Alyden 6: Paano nga?

2.6K 77 9
                                    

DEN-DEN'S POV:

          Birthday ni Kiefer. Excited ako hindi dahil birthday niya kundi excited dahil masosolo ko si Alyssa mamaya. May lbm daw si Laura at hindi makakasama. 

          "Ano ba Den, nahihilo na ako sa 'yo sa totoo lang," sita ni Bea. "Kanina ka pa ikot ng ikot sa salamin. Maganda ka na kaya di mo na kailangang magpaganda kay Myco."  

             "Excuse me, hindi sa kanya no! I mean, hindi para sa kanya o kung kaninumang lalaki. Gusto ko lang bakit ba?" 

             "Hindi pala makakasama si Laura.:
             "Sabi nga ni Ly. Buti naman." Tumaas ang kilay ni Bea. 

      Kinuha ko ang pouch ko at nag-retouch ng lipstick. "Pa'no ba naman kasi, hindi umalis-alis 'yun sa tabi ni Alyssa. Akala mo laging aagawan."

              "Hmmmm…medyo nga pero mabait naman 'yon. Tahimik lang." 
              "Ang mga tahimik ang matitinik, may mga tinatago tandaan mo 'yan. Nasa'n na ba si Alyssa?" 
             "Eto nga o, kakatext lang. May emergency daw sa bahay nila at dederetso na lang daw kina Kiefer."

           Bigla naman akong nalungkot. Ang saya ko pa naman na sabay kami. Ano kayang nangyaring emergency?  Lumabas na kami ng room ko. Nila-lock ko ng sabihin ng dormmate ko na nag-aantay si Myco sa baba.  

                "Seriously?" baling ko naman kay Bea. Tumatawa-tawa lang. 

               "May kinalaman ka ba rito, ha? Di ka talaga titigil ng kaka-match making ah. Kulit mo rin eh no?" 

               "Bakit ba? Eh, sa bagay kayo sa tingin ko." 
              "Sa tingin mo? Eh sa tingin ko? Huwag mo ng uulitin 'to ha. Kundi F.O. ka sa akin." 
              "Ano 'yon?" 
              "Friendship Over." 
              "Ganern? Tara na nga, malulusaw na make-up natin nito eh. Do'n sa kotse niya, malamig, tara." 

            Myco is a gentleman. He makes sure we're safe and comfortable sa passenger's seat. May driver siya.

          "Pasensiya ka na Mycs, inabala ka pa nitong si Bea. Puwede naman kaming mag-cab."

             "Naku no worries. Okay lang 'yon."
            . "Myco, marami na bang tao do'n? Baka naman puro sosyalin do'n? Ang simple lang ng damit namin."

      "Di ah. Tayu-tayo lang din. Mababait family ni Kiefer, sobra." 
   
       "Ay mabait din si Alyssa, bagay sila." 

           Siniko ko si Bea. "Tumahimik ka na nga dyan, ang kulit mo," at pinalaki ko mata ko. Kainis! 

          Pagdating sa bahay nila Kiefer ay maririnig mo na ang malakas na dagundong ng mobile. Nakakasilaw ang galaw ng mga naglalarong ilaw.

            "Dito muna kayo ha, tingnan ko lang 'yung iba nating classmates," paalam ni Myco. Aalis na sana si Myco ng lumapit si Kiefer. Inabot namin ni Den ang gift namin.

             "Happy Birthday. Sana magustuhan mo gift namin," sabi ni Bea na parang kinikilig pa. "Guwapo mo Kief, bagay kayo ni Alyssa."

 Ito na naman!

           "Ah eh….ando'n pala siya sa may garden. Kausap na 'yung iba niyong classmate na ininvite ko din." 

         "Honestly Kief, imbitado ba buong c. lass?" Tanong ni Bea.

           "Hindi naman. Sige, thank you ulit dito sa gift. Wait lang ha, we'll start in a few minutes."

             Bumaling sa akin si Bea pagtalikod ni Kiefer.  "What's wrong with you girl? Kanina ang fresh mo, ngayon naman si Busa ka na."
     
             "Sinong Busa?"
             "Busangot! Duh! Ano ba problema?"
            "Akala ko kasi emergency? Bakit nandito na si Alyssa?
            "Ma….. malay! Eh di tanungin natin mamaya pag nakita natin."

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon