ng college. Gusto kong ipaalam sa nanay ko, na hindi ito isang yugto lang ng buhay ko na biglaang nangyari o kung nasa stage ako ng pag e-eksperimento. Na ang nararamdaman ko ay totoo at hindi kung ano lang.
"Anak, kahit ano pang gawin mo o niyo, hindi ito tanggap lalo na sa pamilya natin at ni Denden. Kilala kayo sa buong Pilipinas o sa iba pang bansa. Paano ninyo 'yun ipapaliwanag? Ano bang pumasok sa mga kukote ninyong dalawa, anak?"
"Mahal ko po siya My."
"Ando'n na ako pero paano? Masasaktan ka lang, kayo. Paano kayo haharap sa Daddy mo? Sa magulang niya? Panandalian lang 'yang mga nararamdaman ninyo.""Hindi po My, hindi. I love her with all my life at willing akong ipaglaban siya."
"Anak, hindi na dapat. Itigil na ninyong dalawa 'yan bago pa lumala ang lahat."
"Si Daddy My?'
"Hindi ko rin alam."
"My," I held her hand. "Aayusin ko 'to. Ako na kakausap kay Daddy."
"Jusko Alyssa anak, ano bang nangyare sa 'yo? Tsk. Baka atakihin ang Daddy mo kapag nalaman niya yan."
"Nalaman ba ng mga kapatid ko?"
"Wala. Ako ang unang gumamit nyan at hindi ko na binigay sa kapatid mo. Mabuti nga't ako ang nauna."
"My… Mahal ko po si Denden."Umiyak na ako dahil napicture ko na ang mga hakbang na gagawin ng tatay ko para paghiwalayin kami. Tumayo ang nanay ko at niyakap ako mula sa likuran.
"Ssssshh….. Tahan na. Sige na, isekreto na lang natin muna. Gusto kong kausapin ang kaibigan mo."
"My…. Ayokong mawala si Denden. Ayoko pooooo….."Natulog akong mabigat ang loob. Kinabukasan, kahit nag-usap kami ng Mommy, alam kong balisa siya na magkakasama kami sa hapag.
"Ano'ng problema niyong dalawang mag-ina?" Puna ng tatay ko.
"Nag away ba kayo at panay ang sulyapan niyo?"
"Wala po Dad."
"Alyssa, ikaw muna magmaneho sa nanay mo mamaya at masakit ang tuhod ko."
"Opo Dad."
"Tinawagan ko rin si Kiefer, sinabi ko kung puwedeng sumunod sa inyo."
"Bakit pa po Dad?"
"Nakisuyo akong tingnan niya ang isa kong project do'n sa site at magbigay ng ilang inputs. Iba rin ang opinyon ng mas bata o sa nasa henerasyon ngayon."
"Stop match making Daddy!"
"Alyssa!" biglang saway ni Mom. Nagbaba na lang ako ng tingin.
"Hindi ako naglalarong kupido dito Alyssa! Kung ikaw ba naman ang may interes doon eh di sana ikaw na? Nasa'n ka ba? Nag-tatiyaga ka sa isang opisina na wala kang growth.""Masaya po ako Dad."
"Mabubuhay ka ba ng saya lang? Di kita pinag aral para maging isang sikat na volleyball player at maging isang clerk. You have to be someone."Di ko matiis si dad kaya marahan akong tumayo. "Okay Dad, maliligo na po ako."
Pagdating ng room ko ay bumagsak ako ng padapa at umiyak ng umiyak. Natigilan ako ng magring ang cp ko, si Denden.
"Hi… Ly! Are you crying?!"
"Den… huwag mo akong sukuan ha."
"Honey…. What's wrong? I'm worried. Di ka na nagtext or call kagabe eh."
"Alam na ni Mommy. Accidentally."
"What?! Oh my! So what now?"
"She wants to talk to you."
"Your dad?"
"No, not yet."
"Okay. Don’t cry. Calm down. Haharapin ko si Tita. Huwag ka ng umiyak. Pauwi na 'ko okay?"
"Den….."
"Di kita iiwan Ly…. Di kita iiwan."---------------------------
Shan
111017
Vote
Comment
:)
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018