Chapter 38: Fed Up

1.4K 58 16
                                    


DENDEN'S POV

      I was worried sa nalaman ko about Alyssa. Another month had passed pero hindi ko nakausap ang partidos ni Ly. Sa loob ng isang buwan ay twice lang kaming nagkita, at 'yon ay patago pa.

    Hindi ako naniniwalang hindi alam ng Daddy niya ang tungkol sa amin. Laging ang daddy niya ang nirarason niya kaya hindi kami magkaro'n ng chance na magsama. Ly is afraid. I can not blame her. I had fault too.

   Linggo ngayon at nakapag-usap kaming aalis ni Alyssa. Kalahating oras na ako nahihintay dito sa coffee shop. I called her up na to know why she's taking too long granting na never siyang nale-late.

    "Hon… are you coming?"
    "Den… wait lang. Si Mommy kasi. Nagpahatid sa kumare niya. Inaantay ko lang dito sa labas."
    "Sigurado ka ba? Alam ba ng Mommy mo na magkikita tayo?"
    "No. Pero parang may duda."
    "Okay fine. Just let me know after thirty minutes, again."
   "Sorry."
   "Sige na."

     Naiinis akong pinatay ang telepono ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko until I've made a decision. I cancelled my date with Alyssa and decided to talk to my parents about us. This is the least I  can do for us. At least one party knows about it. Lumipat ako sa Rockwell at do'n ko kinatagpo ang mga magulang ko.

     Kinuwento ko lahat sa kanila. Minus the true feelings I have for Alyssa. I just said na para lang sa proviso ng mana kaya ko nagawa 'yon. Ang sa akin lang, para lang maunawaan nilang dalawa kumbakit ako laging nakadikit kay Alyssa para alalayan siya.

    "Anak," simula ng nanay ko. "Sorry kung dahil sa Lola mo ay nasuong ka sa ganitong sitwasyon. Paano ang gagawin ninyo 'yan?"

    "Nangako akong magpapa-annul sa ibang bansa after a year. Pero di ko lang alam paano haharapin ang magulang ni Alyssa."

   "Madali lang naman magpaliwanag, hija. Ang nakikita kong problema ay wala ni isa sa inyo ni Alyssa ang may gustong ipa-annul ang kasal ninyo," may dating na sinabi ng tatay ko.

   "Tama ba anak? May damdamin ka na sa kaibigan mo?" Mom asked.

      Hindi ako nakasagot bagkus ay pumatak na lang ang luha sa mga mata ko. Kinabig ako ni Mommy at tuluyan akong napaiyak sa dibdib niya.

    "Mahal ko siya My mula noon. Secondary na lang ang tungkol sa mga mana pero gusto ko talagang mapasa-akin siya. Nakahanap lang ako ng madaling paraan at masaya akong napapayag ko siya."

    "Walang matinong babae ang papayag sa gusto mo Den kung wala rin siyang feelings sa 'yo. So, kailan pa 'to nagsimula anak?" tanong ng Daddy ko.

    "Dad," sabi ko ng iangat ko na ang mukha ko. Pinunasan ng palad ko ang luha ko atsaka humarap sa kanya.

    "Matagal na po. Bata pa lang po ako pero maniwala kayo't sa hinde, pinigilan ko po. I dated many men and yet no one had captured my heart. Until Ly attended that party and we met again. Mom, Dad, I've never felt this so happy before in my entire life. Ngayon lang."

    "Hindi ako ang tipo ng amang nangungunsinti pero hindi rin ako ang amang naghihimasok. Ano ang gusto mong mangyari ngayon?"

    "Just be there for me. Help me to have more time kay Ly. Mom, pagod na pagod po ako sa mga responsibilidad na iniatang niyo sa akin. Baka naman after nine months puwedeng Ako naman?"

    "Sige anak. Pero, paano ang pamilya ni Alyssa? Ayoko namang ikaw masaktan at malagay sa alanganin."

     "Kaya ko My, Dy. Basta lalapit na lang po ako pag di ko na kaya. Basta for now, magpapatawag muna ako ng meeting para sa mga tito at pinsan ko sa pagdesignate ng mga negosyo."

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon