BAGUIO JANUARY 29, 2018
ALYSSA'S POV:
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Wala ng gaganda pa sa umaga na makita ang mukha ng minamahal mo.
Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni Denden. Para siyang anghel sa aking harapan, parang isang mundo na wala ng kulang, tila isang bagay na nagiging dahilan upang ako ay huminga.
Paanong dumaan ang mga taon na iyo'y dumaan at sa bandang huli ay kami pa rin pala? Ang isang pagmamahal na nag-ugat sa kabataan, paghangang nauwi sa tagong pag-ibig at pag-ibig na nauwi sa mabilisang kasalan. Iba man ang paraan, ang mahalaga ay ngayon na kanya ako, at ako sa kanya.
"Hon…." nagulat ako ng nagsalita siya dahil nakapikit pa siya.
"Ako na ba ang almusal mo? Busog ka na?" tanong niya sabay ngisi. Kinurot ko ng pino ang dulo ng ilong niya.
"Busog agad? Wala pa nga akong appetizer?"
Den slowly opened up her eyes, met mine and smiled again. Those sweet smile that I always long to see.
"Ano bang appetizer gusto mo?"
"Kiss natural, all over?"
"Hihihihi! Sige, habang naliligo?"
"Hahaah! Bumangon na nga tayo. Inaatake ang dyspmenorrhea ko, mag-iinit lang ako ng tubig."
"Aaaawww…. Kala ko bukas pa dadating?"
"Eh dumating eh. Ako na lang kikiss sa 'yo?"
"Ay! Di ko tatanggihan 'yan."We just cuddled for a while. Naabala kami sa katok ng yaya niya. Ready na raw ang almusal. Lumabas kami at kumain. Kumain habang walang katapusan ang kuwentuhan ng nakaraan.
"Aminin mo Hon, crush na ako noon pa no?" tanong ko sa kanya.
"Ay grabe! Kapal! Excuse me, matangkad ka lang at magaling maglaro."
"Pero deep inside, silay ka naman ng silay?"
"Hahaahh! Ewan ko sa 'yo!"
"Ashhooo!!"
"Bakit ikaw? Yabang nito, if I know, kahit maarte tingin mo sa akin no'n, crush na crush mo ko!"
"Hahaahh! Eh bakit mo namang crush kita? Kase po… tinitingnan mo ko kung nakatingin ako sa 'yo. No? No?"
"Grabe! Kapal talaga ng fez mo Hon!"
"I'm just telling you the truth. Kung hindi ba e… dinaan mo pa ako sa paspasang pagpapakasal maangkin mo lang ako?"
"Haahahh! Grabe lakas ng hangin! Malakas pa sa temperatura sa labas!"
"Hahahahh!"Kinurot ko ang pisnigi ni Denden. "Nakuuuu! Ang cute cute mo talaga!"
Matapos naming kumain ay nagpahinga kami saglit atsaka naligo. Nauna siya sa akin habang nag hot compress muna ako sa puson ko. Hindi kami nagsabay dahil may dalaw nga ako.
After few minutes ay ako naman ang naligo. Inenjoy ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig. Lumabas ako ng banyo at nadatnan siyang nakaupo sa sahig pero nakasandal sa kama. May nilalaro siyang isang bagay na parang pamilyar sa akin.
Hinayaan ko lang muna siya at tinuloy ko ang pag-aayos sa sarili ko.
"Den, tumayo ka nga dyan. Bakit nakasalampak ka dyan?"
"Lika Hon, tabi ka sa akin," alok niya.Sumunod na lang ako sa kanya. "So, what's that? Kailan ka pa nahilig sa mga ganyan? Is that yours?"
"No Ly, it's yours. This is your watch."
"What?!"May ilang minutong nagkuwento si Denden kumpa'no napunta sa kanya ang relo ko. Nangilabot ako dahil alam kong naiwala ko lang ang relo kong 'yon. Ayokong maniwala pero naalala ko ang panaginip ko.
** * Ginagap ko ang kamay ni Rolando." Rolando….please. Maniwala ka. Hindi ako ang Lyss na kilala niyong lahat. Hindi ako kabilang sa mundo niyo ngayon.
Ito, nakikita mo 'tong relong suot ko? Latest model 'to ng Casio Gshock. Wala pa ito sa market ngayong 1968 dahil sa panahon ko lamg mayro'n nito."
Naguguluhan pa rin siya. Binigay ko sa kanya ang relo ko. "Ito….kunin mo 'to. Makalipas ang limampung taon, ….."
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Oo, 1968 to 2018 , it's fifty years? Paano….? Tanong ko sa isip ko.
"Di ko maintindihan Den.."
"Huwag mo ng isipin. Tara, aalis tayo. Magbihis ka."
"Saan tayo pupunta?"
"Basta."Iniwan ni Den ang relo sa study table. Maya-maya ay bumabyahe kami kung saan. Isang oras ay natunton namin ang Heaven's Garden Memorial Peak. Inalalayan ako ni Den bumaba ng kotse at nagsimulang baybayin papasok ng sementeryo.
Isang mauseleo ang pinasok namin. Nangilabot ako saglit pero nawala rin agad. Nilapag ni Den ang binili naming bulaklak sa paanan ng puntod.
"Siya ang Lola Prudencia ko. Lola, si Alyssa po, asawa ko."
Bigla-biglang parang may lumukob na misteryo sa pagtingin ko sa larawan. Naaalala ko lahat ng panaginip ko. Si Prudencia…. Hindi na mahalaga pang ikuwento kay Dennise dahil sa pakiwari ko, kahit papano ay may hint na rin sya sa mga premonitions.
"Kamukhang-kamukha mo siya Hon," sabi ko.
"Oo nga, sabi nga nila."
Nagbigay kaming isang maikling panalangin. Maya-maya ay may tinahak na naman kaming daan. Sa puntod naman ng Lola Merlysaa ko.
"Hon… paano mong nalaman ang lahat ng ito?"
"I did research. See, ikaw rin? Kamukhang-kamukha ka ng Lola mo?"Napatango na lamang ako dahil halu-halo ang nararamdaman ko, hindi ko alam.
Nag-usal din kami ng panalangin. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad palabas ng memorial park.
Ibang-iba ang pakiramdam ko matapos naming puntahan ang mga puntod ng lola namin.Parang mas at peace, magaan, masaya, 'yung feeling na…. May na-accomplish kami.
"Hon… Ano plan sunod?" tanong ko. Parang naka-depende na lang muna ang maghapon ko sa kung ano ang pasya niya.
"Uhm… is it okay if ikaw na lang muna umuwi? May pupuntahan lang ako saglit. Bawal magtanong?"
"Hmm… okay. Medyo nagko-contract pa rin kasi puson ko."
"Okay sige, hindi naman ako magtatagal. Sabay pa rin tayo magla-lunch."________ _______
Abangan ang huling yugto..
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018