ALYSSA'S POV:
Sa loob ng limang buwan, wala akong ginawa kundi magtrabaho at pagbutihin iyon para sa ikalulugod ng aking mga magulang.
Wala na silang mahihiling pa sa akin. Nakayanan kong mag-isa matapos akong iwan ni Kiefer matapos ang tatlong buwan. Iniwan in the sense na kailangan din niyang
paluguran naman ang kanyang pamilya. May mga negosyo rin sila na kailangan din siya ro'n. Nanantili naman kaming maging magkaibigan.Lingid sa kaalaman ni Denden, alam ko ang regular na pagrereport sa kanya ni Ate Maycee. Sa gano'ng paraan, alam ko namang hindi ako talaga iniwan ni Denden.
Tinaningan ko ang sarili ko at sinabing anim na buwan… anim na buwan lang ako papaalipin sa pagsupil sa totoong nakakapag-pasaya sa kin. Pero heto't limang buwan pa lang ay nagpramdam na muli si Den at hindi ko na 'yon mapapalagpas pa.
Kinabukasan, Linggo - lakas loob ay pinili kong kausapin ang pamilya ko. Lahat sila. Sinimulan ko sa kung ano ang pagkatao ko, kung paano ako dumaan sa pagkalito hanggang sa pagtanggap sa aking sarili at hanggang sa namuong pagmamahalan namin ni Dennise.
"Sa kabila ng lahat, ako pa rin naman ito. Si Alyssa na anak ninyo. Si Alyssa na nagkakamali pa rin pero ang pagmamahalan namin ni Den
ang isang bagay kumbakit nais ko pang magpatuloy sa buhay. Mahal na mahal ko po siya at patawad kung sa pagkakataong ito, susundin ko naman ang aking puso."Tumayo ang nanay ko at niyakap ako mula sa likuran. "Mahal kita anak, at hindi mababawasan 'yon ng dahil lang sa mahal mo si Dennise."
"Gano'n din kami. Kung saan ka masaya sis, doon kami."
Ang tatay ko na lang ang walang kibo. Daddy's girl. Tumayo siya at walang imik na umalis.
"Anak, hayaan mo na lang muna ang 'iyong ama," malumanay na sabi ni Mommy. Maayos din 'yan. Nasa likod mo ako."
Nag file ako ng leave ng malamang uuwi na si Denden from Texas. Excited ako. Pero kailangan kong ayusin muna ang tatay ko.
Pinuntahan ko siya bago ako matulog. Umalis muna ang Mommy pagkapasok ko ng kuwarto nila. Kunghindi ko gagawin ito, hindi rin ako totally magiging panatag.
"Dad," mahina kong tawag pagbukas ko ng pinto. Nasa wheelchair pa rin siya at kasalukuyang nagbabasa ng kung ano. Lumapit ako at naupo sagilid ng kama, malapit sa kanya.
"Dad, can we talk? Please?"
Nilagay niya sa kama 'yung hawak niya at nagmuwestra siya na gusto niyang humiga na sa kama. Inalalayan ko siya hanggang maging komprotbale ang upo nya. Nilagyan ko pa siya ng isang unan sa likod. Umupo ulit ako, tabi ng tagiliran niya. Nakayuko lang ako at naghihintay sa reaksyion niya.
"Dad.. I know, disappointment ako pero heto ako, ito ako..."
Nanatili lang siyang tahimik. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Dad… sana mapatawad niyo po akopero hindi ako hihingi ng tawad dahil sa minahal ko si Dennise."
"Paano ang kinabukasan mo anak?" Nang sa wakas ay nagsalita na siya."Maayos ako Dad. Sobra kong ikalulugmok ko kung sa pagkakataong ito ay papakawalan ko pa ang kaligayahan ko."
"Paano ang mga taong huhusga sa inyo?"
"Hindi na po namin 'yon iniintindi. Pero, aaminin kong hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung buong pamilya natin ang husgahan dahil sa akin. Nahihirapan ako Dad. Mahal ko kayo pero mahal ko rin ho siya."Inalis ni Dad ang salamin niya at nilagay sa side table. He looked at me.
"Time flies so fast. Hindi na mapigilan ang paglipad ng prinsesa ko. Kung saan ka masaya anak, bumagsak ka man," he paused.
"Ako ang unang sasalo sa 'yo."
Tuluyang bumagsak ang luha ko pero luha na ng kaligayahan. Oras na akala kong hindi na darating.
"Ipapahanda ko ang bahay sa Baguio. Hindi ko muna maaatim na maging laman agad kayo ng tabloid. Kung anuman ang plano niyo, sabihin mo lang anak."
_______
January 26, 2018
Denden's ArrivalMaaga akong nagising at nag-ayos. Planadong-planado na ang galaw ko. Alas tres ang lapag ng eroplano na sakay si Dennise. Mga before five ay nasa bahay na siya. Kausap ko siya kaninang umaga pero after no'n ay hindi ko na sinagot ang mga text and calls niya.
Nagpahatid ako sa driver namin dahil ayokong mangarag ang beauty ko magmaneho. Kinakabahan ako ng bumaba ako ng kotse at magdoorbell sa gate nila. Isang sorpresa ang ginawa kong ito.
Maya-maya ay binuksan na ng kasambahay. Bumati naman siya.
"Si Dennise po ba andyan?"
"Ay! Yes po madam! Pasok, pasok!" Bago ang kasambahay nila dahil tinawag akong madam. Lahat sila kasi rito ay Idol o kya Ate ang tawag sa akin. Sumunod ako sa kanya.
"Asa'n ba ate Den mo?" tanong ko habang nililibot ng tingin ang paligid. Wala pa rin namang pinag-bago.
"Naku Ma'm, maaga ho silang naghahapunan ngayon. Gusto raw po kasi ni Mam Dennise magpahinga ng maaga."
"Gano'n ba.."Inisip kong umatras. Tama ba 'tong ginawa kong pagpunta?
"Pasok Ma'm.Upo ho kayo. Idol ko po kayo. Pero mas bagay pa rin kayo ni Ate Den kaysa kay Ravena."
Bigla naman akong nahiya. Sabi ko hintayin na lang matapos magdinner bago niya sabihing nandito ako. After fifteen long minutes, ang una kong nakita ay si Tita. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Long time no see hija. Lalo kang gumanda."
Medyo nahiya ako ng mapadako ang tingin niya sa dala ko na nakapatong sa sofa.
"Ah Alyssa, masama ang pakiramdam ni Den, if you want puntahan mo na lang siya sa room niya. Doon pa rin naman sa dati."
"Po?"
"Sige na anak, alam na namin lahat lahat dito sa bahay. Natutuwa nga kaming lahat na napauwi mo na siya eh. Sige na Ly…."
"Thank you po…" sabay yakap ko ulit.
Dahan-dahan akong umakyat, nanginginig ang aking mga tuhod. Muli kong makikita ang aking mahal.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ni Den para kumatok ay siya namang bukas nito. At nasa harap ko na ngayon ang babaeng pinagarap ko noon, pinakasalan ko at mahal ko."Ly!" sigaw niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Binaba ko muna sa sahig ang dala-dala ko atsaka gumanti ng yakap sa kanya.
"Ly…. Oooh Ly….." sabi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hinagod ko ang likod niya.
"Den……"
Nagkalas kami ng yakap. Nagtitigan at ilang segundong nangusap ang aming mga mata."I've missed you so much…" malambing na turing niya. Iginaya niya ako papasok ng kuwarto. Binalikan ko pa 'yung bitbit ko kaninang naiwan sa labas.
Pagpasok ko ay nakahiga na siya sa kama. Mukhang pagod nga."Ano ba 'yang dala mo?" tanong niya ng umupo ako sa may gilid ng kama. Hinaplos ko muna ang kanyang pisngi. Binuksan ko ang paperbag at nilabas ang isang pumpon ng bulakak.
"Oooh…..Ly… Bakit may ganyan pa?"
"Mula ngayon, Ms. Dennise Lazaro, I want to start this right. Manliligaw po ako."
Seryoso naman ako pero tawa ng tawa si Dennise. >.<
----------------------
Shan
Jan. 26, 2018
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018