Chapter 24: I'm Serious

1.7K 59 7
                                    

ALYSSA'S POV:

    "Myco?"
    "Valdez?"
    "Y-yah. Ano'ng ginagawa mo dito sa office ng Tito ko?"
    "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, ninong ko ang Tito mo. Heave a seat."

    Umupo ako sa harap ng desk niya. Boss na ba siya dito? Kainis naman. 'Yong taong ayaw mong makita, siya pa talaga nasa pagmumukha ko, oo. Haaay.

     "Unit head ako dito and I'm handling new emploeyees here. I understand na one to two months ka lang dito as a reliever?"
    "Right."
    "No job experience yet right?"
    "Right."
    "Hindi naman kita papahirapan at baka makalbo ako ng Ninong. He says that I should take care of her new employee. Kaya pala, pamangkin ka."
    "Are you insinuating for something? Magtatrabaho ako ng libre kaya wala kang karapatang mag-parinig."
    "You sure? Oh… I almost forgot na sikat ka nga pala at marami ng awards. Bakit ka naman napadpad dito sa Colorado?"

   Oh my! Sasabihin ko bang ang crush niya dati ay  nasa labas lang at kasama ko? Paano kung madivert ang attention ni Den sa kanya? Pero erase, erase! Ikakasal na kami  bukas.
Para tuloy gusto ko ng lumabas at hatakin si Den para magpakasal bago pa man magkrus ang landas nila ng mokong na'to.

      "Bakit Sir Myco? Bawal po ba ako sa bansa na 'to?"
     "Hmmm..  Wala naman. Unusual lang kasi."
     "Ngayon na ho ba ako magsisimula?"
     "Puwede naman na bukas."
     "Ow… Sorry, I forgot to tell my Uncle na may lakad pala ako bukas at ilang mawawala."
    "Okay lang naman din. Nasa holiday pa namin kami kaya halos sasabay lang kung kailan ka magsisimula."

    Nag-paalam na ako kay Myco at mabilis lumabas. Inaya ko kaagad si Den na lumabas ng reception area at kahit Up pa ang elevator ay sumakay na kami.

    "Ly, ano ba nangyayari sa 'yo? Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko."
    "Oh sorry," sagot ko pero di ko pa rin binitawan ang kamay niya. Niluwagan ko lang.

    "Tsaka bakit ba tayo sumakay, Up pa?"
   "Up pa ba? Akala ko down na eh."
   "Something's wrong? Don't tell me di ka pumasa sa interview?"
   "Sus! Panis! Ako pa?"
    "Eh bakit di ka nag-start ngayon?"
    "Tinamad ako eh."
    "Lakas ah! Paano ka mag-kakaexperience niyan?"
    "Bukas, magkaka-experience na ako," sabi ko sabay kindat sa kanya. Akala niya siya lang nakakapagbiro ah. Hinampas niya ako sa braso.

    "Aruch! Help! Ang asawa ko po sadista…" Tumawa si Den ng mahina. Ang cute cute talaga niya ano?  Eh di sya naman ang nagblush ngayon?

     After a while ay pababa naman ang elevator galing penthouse.  Bumitaw na si Denden ng hawak sa akin. Ako nama'y nagmamasid lang. Kumbakit ba naman biglang huminto din sa floor ng office ni Tito. Kinabahan ako. Ding! Elevator opens.

    "Oh Valdez? Ngayon ka lang nakasak----" naputol ang sasabihin niya ng makita si Dennise na katabi ko. Sinisipat kasi ni Den ang manicure niya kaya di niya napansing pumasok si Myco.

     "Den?"
     "Myco? Oh my! Ikaw nga!" Sabay hampas na naman niya sa likod ng lalaking pasaway sa buhay ko.

    "Wala ng iba pa. Magkasama kayo ni Alyssa?"
   "Ah ..a..oo. Oo we’re together, in a trip? Yeah in a trip."
   "Trip? Aah… kaya pala next week na papasok si Ly sa office, may girl bonding pala siya."
  "Office?"
   "Yup! Magiging Unit head niya ako sooner or later I  guess?"

    Umiwas ako ng tingin kay Denden. Epal tlaga 'tong Myco-langot na 'to eh.

    "Aaahh…. Talaga? Officemates pala kayo."

    Sasagot na sana si Myco ng huminto sa isang floor kung saan siya may kameeting malamang.

     "Oh see you soon again, Ly, Den okay? Di ko macancel ang meeting, sorry."
    "Oh it's okay," sagot ko sabay bulong ko ng "kahit huwag na matapos ang meeting mo, kahit mag forever ka na do'n, huwag ka ng lumabas utang na labas. :)

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon