February 12, 2018
ALYSSA'S POV:
Hinawakan ng Mommy ang kamay ko. "Nak, masaya ako sa araw na 'to. I'm sure, ang Dad mo sa loob ay nagdadrama na. Mauuna pang umiyak sa akin 'yon."
Gumanti ako ng pisil ng kamay sa Mom ko. "Lamig ng kamay mo anak, cool ka lang. Sayang ang make-up mo. Ang ganda-ganda mo anak."
Kinatok ako ng isang coordinator. "Ma'm ready na po sila lahat sa loob. Magstart na po in a short while. Pati rin po kayo Mommy, baba na po tas sa may gilid na po kayo dumaan."
Inalalayan kami pareho para makababa ng kotse. Habang nalalapit na ay walang tigil ang kaba sa dibdib ko. Hinalikan ako sa pisngi ng Mommy ko.
"Okay lang umiyak anak, huwag lang sobra kasi mahahawa ako sa 'yo," biro ni Mom.
Ako na lang ang nakatayo ngayon sa tapat ng saradong pinto. Walang tigil ang flash ng mga camera. Yes, we are getting married today, again I mean. But this time? Hindi na sikreto, hindi na patago, hindi 'yung kaming dalawa lang nakakaalam.
Simple lang ang idadaos na seremonya kasama ng malapit na kamag-anak at mga kaibigan. Nagkasundo ang partido Lazaro-Valdez na may isang Tv Network na magcover ng kasal, bilang pasasalamat na rin sa mga taong sumuporta at hindi humusga.
Alam naming ang pagbubunyag na ito naming dalawa ni Den ay magbubunga ng ilang haka-haka, panghuhusga, mga negatibong reaksiyon, pero alam naming malalagpasan namin 'yon.
Hindi naman ang ibang taong 'yon ang magiging source ng kaligayahan namin. Sapat ng nandyan ang pamilyang tapat at mga kaibigang tapat.Ibang-iba ang pakiramdam sa reyalidad ng kasal kaysa noong madalian lang. Ngayon, matapos lahat ng unos, mas kaya na naming manindigan at ang mas lumalim na pagmamahalan naming dalawa ang bubuklod sa aming mga puso at kaluluwa. Wala ng makapipigil pa.
"Ma'm, relax lang po ah, chin up, walk slowly and smile po," muling paalala ng photographer.
Nakatungo lamang ako sa paanan ko habang mahigpit na hawak ang boquet ko. Medyo nanginginig na ako at di ko na sigurado kung maihahakbang ko pa ang aking mga paa.
"Ma'm be ready na po, chin up!"
Narinig ko na ang intro ng wedding march namin. Oh my this is it!
I do swear that I'll always be there
I'd give anything and everything and I will always care
Through weakness and strength, happiness and sorrow, for better for worse, I will love you with every beat of my heart
1, ,2,3,4,5 ----- 15...Bumukas ang pinto at tila walang mapaglagyan ang kaligayahan ko. Mga malalapit na kaibigan ang unang ko nakitang nakangiti, abot hanggang langit na hindi na maalis-alis. Sinenyasan akong lumakad na. Glad I was able to move my feet.
♫ From this moment life has begun
From this moment you are the one ♪
♫ Right beside you is where I belong
♪ From this moment on ♫Nagsimulang lumutang sa ere ang mga bubbles at butterfly in favor of our flowergirls and kids ng mga pinsan namin. Habang patuloy ako
sa paglalakad ay medyo naluha ako ng malapit na ako sa gitna to meet my Mom and Dad. Matapos ang lahat, magulang pa rin sila, at mahal nila ako. :)
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018