Chapter 15: Day 5- Garden Of Everlast

170 5 0
                                    

Xyrille's POV

Naglalakad na kami sa gitna ng gubat. May nararamdaman akong kakaiba dito kay Xandra eh. Ewan lang kung ano at kung bakit.

Parang masama yung loob niya saken. Di ko naman alam kung bakit. Basta pagka dating namin dito, nagbago na ang ugali niya tungo sakin.

"Hmmm... guys, sabi nga pala ni Zion, na yung LPU next week na" sabi ni Amie.

"Anong LPU?" Tanong namin ni kuya.

"Level Power Ups" at tumango nalang kami.

Nilapitan ako ni Haring Ayoma.

"Ija, pwede bang magtanong?" Tanong niya.

"Sge po. Ano po yun?" Tanong ko.

"Sino yung kausap mo nung hindi ka sumunod sa labas samin ni Princess Keisha?" Tanong niya.

"Ahhhh... si---"

"Guys! Saan niyan tayo? Left or right?" Tanong ni Amie.

"Mamaya nalang po" sabi ko at tumango naman siya.

Tinignan ko sa malayo kung saan papunta yung left at yung right.

Yung left, pwede na siya kase puro bahay bahay lang. Saka tinignan ko pa ng mas malayo. Patungo.... ewan. Walang nakasulat or sign board man lang.

Sa right naman, puro damo at mga putik.

"Sa left nalang tayo guys. Maputik sa right path eh" sabi ko at tumango naman sila.

Habang naglalakad kami, di ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Parang may masamang mangyayare. Kanina pa toh eh. Lapit ako ng lapit sa mga bahay bahay wala naman akong nararamdaman na kakaiba.

"Ahhhh!" Sigaw ni??

"Omg! Anong nangyare saiyo?!" Sigaw ni Amie.

Nagkumpulan na sila. Masyado silang marami kaya di ko nakikita.

"Excuse guys! Wag kayong maghesterical! Ako na. Let me see" sabi ko at lumapit sakanila.

"Dayze! Anong nangyare?" Tanong ko.

"Biglang may tumama sa kaliwang braso ko na arrow. At may halong black spell" sabi niya.

"Black Raven" banggit ko.

Tinry kong gamitin yung power kong healing pero...

"Ayaw gumana... Masyadong malakas ang kapangyarihan nung gumawa sayo nun" sabi ko.

"Magtanong muna tayo sa mga tao dito kung sino yung marunong gumamot" sabi ni Jayze.

Lumapit kami sa isang bahay. Magaan naman ang loob ko sa bahay na toh. Kumatok ako ng tatlong beses at pinagbukas naman kami.

"Hmm.. Magandang hapon po. Ako po si Princess Xyrille. Pwede po bang makahingi ng tulong?"

"Sge ija. Basta lima lang ang pwedeng pumasok" sabi ni lola. Matanda na eh.

"Sge po. Jayze, Dayze, Ako, Keisha and Keybie pasok tayo" sabi ko.

Pumasok naman sila. Nagpahuli muna ako.

"Hmm.. Haring Ayoma, dito muna po kayo. Maghintay nalang po kayo" sabi ko at tumango naman sila. Agad naman akong pumasok.

Pagkapasok ko, agad naman akong nangilabot. Paano, sa isang shelf, may mga di pang karaniwang kwintas. Then sa mga bottles merong mga putol na ulo ng mga hayop. Tapos mga eggs pa ng mga mababangis na hayop.

"Lola... ano po kayo? Bakit po ang daming ganyan sa shelf nyo?" Tanong ko.

"Ahhh.. ako ay isang mangkukulam at isang healer na rin ng bayan ng Junabwe. Dito lang talaga sa lugar na toh nakatira ang mga healer na katulad ko. Halikayo at maupo" sabi niya.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon