DENDEN'S POV:
MASAMA ang loob ko sa pag-alis ni Alyssa one year ago. Hindi na kami nagkita at sa Baguio na siya nag fourth year. Parang gano'n lang 'yon? Ang sakit-sakit. Ni ha ni ho, hindi kami nag-usap. Siya pa ang may ganang gawin 'yon ng walang paliwanag? Siya na nakita kong nakipaghalikan kay Laura at walang pakundangan kesehodang malapit lang sila sa gate? Wow lang!
Inaya ko si Myco no'ng uminom. Sobrang sama ng loob ko, sobrang sakit. Gusto niya pala si Laura, nagmamaang-maangan pa siya? Na nilihim niyang si Laura nga ang mahal niya at si Laura ang tao sa likod ng mga letterings na I love you sa bondpaper? Tanga ko lang!
Matapos ang insidente na
'yon ay gusto ko siyang sumbatan, awayin, sigawan. Pero sino nga ba ako? Dakilang bestfriend lang. Urong-sulong ko siyang gustong puntahan at kausapin pero ang galing niya lang umiwas.Malakas ang kutob ko na magkasama sila ni Laura nung fourth year dahil nawala na rin sa school si Laura. Ang galing lang.Awang-awa ako sa sarili ko ng mga panahon na 'yon pero kailangan kong mag-aral. Hindi nawala si Myco sa tabi ko. Pero kahit pilitin kong gustuhin siya, si Alyssa pa rin. Kahit gusto kong magalit kay Ly, hindi ko magawa. Nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit isang taon pa ang lumipas….Siya pa rin.
I graduated college, BS Psychology. Hindi ko pa nagagamit ang kurso ko dahil sa family issues. My grandfather needs assistance at ako na lang sa mga apo niya ang puwedeng mag-alaga sa kanya. Sabi ko, bata pa naman ako. Sabi nga nila, kahit hindi na raw ako magtrabaho ay puwede dahil sa mga pamana ng mga lolo't lola namin kung ikoconvert lahat ng ari-arian.
Dahil dito, pumasok ang isang problema sa buhay ko. After mamatay ng Lolo ko ay may testamento siyang iniwan na hindi mapupunta sa akin ang isang pabrika kung hindi ako mag-aasawa. Hanggang mapili nilang pakasalan ko ang anak ng kumpare niya na si Juan Lucio o Jel kung tawagin ng pamilya niya.
Pumayag akong magpakasal dahil alam namin pareho na ito ay sa papel lamang. Sa US kami magpapakasal para after one year being married ay puwede naman itong idivorce kung sakaling hindi talaga kami magkagustuhan."Anak, prepared na ba ang mga gamit mo papuntang Baguio bukas? Pasensiya ka na at doon sa bahay ng Lola mo gaganapin ang engagement party niyo. Mas marami kasing kamag-anak ang pamilya ni Jel doon.
Mas marami kasing mag-aasikaso doon.""Haaay! Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito so I can have my own life na My. Buti na lang at walang pagnanasa sa akin ang lalaking 'yon."
"Matapos iannounce ang engagement niyo ay magsisimula na tayo sa preparasyon. Alam kong malaking sakripisyo sa 'yo 'to pero alam kong nauunawaan mo."
"Dami kasing pakulo ng mga matatatanda, ewan ko ba! Buti na lang wala akong lovelife ngayon at siguradong sa papel lang ang kasal na 'yon. Kaya lang My…. may problema ako…."
"Ano naman?"
"Si Juan Lucio ang magiging first kiss ko? Waaaah!!!"
"Asus! Eh di sabihin mo dampian na lang ang lips mo, hahaha! Malay mo naman anak, siya na pala? Ito lang ang way ng tadhana?"
"Mommy naman eh!"Nagsimula na akong mag-empake. Sa pagpapakasal ko, wala namang harm na mangyayari. Magkakanya-kanya pa rin kami ni Lucio. Sinabi sa testamento na kailangan naming magsama sa iisang bubong sa bahay na 'yon ng Lola ko pero palabas-labas ng bansa si Lucio. I met him twice. He's nice pero lagi mong kakikitaan ng pag-aalinlangan. Hindi rin siya nagsasalita. Halatang ayaw niya rin ng arranged marriage at wala rin siyang magawa.
Naalala ko si Alyssa. Saan na kaya siya ngayon? Pag nagkita kami malamang ay tawanan niya lang ako dahil sa pag-aasawa ko ng maaga. Siya kaya? Sila pa rin kaya ni Laura?
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
Fiksi PenggemarA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018