Queen Belle's POV
"Kyuna!"
"Yes po mahal na reyna?"
"Sundan mo ang mga prinsesa at sila Xyrille. At kapag nahanap, agad dalhin dito" sabi ko.
"Sige po mahal na reyna" sabi niya at lumabas na.
"Belle" banggit ng asawa ko.
"Sa pagbalik dito ng mga anak ko, I want them to know everything! Everything" matigas na sabi ko at tumungo sa kwarto.
Jayze's POV
"Xyrille! Tigil mo na yan! Mapahamak pa kayo eh" Sigaw ko. Habang kase lumilipad, binibilisan niya. Baka may mangyareng hindi maganda.
"No! I'm not gonna stop. Can you please just go away. Stop chasing me" sabi niya.
"Don't make me do this Xyrille" sabi ko.
"Then do it" sabi niya.
Inilabas ko yung apoy sa kamay ko at ipapasabog sana sa isang puno para sumabog kaso, biglang nagright sila Xyrille kaya nahulog sila nila Serina.
Hinabol ko sila. Nawalan ng malay si Xryille.
"Xyrille! Xyvien!" Sigaw ko. Konti nalang.
"Konti nalang Azurie. Lapit ka pa" sabi ko.
"Yan!" Nakuha ko kamay ni Xyrille at Xyvien kaya binuhat ko si Xyrille at sinakay kay Azurie.
"Habulin niyo si Serina!" Sigaw ko at hinabol naman nila Keisha.
"Bakit walang nangyayaring iba?" Tanong ko.
"siguro dahil may pag unawa siya sa puso. Maiintindihan niya rin ang lahat kung bakit niyo tinago iyon sakanya." sabi ni Azurie.
"Sana nga" sabi ko.
Sa paglipad, nakita namin agad ang mga kawal at si Kyuna.
"Prince Jayze, hinahanap po sila ng reyna. Dalhin nyo na daw po natin sila sa Kingdom" sabi niya at tumango nalang ako.
"Kapit ka lang Xyrille" sabi ko.
Xyra's POV
"Diba sabi ko sainyo ng walang lalabas?! Bakit niyo sinuway?!" Sigaw niya samin.
"Hindi po namin sinasadya. Sorry po papa. Patawarin niyo na po kami" sabi ko.
Hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko kaya namumula na toh. Kinuha niya pa ang kwelyo ni kuya at tinulak siya.
"This is for the last time Xyra at Xykevien, kapag naulit pa toh! Alam niyo na kung saan hahantong yan" sabi niya at tumawa nalang.
Hinatid kami ng kawal sa mga kwarto namin at nilock yun.
"Kuya, ayaw ko na dito" sabi ko kay kuya at yinakap siya habang umiiyak.
"Shhhh wag ka ng umiyak. Gagawa ako ng paraan" sabi niya.
Tumayo siya at kumuha ng bakal at dinikit sa pinto para di mabuksan.
"Ok na yan. Pasabugin mo itong wall na toh at tawagin natin sila" sabi niya.
Tinawagan niya si Cuin at agad dumating si Cuin at sinama na rin ang kaibigan naming dragon na si Rafael.
May butas kase sa taas kaya nakita namin. Gumawa ako ng malaking apoy at pinasabog ito.
Lumabas kami at dali daling tumalon sa likod ni Rafael.
"Thanks Cuin" sabi namin ni kuya.
Binalik ko sa dati yung pader pero illusion lang yun. Kung sino man ang sumandal dun, mahuhulog siya mula duon hanggang sa mamatay siya.
"Asaan kase ang kwarto ni Day?" Tanong ko.
"Ayun" turo ni kuya at pinasabog ko toh.
"Let's go dali" sabi ko at agad siyang nakatalon sa likod ni Rafa.
"Thanks, buti naman at naalala nyo pa ako" sabi niya at tumawa nalang ako duon.
"Nasaan na sila?" Tanong ko.
"Nasa palasyo. I think, its time to show our presence" sabi niya.
Tinignan ko si kuya ng saglit at tumingin nalang sa harapan at pinakaramdaman ko nalang yung hangin.
Keisha's POV
"Tara na. Kailangan na nating makahabol baka ano nang nangyari kay Xyvien at Xyrille" sabi ko.
Sana walang nangyaring masama sakanila.
Jayze's POV
"Hmmm"
"Nagigising na sila" sabi ko at lumapit naman kami kina Xyvien at Xyrille.
"Anong nangyare? Bakit kami andito?" Tanong niya.
"Palabasin niyo nga kami" sabi ni Xyvien.
Akmang tatayo na sila pero pinigilan ko sila.
"Please Xyrille, kahit ngayon lang. Makinig ka muna" sabi ko.
"Gusto nyo ba talagang malaman ang totoo?" Tanong ni Tito.
Tinignan lang sila ni Xyrille at Xyvien.
"Ito ang memory bottle niyong dalawa. At ito ang sainyo. Mamaya ko dapat ito ibibigay. Ito ang sainyo. Bakit may sobrang dalawa? Para sa ate at kuya nyo toh at ang saakin na apoy, kay Day ito" sabi ni Tito.
Day?
"Nakuha sila ng Hari duon. Naalala na ni mommy nyo ang lahat. Ang lahat lahat. Kaya eto" sabi ni Tito at binibigay ang memory bottle.
Xyrille's POV
Iniabot ni daddy ang memory bottle saamin ni kuya kaya nagkatinginan kami ni kuya.
Binuksan namin ito at may puting bola na lumabas at biglang tumama saamin ni kuya. Napapikit ako sa sakit.
Bumabalik lahat. Mula pagkabata hanggang ngayon. Ang sakit ng ulo ko.
Ate? Kuya? Totoo nga, may mga kapatid pa kami ni kuya.
Napaupo ako sa sobrang sakit. Hindi ko namalayang sumigaw kami ni kuya sa sobrang sakit at wala ng halos marinig sa mga sinasabi nila daddy at ng iba.
Xykevien's POV
"Ahhhhhhhhhhhhhhh"
"Sinong sumigaw?" Tanong ni Day.
"Bilisan mo Raf!" Sigaw ko.
Tama ba ang hinala ko? Sila Xyrille at Xyvien ba yung mga sumigaw?
Xyrille's POV
Konti nalang yung sakit. Binuksan ko ng ang mga mata ko. Pinaupo muna nila ako at pinainom ng tubig.
Same as ng kay kuya.
"Ok na ba kayo? Naaalala na ba?" Tanong nila Keisha.
"Oo" sabi namin ni kuya.
Ngumiti sila at yinakap kami ng mahigpit.
"Bukas, ibibigay ko sainyo ang mga diamonds" sabi ni Lolo.
"Pangako" sabi niya.
Sana nga. Ang saya ko kase naaalala ko na lahat. Masaya ako kase andito parin sila. Kaya pala magaan yung loob ko sakanila.
.......................
Updated today, May 11, 2021.
Small changes, fixed grammatical errors.
BINABASA MO ANG
Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of Charendalle
FantasyMeet Christina Agruille, A normal girl. A beautiful girl. But, everything will change... A secret will be unfold. The power she has is powerful than ever. She will find her identity and memory. She will find her family. She will find herself as a...