Chapter 1: CBUniversity

1.9K 28 0
                                    

Christina's POV

"Mommy, kailangan ko po ba talagang lumipat ng school?" Tanong ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Yes baby, kailangan na kailangan talaga" sabi niya.

"Bakit naman po? Eh ayos naman po yung school ko ah. Wala naman po akong naging kaso duon except dun sa mga nangaaway saakin" sabi ko in a sad tone.

"I know, malalaman mo rin sa takdang panahon anak." Sabi ni mommy at hinug ako.

Haysss... sge na nga. Iintindihin ko nalang. Sana makaadjust ako.

"Sge na baby, andyan na si Kuya Luis sa baba. Naka ready na rin yung sasakyan. Papunta na kami ng work ni daddy mo. Sge na baby" sabi ni mommy habang pababa na kami.

"Mommy! I'm already 17 years old. Stop calling me baby alright? Sge po mommy, tawagin ko nalang po kayo mamayang lunch." Sabi ko at kiniss siya sa cheeks at sumakay na ng sasakyan.

.....

Cassandra's POV (mommy ni Christina)

"Oh ano? Nagtanong ba siya?" Tanong ni Simon.

"Syempre. Di naman mawawala sakanya na magtanong lalo na biglaan naten siyang ililipat sa ibang school"

"Bakit nga ba? Hindi mo pa nasasabi saken ah" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Kahapon kase, nagpakita saakin si Queen Belle at parang may nangyare sa Academy. Tinanong ko siya kung bakit siya naririto ang sabi niya, sumugod ang mga Black Raven kasama si Queen Viola sa Academy. Pero ayos na rin naman ang Academy. Sa ngayon inaayos muna ang mga lab na nasira dahil sa pagsugod ng Black Raven. At may hinabol pa siya bago siya umalis, kailangan na daw nateng sabihin sa prinsesa at hanapin ang prinsepe dahil nalalapit na ang ikalawang digmaan natin laban sa mga Black Raven."

"Eh paano naman natin sasabihin sa mahal na prinsesa? Saka hindi pa maaaring mapunta si Christina duon lalo na hindi pa nya kayang kontrolin lahat ng elements. At wala pang nagpapakita na isang elemento. Saka paano kung matuklasan ng mga kapatid niya?"

Natandaan ko,

Kinuha ko sa bulsa ang ibinigay ni Queen Belle nung nagkita kami.

"Eto." Sabi ko at iniabot sakanya.

"Bracelet?" Tanong nya.

"Oo. Kapag sinuot naten niyan sa prinsesa, they'll never know that she's the princess. And sa kambal niya, we really need to find him."

"Pero mahihirapan pa ba tayo sa paghahanap kung may clue na tayo?" Tanong saken ni Simon na pinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magkamukha sila ng mata at labi parehong light brown ang mata, mapupula ang labi. Nung pinanganak ang mahal na prinsesa't prinsepe, may nakaukit sa likod nila na isang Diamond na nagpapatunay na sila ang anak nila Queen Belle at King Vien. At may nilagay na kwintas sakanila si Haring Vien. Sa tuwing magtatagpo ang dalawang iyon, iilaw ang kanilang mga kwintas kung sila ay matagal ng nawawala" sabi niya saakin na nagpagulat saakin.

Christina's POV

"Wow ang laki" Mangha ko sa pagkakita ko palang sa labas ng skwelahang lilipatan ko. Pumasok na ako at magtatanong muna ako kung saan ang Principal's Office.

Nilapitan ko ang isang nakauniform na parang isang Presidente.

"Hmmm.. Excuse me?" Tanong ko at kinalbitan siya. Humarap siya saakin. Maganda naman. Pink lips at may make up pa. Black hair. Matangkad naman pero mas matangkad ako.

"Yes? President of Section Orchid code 1108 at your service." Sabi niya.

"Ok?" Taka kong tanong.

"Masyado bang formal? Hehe, I'm Courtney, President of Section Orchid code 1108. What can I do for you?" Sabi niya at ngumiti.

"Hmm.. Magtatanong lang kung asan yung Principal's office?" Tanong ko.

"Ahhh sge, samahan na kita." Sabi niya at tumango ako.

"Ok" sagot ko.

"Tara" sabi niya at hinila ako.

Courtney's Pov

Andito na kami sa Principal's Office. Katabi ko ngayon si di ko alam pangalan eh.

"Hmm.. ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.

"Christina" sabi niya. Nakipagshake hands naman ako.

Maganda. Maputi. Matangkad. Mukhang matalino. Brown eyes brown hair. Matangos ilong. Goodness! mas dyosa na siya saakin! Ok lang... hehe... parang may kamuk--

"Goodmorning!"

"Jusko lord! Nakakagulat ka naman! Marunong ka bang kumatok?" Tanong ko sakanya.

"Sorry" sabi ni Andrew at pinat yung ulo ko.

"Late ka" sabi ko sakanya.

"Sorry" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ok, ija, anong pangalan mo? Ilang taon ka na?" Tanong ni lola kay Christina.

"Christina Agruille, 17 years old"

Wait what?!

"Agruille?! Omygosh!!!! Anak ka nila Simon Agruille, at Cassandra Agruille?!" Sigaw ko... omg omg omg.

"Oo" sabi niya na nakakunot yung ulo.

"Pagpasensyahan mo na ija yang si Courtney ah? Idol nya kase mga magulang mo sa paggawa ng mga movies at stories." Sabi ni lola kay Christina.

"Ok lang po" sabi niya.

Christina's POV

"Basahin mo lang yang mga nasa papel at isign mo sa baba" sabi ng secretary ni principal.

To Christina Agruille,

We are honored for you to study here at CBUniversity. Just read the following.

Accept the following terms and conditions. 50,000 pesos tuition fee and any occassions, pay 10,000. You are a transfery from PHSAU. Goodluck in your studies! Please sign on the bottom.

"God is always here for us"

$/@(!^$@&#
____________
Sign of transfery

@$#*@&#^!/
_____________
Sign of principal


"Thank you ija. Welcome ka dito. Magkaklase lang kayong tatlo nila Andrew. Sge pasok na kayo padating na ang bagong magtuturo sainyo"

At umalis na kami.

........................

Updated today, May 2, 2021.

No changes, fixed grammatical errors.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon