Chapter 23: Hugs :)

1.9K 67 9
                                    

  DENDEN'S POV:

    NAUNAHAN ako ni Alyssa. Nasa isip ko naman talaga na sana matulog kami ngayon ng magkatabi.

     "Teka, teka Den! Hindi pa ako nagbibihis."
     "Ay oo nga pala hehe! Sige bihis ka muna."

    Lalabas na ulit siya ng pinto ng habulin ko ng hawak ang braso niya.

    "Oh bakit?"
   "Ly, sigurado kang babalik ka rito ah?"
    "Hahahah!! Ang Oa mo. Halatado ka tuloy na mas namiss mo ako ano?"

   Ly smiled and pinched my nose.

    "Bakit ako di mo namiss?" I pouted my lips. Napatingin siya sa lips ko tsaka umiwas ng tingin.

    "Namiss kita Den. Di mo lang alam. Payakap nga dyan," sabi niya sabay kabig sa akin. I wrapped my arms around her waist and she planted a kiss on my head. Parang naiyak naman ako. Natouch ako eh.

     "Higpit naman," reklamo ko. Puwede bang mamaya na kami magbitaw ng hug?

     "Sige na, magbihis ka na rin. Few minutes lang, I'll be here."
    "Bilisan mo ah."
    "May taxi lang te?"
     "Hehe. Okay lang. Pag nainip ako, ako pupunta sa room mo."

     "Puwede rin? Hahahah! Sige na. Alam kong mabagal ka kumilos kaya pustahan, pagdating ko dito nagbibihis ka pa rin?"

    "Hmpf!" Kinurot ko ang tagiliran niya. Napaigtad naman sya tsaka ngumiti. Lumabas na naman ang dimples niya. Di na ako makapag-hintay na gumising sa araw-araw na ngiti niya ang babati sa akin.

    Lumabas na si Ly. Nag-ayos na ko ng kama tsaka nahiga saglit. Niyakap ko ang isang unan at sumubsob. Doon ako tumili ng tahimik. Kinikilig ako buwisit!

    "Den!" biglang bumukas ang pinto. "Huy! Papakamatay ka ba? Bakit nakatakip ang unan sa mukha mo?"
    "Ha?"
    "Huwag ka muna mamatay, papakasalan pa kita."
    "Tse! Bakit ka bumalik?"
    "Nakalimutan ko susi ng room. Nasa bag mo pala."

    Umalis ako ng kama at kinuha sa bag ko ng susi niya. Inabot ko sa kanya tsaka siya umalis. Shemay, muntik na ako ro'n ah! Binilisan ko ng kumilos. Mamaya kasi aasarin na naman ako no'n na kilos pagong. Ito minsan ang kinaiinis sa akin eh.

     Pumasok ako ng banyo. Medyo sumama ang tummy ko kaya nagbawas muna ko. Deretso shower na rin.

    After ko sa mga seremonyas ko ay nag-apply pa ako ng moisturizer at body lotion. Lumabas ako ng banyo at nagulat ng makita kong nakahiga na si Alyssa sa kama ko. Nakatagilid siya at yakap ang isa kong unan. Putek 'yan, mahigit forty minutes pala ako sa banyo, hahaha! Nainip na si Loves ko.

       Lumapit ako at umikot sa kabila para makita ang mukha ni Alyssa. Umupo ako sa kaunting space ng kama kapantay ng tyan niya. Ilang minuto na kayang tulog itong babaeng 'to? Hinawi ko ang ilang buhok na nalaglag sa mukha niya. I can't help myself to caress her cheek. How I long to do this.

       Umingit si Ly ng maramdaman ang haplos ko. Antok na antok na siya. Kahit hindi makadilat ay hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Sosme Alyssa! Hindi mo ba ako tatantanan para kiligin? Bumilis ang tibok ng puso ko pagdampi ng mainit nyang labi sa palad ko.

    "Goo--ooood night …I love you…" Pautal niyang sabi. Nagulat ako sa huling tatlong sinabi niya. Nananaginip na siguro siya? Noon naman casual lang ang pagsasabihan ng gano'n kasi nga bestfriends kami.
Pero bakit parang may dating ngayon? O ako lang nagbibigay ng kahulugan? She's just dreaming, 'yun lang.

  Nahiga na ako at tumalikod na sa kanya. Mukha kasing comfy na comfy na siya sa pagkaka-akap sa unan ko. Ayaw ko na siyang abalahin.

ALYSSA'S POV:

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon