_______________ALYSSA'S POV:
NANINIBAGO man ang family ko ay muli ko silang nakasama sa Manila. Sabi ko sawa na ako sa Baguio at baka mas may opportunity ako sa Manila.
"Anak, nagpunta nga pala si Bea dito ulit. Sabi mo kasi kahapon ka uuwi. Tama lang na mag unwind ka muna at mukhang nastress ka sa Ninong mo sa Colorado at napaaga ang uwi mo?"
"Namimiss ko lang ang buhay dito My. Ayoko ro'n na hindi ko kayo madalas nakakasama. Marami na akong inapplyang work kaya hinihintay ko lang po mga reply."
"Ayos ka lang ba anak? Hindi na kita nakitang masigla mula ng dumating ka. May nangyari ba ro'n na hindi namin alam?"
"Wala naman po. Okay lang ako. Siguro nacoconfuse pa ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko."
"O siya, ikaw ang bahala. Basta andito lang ako kung may problema ka ha?"
Two days akong naburo sa bahay at walang ginawa kundi maghintay ng text or call ni Denden. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pumayag naman ako sa ganitong set-up na
hiwalay kami at sekreto ang pagpapakasal pero hanggang kailan ako magpapanggap na ayos lang ang lahat sa akin?Totoo nga kayang mahal din ako ni Den o pinapalubag lang niya ang kalooban ko kapalit ng pagpayag kong magpakasal sa kanya? Ano nga ba naman ang aasahan ko sa tatlong linngo? Natural na puwedeng ipagkamali na pagmamahal nga ang naramdaman ni Den since sa aming dalawa lang talaga ang umikot ang mundo namin.
Tinanim ko na lang sa isip ko na panandalian lang ang lahat. Kasal lang kami sa papel at walang konseksyon 'yon sa mga puso namin. Ni wala kaming matibay na pundasyon. Sa mga araw na lumipas ay nasanay na ako sa mga panaka-nakang pagtawag ni Den. Alam kong marami siyang intindihin at ayoko ng sumabay. Iniisip ko lagi na wala kaming obligasyon sa isa't-isa. Masakit oo, pero kailangan kong tiisin.
Isang umaga ay pinag-kaabalahan ko na lang ang mga pictures namin together sa Colorado. Gumawa ako ng collage at sinave sa isang folder. Nilagyan ko 'yon ng password dahil ayokong may makaalam na kinasal ako sa isang babae sa ibang bansa.
Maya-maya ay kumatok si Nana Lina, ang matagal na naming kasambahay at yaya ng bunso kong kapatid.
"Ly anak, may bisita ka sa baba."
"Ho? Ako? Alas diyes ng umaga? Ako ho ba talaga at hindi si Mommy?" Minsan na rin kasing nagkamali si Nana sa pag-tawag sa akin.
"Ikaw lang naman Alyssa rito hane?"
"O sige ho, bababa na."Nilock ko ang pinto paglabas ni Nana. Hindi pa nga ako naliligo at kaka-breakfast ko lang. Nagtoothbrush na lang ako saglit at nagpulbos ng mukha. Hindi naman siguro manliligaw ito at umagang-umaga?
Nagpalit ako ng short mula pajama at isang poloshirt na puti. Tinali kong lahat ang buhok ko. Haay pati good grooming ng hair ko ay napabayaan ko na rin. Bumaba ako at wala naman akong nakitang bisita sa salas. Naabutan ko si Daddy na papaalis na.
"O hija anak, pasok muna ako. Andyan'yung college friend mo. Kausap ng nanay mo sa garden."
"Po? Sinong friend?"
"Si Denden. Naku anak, gayahin mo ang kaibigan mong 'yon. Nag-aayos ng sarili. Paano ka ba maliligawan 'nyan?"(Gusto ko sanang isagot na - "Dad… di na ho ako puwedeng ligawan dahil ang babaeng 'yon ay asawa ko na, hmpf!" )
Pumunta ko sa garden. Hindi muna ako nagpakita. Pinagmasdan ko muna si Dennise mula sa malayo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Wala akong gustong gawin kundi yakapin siya at mahalikan muli. Pero hindi siya akin.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018