ALYSSA'S POV:
HINDI ko alam kung kakagat ako sa biro ni Dennise. Wala kaming foundation at ayokong masaktan. Ours is just a deal, an out of nowhere step that could change our lives even just for a while.
Hindi ako comfortable sa tuksuhan lalo na't galing sa kanya. Kinabahan tuloy ako sa biro niya. Kasi paano kung pumatol ako sa biro niya?
Titingnan lang ba niyang mahalin ako dahil napa-oo ako sa joke niya? Nakakahiya lang diba?Pagdating sa apartment na tutuluyan namin ay kanya-kanyang ligpit ng gamit. Magkahiwalay kami ng kuwarto. Nakakapanibago diba?
Noon friends lang kami, iisang room pero magkahiwalay ng bed. Ngayong engaged kami ay hiwalay kami ng room. Hmm…baka naman mag-iisang room din kami pag kasal na kami? Umaasa na naman ako.Matapos kong mag-ayos ay nagshower ako saglit. Tahimik sa kabilang room. Ano kayang ginagawa ni Den sa room niya?
Matapos maligo ay pinuntahan ko na siya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang boses nyang may kausap sa phone.
"Yes My, we're here na. / Opo / My don’t worry. Matutuwa sina Uncle, walang dalawang buwan masasaayso din ang mana. They should thank me big time. Bahala na si Attorney makipag-usap sa inyo. / Asawa ko? Basta My meron, chill lang. / Si Myco? Hindi natuloy ang kasal niya? Tsismosa ka Mommy, hahaha! / Soon My, makilala mo rin asawa ko, basta trust me at sana… tanggapin niyo siya./
Sa pakiwari ko ay naging magaan ang pag-uusap ng Mommy niya at ni Denden. Ako kaya? Ni hindi ko masabi-sabi dahil iniisip ko ang sasabihin nila. Myco? Single na naman si Myco? Siguro nama'y hindi na niya kami masusundan dito no? Kumatok na ako at pumaasok. Nadatnan ko na siyang nakahiga sa kama at hinihilot ang ulo.
"Den…."
"Oh Ly, pasok. Grabe buti ka pa naka-ayos na, nakaligo na. Di pa ako ready eh."
"Ha? Ready saan?"
"Magloving-loving."
"Baliw!"
"Haahahah! Ang cute mo talaga pag nagba-blush."
"Itatanong ko lang kung paano ang bills natin dito at ang food."
"Ako lahat."
"Ay hindi naman ako papayag do'n. It's not proper."
"Ako nag-aya sa 'yo pakasal. Mas ikaw ang agrabyado sa set-up na to so tama lang na ako ang magprovide. Sa bahay mo na lang ako hatian, 60-40, fair enough?"
"Sixty ako."
"Fine."
"So, ano'ng next step natin?"
"We'll buy casual and ring tomorrow. The ceremony will be in it's simplest form. Two friends ko lang ang witness."
"Grabe Den, hindi ko inakala na ang Denden na carefree ko lang na iniwan noon, sobrang organized and disciplined na ngayon."
"Kailangan eh."
"Masakit ba ulo mo? Hilutin kita? Or ano ba gusto mong lutuin ko mamaya?"Denden smiled and I asked why.
"Hmmm…wala naman. Asawang asawa dating mo eh. Huwag masyado Ly baka mafall ako sa 'yo, malaking problema 'yan."
"Alam mo ikaw Lazaro, napaka mo. Assuming, palabiro, paiba-iba ng mood. Ewan. Minsan ang kalog mo, minsan seryoso, minsan wala lang. Haaay!"
"Complexity of being a woman."
"I guess take a rest ka muna then magstroll tayo. Sa labas na lang tayo kumain then after errands natin, tsaka tayo magrocery for the week?"
"I guess just for four days. Our wedding will be two days from now and I had a reservation in a five star hotel."
"Hotel? Ano'ng gagawin sa hotel?"
"Manonood ng sine? Magba-bike?"
"Ano?!"
"Naku! Siyempre naman. It will be our first night as a couple. Nakakahiya namang inaya kita pakasal tas dito lang tayo sa bahay tutuloy. Hanubey?"
"Aaaah…"
"Maliban na lang kung payag kang maghoneymoon tayo?"
"Honeymoooooonnn?!!!"
"Hahahahah!! Joke lang! Nagbablush ka naman Valdez! Lumabas ka na nga ro'n, magibihis lang ako then dadalaw tayo sa friend ko."
"Pero sure okay ka lang? Puwede kitang samahan dito."
"No I'm fine. Mahigit isang taon na rin akong sanay na hindi ka kasama sa room."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
Fiksi PenggemarA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018