Alyden 7: Honey Ko

2.7K 71 7
                                    

ALYSSA'S POV:

          Hindi  na kami nagtagal sa park ni Den. Medyo malamok na rin kasi. Hinatid ko na siya sa dorm nila, na magiging dorm ko na rin. Nagstay pa ako sa salas nila. 

         "Ano gusto mong kainin? Parang hindi ka naman nabusog kanina sa party," tanong niya. Magkatabi lang kami sa sofa. Time check 10:30 PM. Nagpaalam naman kami kina Bea kanina pero sa text lang. Sabi ko LBM na ako.

            "Paano ka mabubusog, kung ipakilala ako ni Kiefer sa angkan niya, akala mo naman, asawa na ako o di kaya'y engaged na kami."
           "Ayaw mo ba sa kanya? Bigyan mo ng chance, malay mo naman. Mukhang maayos ang pamilya niya, kayang-kaya kang buhayin."
           "Naku, nag-aaral ako para magkawork ng maayos. Di ko need ng bubuhay sa akin. At…ayaw kong maging housewife. I want a carreer of my own."
           "O siya sige, huwag na nating pag-usapan at baka maging debate na naman ang kalabasan."
           "Tara, labas ulit tayo?"
           "Saan?"
           "711."
           "Ano bibilin mo do'n?"
           "Gusto ko ng corneto, mero'n ba do'n?"
           "May icecream pa dyan sa ref, bili ni Joana. Ayokong lumabas ng nakapormal."
           "Hmmmm…sige, minsan ayain kitang lumabas na babagay ulit 'yang damit mo."
           "Nye!"

          Kumain nga kami sa may common dining nila. "Sure ka bang puwedeng bawasan yan?" tanong ko.

           "O naman. Akin na 'to eh. Naglambing ako bago siya umalis. Binilhan naman ako agad."

            Ako ang naglagay sa apa ni Den. "Ilang scoop ba kaya mo be?"
           "Be?"
           "Hehehe! Oo, naririnig ko lang sa mga classmates natin. Gano'n tawagan. Ayaw mo ba?" 
            "Parang bading eh."
            "Eh anong gusto mo?"
            "Yung medyo sweet naman."
            "Hmmmm…Sweetiepie?"
            "Masyadong sweet."
            "Nye! Ano pa bang matamis?"
            "Ikaw."
            "Ano? Ikaw Den wala ka na naman sa hulog."
           "Eh ikaw nga sweet eh. Hmmmm….tawagin na lang kitang honey?"
           "Pang mag-jowa 'yon eh."
           "Ay oo nga, hindi bagay sa atin."
           "Pero puwede na rin kaysa sweetie pie, pabebe masyado. Okay lang ba Ly? Para naman akong bestfriend mo, iba tawag sa 'yo."
          "Okay, walang problema po."

          Sumubo si Den ng icecream. Parang ang sexy the way she licks it. Lumapit ako sa kanya para punasan ang gilid ng lips niyang may baka ng icecream.

          "Para ka talagang bata kumain," puna ko. Tumawa lang siya.

           "Tamo, ang sweet mo talaga Ly! Ang suwerte ni Kiefer pag naging nobya ka niya. Maalaga ka eh."
           "I can still take care of you kahit may boyfriend na ako. That's what friends are for right?"
          "Kaya lang Ly, medyo selosa kasi akong kaibigan. Binabago ko naman ang sarili ko kasi hindi naman talaga tama na ipossess ko ang isang tao at angkinin. Tulad na lang ng closeness niyo ni Laura. Nauna kitang makilala pero mas kayo ang laging mag-kasama. Gusto kitang kaibigan Ly. Aaminin kong, nagseselos ako sa inyo ni Laura. Ayan alam mo na. Friend kasi kita eh. Ayokong mahirapan kang manghula at pakibagayan ako once maiba mood ko. Hayaan mo lang ako kapag gano'n ha."

          Tumitig ako sa mata niya kasi seryosong-seryoso ang boses niya. "Seriously? May selos na nagaganap? Naku Den, dapat maging mature ka na sa mga ganyan kasi pang bata lang 'yang mga selos-selos na 'yan."

           "Bata? Bata ka pa ba?"
           "Ha bakit?"
           "Aminin mo….. nagselos ka sa amin ni Myco no? Kaya hindi ka tumuloy sa dorm kanina. Nakita mo kami diba?"
          "Ako mag-seselos? Nevah! Gusto ko lang na masolo ka niya. Kasi pihado, maiilang duma-moves 'yon pag may asungot."
          "Never kang magiging asungot Honey….mahal kaya kita."
          "What?"
          "I love you Honey…..as a friend. Anubey!"
          "Ahh…."

           Nang maubos ang icecream namin ay nag-mumog ako para mawala ang tamis sa bibig ko. Pero dahilan ko lang yun kasi feeling ko nagblush ako when she said that she loves me. Iba kasi ang dating sa akin. Pero alam kong maling bigyan ng kahulugan yon. Denden is just trying to express her deep desire in making me close to her as her friend. Pero parang may mali. 

            "Pa'no, uuwi na ako. Okay ka lang ba mag-isa dito? Diba sinundo si Joana ng bf niya?"
           "Huwag mo na ngang ipaalala, natatakot nga akong mag-isa."
          "You want me to stay? Kuha lang akong gamit sa bahay. Forty minutes?" 

          Lumaki ang maata ni Denden. Hindi niya inaasahan ang offer ko. Kahit naman ako ay nagulat dahil ako nama'y hindi sanay ng may katabi matulog.

          "Bakit  parang nagulat ka?" I asked her. 
         "Eh….wala. Masaya lang ako. Sa wakas masosolo rin kita. I mean, walang Laura, walang Kiefer. Ako lang."

           Ang seryoso na naman niya no? May problema siguro si Denden? Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko ang ulo niya. Nagulat ako sa ginawa ko. 

          "Huwag kang emo Hon, okay? Ambata mo pa, seryoso mo na masyado. O sige na, maglock ka muna ng door at iopen ang cp mo. Tatawagan kita pag malapit na ako."

        Nakita ko siyang lumungkot. "Oh, ano naman 'yang drama Be? Este Hon. Ano? Bakit ganyan itsura mo?"

           "Naiinggit ako kay Kiefer. Kasi alam kong magiging sweet and caring kang girlfriend."
          "Oh so?" 
         "Wala lang. Sana ako rin matagal ko pang maexperience 'yan sa 'yo. Pag may bf ka na, malayo ka na sa akin."
         "Haaay! Alam mo Den, hindi ko alam na may ganyang side ka pala. Hulaan ko, may regla ka no?"
          "Oo."
         "Okay, blame it on your hormones. Sige mamaya, magdamag kitang yayakapin para mafeel mo'ng presence ko."
         "Eh pa'no bukas pag-alis mo?"
         "Asuuus! Alangan namang yakap kita lagi? Ano? Kambal tuko? Hay naku, makaalis na nga," tumalikod na ako at palakad na ng hawakan ni Den ang braso ko.
          "Ly!"
          "Ano? Papaalisin mo ba ako o ano?"
         "Balik ka ha?"
         "Oo nga. Dadalin ko na rin bag ko para dito na ko gumawa ng assignment sa Math."
          "Ah sige, sige." 
          "Puwede na po ba Honey? Aalis na ako? Walang ng drama? Wala ng habol?"
          "La na Hon.."
          "Mabuti naman. Sige, ang pinto i-lock. Kung magbibihis ka, sa loob ng Cr. Kung ayaw mo sa CR, magpatay ka ng ilaw para di ka maaninag ng mga tao sa labas."
          "Opo Inay."
          "Inay ka dyan! Sige na." 

         Nangingiti akong lumabas ng dorm ni Denden. Bakit gano'n ang feelings ko? Parang lumalabas kay Den ang protective instinct ko? Dati naman, wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Oo, crush ko si Den pero noong mga bata pa kami.

          Hindi ko naman mabigyan ng kahulugan ang pagiging sweet and clingy niya sa akin. Siguro nga dahil kay Laura, na feeling niya hindi na kami magiging close. Oo, siguro 'yun nga ang dahilan.

         Ayokong madamay ang friendship namin ni Denden kaya't hanggang sa huli, aalagaan ko 'yon at aalagaan ko siya.

 *****************
Shan 4/1/17
;)

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon