Chapter 21: LPU P3

114 4 0
                                    

Xyrille's POV

"Now, its time for our last royal to fight. Princess Xyrille Mounrime!" Sabi nung mcee.

"Goodluck" sabi nila at tumango ako.

"We love you princess! We're sorry!" Yung mga boys kanina...

Tumango naman ako. Pero bago ako makatapak sa stage, bigla kong nakita si Jayze na tumayo.

"She's about to be mine!" Nagulat naman ako sa sumigaw. Hindi sya yun. Nag "omg" naman ung crowd.

"Sorry bro, she's always been mine" sabi ni Jayze at yung mga tao, nag "woahhh! Wala ka pala eh!" Sila.

"Haba ng hair!" Sigaw naman nila Keisha kaya napailing nalang ako.

Sa wakas at nakatapak na ako. Nag iba yung lugar... isang magandang lugar.

Fairytale land na ba toh? Ang ganda eh.

Level 1 palang toh.

Bigla naman may lumitaw na red and black fairies.

Nakita ko pa silang nilabanan yung mga white fairies. They are so little, yet their powers are so big.

Napatay nila yung white fairies. Hala! Ngayon, nakatingin sila saken.

Tumalon ako sa likod nila at tinira sila ng fire ball.

3 sila. Lahat sila, ice and air yung powers.

Tinira nila ako ng ice pero buti nasangga ko yun ng fire sticks.

Tinira ko rin sila ng fire flakes at fire spears.

Ayun, tigok silang lahat. Orayt!

Level 2 na ako! Nag iba nanaman yung location ko. Bat nandito ako sa bandang beach? Hindi toh pwede. Di pwedeng malaman tong sikreto ko. Mapapahamak ako.

Kailangan kong tumabi para di matamaan ng tubig na maalat yung paa ko.

Umatras ako dahil biglang nagkaroon ng bubbles sa bandang gitna.

Hala! Sea monster!

Galing sa tubig? Alam kong mapapaso toh dahil wala toh sa tubig.

Umatras pa ako at mabagal syang lumakad infernes. Mas matagal kong magagawa yung fire needles, fire ball, fire tornado, earth tornado, tree spikes at fire dynamite.

Nung nakita kong tumira sya ng fire coals, tinira ko na rin yung akin. Sumabog yun sa gitna at napahiga naman ako. Napaso ako sa mga braso at binti ko but its alright. Atleast napatay ko sya.

Sakit nito ah? Pero, I can heal myself... di pa naman ganun kabawas energy ko.

Pero wag muna ngayon dahil kailangan ko pa ng karagdagang lakas para masira ko yung barrier at yung box.

Alright, last level.

Inipon ko buong lakas ko. Naginhale at exhale muna ako bago ko isipin kung anong tira ang gagawin ko.

Okay, so nakagawa na ako ng plano. First time ko lang toh gagawin so I hope it works.

Bumuo ako ng malalaking fire dynamites at inutusan na pumalibot sa barrier. Lumilipad sila at nakapaikot sila dun sa barrier. Malayo sila ng konti syempre.

Bumuo pa ako ng matatalim na spikes sa lupa, hangin, tubig at apoy. Inutusan ko rin sila na tumabi sa mga fire dynamite at pumaikot sa barrier.

Eto na yung last... bumuo ako ng malaking stones at inutusan rin sila. At bumuo ng pinakamalaking tubig.

Nauubusan na ako ng energy... hayst..

Jayze's POV

Nararamdaman ko na nauubusan na sya ng enerhiya... baka di nya kayanin.. pero handa akong saluhin sya kung may mangyari man.

"For the first time, only Princess Xyrille did this thing.. this is legendary!" Tama. First time palang yan... mahirap kaseng gawin yan...

Makapangyarihan nga sya.

Buong lakas syang huminga at pagkatapos, sabay sabay nyang itinira lahat ng mga ginawa nya.

Nagkaroon ng matinding sabog kaya nagteleport ako papunta sakanya.

Sabi na eh. Nasalo ko sya. Nawala na yung fog at nakita nila kami na karga karga ko si Xyrille. Nasira nya lahat.

Lahat lahat... lumitaw yung score nya sa screen.

"She is surely a legendary" sabi ng mcee.

Hinatid ko sya sa clinic.

Xyvien's POV

Lahat nagulat sa score na nakuha nya. Mas mataas sya saken.. Nasa minimun yung nakuha ko.

Natapos na kami kaya pumunta na kami sa clinic.

...after 5 hours...

Xyrille's POV

Gising na ako. Pero ayaw kong magmulat. Still, nakapikit parin ako. Dahil iniisip ko yung napaniginipan ko.

Yung tungkol sa mga Black Ravens.. yung tungkol sa mga boses at sa mga taong di ko makilala kung sino...

Okay, nagmulat na ako at una kong nakita si Jayze. Nandito kase sya malapit saken. Nakasandal sya sa unan ko. Himbing ng tulog nya oh.

Tinignan ko yung oras at hala! 6 na. Kaya pala nagugutom na ako. Gusto ko ng mac n cheese at garlic bread at rice and roasted chicken.

Bigla naman nagising si Jayze.

"Wait, I'll be right back" sabi nya pero before sya umalis, hinagod nya yung ulo ko at ngumiti.

Mga ilang minutes rin, dumating na sya na may dalang pagkain..

"Hula ko, binasa mo isip ko" sabi ko.

Wala syang sinabi pero ngumiti sya.

Nilagay nya sa table na nilalagay sa bed.

"Sarappp" sabi ko.

"Next time, if you know your limit on using your powers, don't go over it. Look what happened to you... you need to be careful next time ok?" Tumango ako dahil di ako makapagsalita.. kumakain ako eh.

"Oo nga pala, what is my score?" Tanong ko.

Ginulo nya muna buhok ko bago nya sabihin.

"97. Maximum is 95. Good job!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya muntik na akong mabulunan.

97?! Yeyyyy!

..........

Updated today, May 10, 2021.

Small changes, fixed grammatical errors.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon