ALYSSA'S POV:
NAKARAMDAM ako bigla ng takot. Iniwan kong malungkot si Felicia. Pagdating sa mansion ay galit na ang Papa , na lolo ko sa tuhod in reality, ang bumungad sa pinto.
"Ano naman ba itong nabalitaan ko ha Merlyssa? Ano'ng ginawa mo bakit ka nakipaghiwalay kay Rolando?! Ha!? Bakit?"
"Papa, malaki na ho ako. Hindi ko siya gustong makasama habambuhay. Hindi ko sya mahal!"
"Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?! Nagbagong taon lang, para ka ng nabaliw!"Duh! Eh hindi nga ako si Merlyssa, kulet!
"Pumanhik ka sa silid mo at mamaya ay pupunta dito ang pamilya ni Rolando. Makikipag-ayos ka kung ayaw mong masaktan!"
Tumakbo ako paakyat. Bakit ba ganito? Hindi ako dapat maapektuhan dahil buhay niila 'to, pero nasasaktan ako? Pagkabihis ko, na si Felicia ulit ang nagprovide ng damit ko, ay bumaba na ako. Alam kong hindi si Merlyssa ang napangasawa ni Rolando at paninindigan ko 'yon.
Nasa salas kaming lahat kasama ang pamilya ni Rolando.
"Mawalang-galang na ho sa lahat ng naririto," panimula ni Rolando.
"Ako ho, hindi si Lyss ang nakipaghiwalay. Ramdam po namin pareho na hindi ho talaga namin mahal ang isa't-isa. Mahal man ngunit sa dilang kapatid lamang."
Pawang nagulat ang lahat. Lihim akong natuwa. "Dahil ang totoong mahal ko ay si….. Felicia."
Mas napanganga ang lahat kasama si Felicia. Katabi ko siya sa sofa, pinisil ko ang kamay niya.
"Walang kaso padrino," sabi ng ama ni Rolando. "Anak mo pa rin naman ang mahal ng anak ko. Mananatiling magkadugsong pa rin ang ating mga negosyo. Walang kaso pare."
"Bueno…wala na akong magagawa."
Nakahinga ako ng maluwag. Nagpasalamat sa akin sina Rolando at Felicia. Masaya ako na masaya na sila.
"Maraming salamat Merlyssa. Lihim lang kaming umaasa dati na may pag-asa kami, pero ngayon, may liwanag ng nag-aantay sa amin. Salamat." - si Rolando.
---------
Malalim na ang gabi. Nagpapahinga na ang lahat. Nasa'n kaya si Prudencia? Pumunta ako ng silong at nadatnan ko siyang natutulog na. Hinaplos ko ang pisngi niya."Prudencia," bulong ko. Nagising naman siya agad. Pagmulat ng mata niya ay nag-alangan siya kung yayakapin niya ako. I smiled at her.
"Maayos na ang lahat Prudencia. Maayos na sina Rolando at Felicia."
Umayos siya ng upo sa kama. "Halika, tabihan mo ako," sabi niya.
"Paano tayo?" tanong niya. Hindi ako agad nakasagot. Paano nga ba? Alam kong hindi kami tatanggapin ng Papa. Ano ba 'to lola? Pinadala mo ba ako dito dahil hindi mo alam ang sagot? Grabe lang ah!
"H-hindi ko alam eh. Sa totoo lang, hindi ko alam."
"Sumama ka sa akin sa San Juan, Batangas. Doon tayo magsimula."What?! Teka, doon ang hometown ko ah. Ibig bang sabihin nito sumama ang Lola ko noon? Tsaka hindi ko alam kung sumama ba ako sa kanya ay mabubuhay ako after fifty years? Malamang, hindi naman siya ang tunay kong lola eh. Si Persia.
"P-pero teka. Ano'ng buhay natin do'n?" Sagot ko.
"Simple lang Lyss, ako at ikaw. Tayong dalawa. Kung saan hindi tayo mahahabol ng Papa mo."
"P-pero….."
"Lyss….ipapadala ako ng Itay sa Mindoro sa makalawa. Pero bukas, mananatili muna ako sa Trinidad. Ibibigay ko sa 'yo ang address ko do'n. Puntahan mo ako. Matapos ang paglubog ng araw at wala ka pa, ako ang susundo sa 'yo. Sa batis, alas otso ng gabi."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
ФанфикA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018