Alyden 8: Her and Heirs

2.6K 77 4
                                    

DENDEN'S POV: 

    HINDI maalis ang ngiti sa labi ko. Excited na akong makasama si Ly. Hindi naman ako takot mag-isa sa room, medyo lang. Pero natouch ako nang mapansin ko ang concern sa mata niya no'ng sinabi kong mag-iisa ako ngayong gabi.

    Pag-alis niya ay mabilis akong nagpalit ng bedsheet at punda. Pati kumot ay pinalitan ko rin kahit kakapalit ko lang no'ng isang araw. Sinipat ko ulit ang kama ko. Hmmm…kakasya kami rito?

       Mabilis akong naglinis ng katawan matapos kong ayusin ang lahat ng beddings. Nagspray pa ako ng airfreshner sa buong room. After an hour ay nag-alala ako na wala pa si Alyssa. Tinawagan ko na siya. 

       "Hello Ly, tuloy ka pa ba dito?" 

      "Oo Den wait lang. Tumawag kasi si Kiefer, nangulit pa sa landline. Bakit daw tayo biglang nawala. Gusto pa ngang dumaan dito sa house, sabi ko matutulog na ako. Wait lang, paalis na ako."

       "Sure ka? Magtaxi ka na ha, gabi na."
      "Okay okay, sige see yah!"

        Pag end ng call ay bumilis ang pintig ng puso ko, sa excitement na hindi ko mawari kung saan nanggagaling at bakit. On the other hand, ang selos na nafi-feel ko kay Laura at Kiefer, hindi ko mapangalanan kasi hindi ko dapat maramdaman 'yon.

      Maya-maya ay naghikab na ako at bumibigat na ang talukap ng mata ko. Pilit kong nilalabanan, wala pa kasi si Alyssa. Pumunta na lang ako sa kusina para magkape. Paubos na ang tinimpla ko no'ng magcall si Ly na nasa labas na siya ng gate. Salamat naman!

          "Hi," bati ko. "Halika na, malamok dyan," sabi ko. Pumasok na siya ng gate at napansin ko ang dala niyang gamit. 

         "Ly, dala mo ba aparador mo? Ano ba 'yang bitbit mo eh sa Math lang naman tayo may assignment?" 

        Sinara ko na ang pinto at umupo muna sya sa sofa. "Eh kasi nga nagmamadali na ako, gabi na. Baka makatulog ka kaya 'yung bag ko sa school sinuksok ko na lang mga damit at mga personals ko." 

        Tinignan ko 'yung backpack sa tabi niya. "Hmmmm… mukha nga. Puputok na oh, tsk!"
       "Naku, hayaan mo na 'yan. Tara na, antok na antok na ako eh."
       "O sige tara na."

       Pagpasok namin ng room ko ay sumimangot siya. I asked why. 
   
           "Dito na lang ako sa bed ni Ate Joana matutulog. Mahalaga may kasama ka."
          "Eh Ly, uhmm…tabi na lang tayo. Kasya tayo promise."
          "Mukhang hindi eh. Di ka magiging comfortable. Dito na lang ako."
          "Ahm…tabi na lang tayo, sige na. Ako na lang sa tabi ng wall para kung worried ka na mahulog ako. Ikaw na lang mahulog."
         "Gano'n? Salamat ha."
         "Hahahahah!! Kasi naman, kasya tayo dyan. Payat naman ako, sigeeee naaaa, please?"
        "Bahala ka na nga."

        Tabi na kami sa kama. Kasya naman eh, huwag lang masyadong gagalaw. 

           "Okay ka lang Ly? Puwedeng gumalaw," sabi ko. Nakatihaya lang kasi siya at nasa noo ang isang kamay. "Ano'ng iniisip mo?" tanong ko. 
          "Marami."

          Tumagilid ako paharap sa kanya. "Like what?"

        "Baka puwedeng alisin mo na ang unan sa gitna natin para medyo makakilos ako? Kung puwede lang  naman. Pero kung sanay ka kaakap 'yan, okay lang."
        "Iyon lang? haha! Ang itsura mo parang ang lalim ng iniisip mo no! Sus!"

       Inalis ko ang unan sa gitna at hinagis sa kama ni Ate Joanna. Tama nga naman, medyo lumuwag kami. Tumagilid na rin si Alyssa at nagtama ang mata namin. "See? May space pa oh. Eh di fair."

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon