Xyrille's POV
"So ito ang bond na icoconnect namin sainyong leaders para makita namin kayo. Or mabawalan sa mga gagamitin niyong weapons and powers, to stop you from fighting, and lalo na kapag may nasaktan na pero tuloy tuloy parin kayo. Remember, you can use your weapons and powers pero learn how to control it. And remember also, kapag sumuko ka, out of the game na, kapag natalo ka also, maglalaho ka pero dito ka mapupunta. No cheating guys. And be sporty. Learn how to be fair. Play fair" sabi ni lolo.
And daming nanonood... Sila Haring Ayoma andito rin. Ang mga teachers.. Wala rin naman sila mommy at daddy dito. Buti nalang talaga. Ngayon na nga lang rin namin sila nakita dahil may misyon silang inasikaso kaya hindi namin sila nakikita sa loob at labas ng Academy. At kababalik lang rin nila. At hindi ko na rin nakikita si Aquille. Ang prinsepe. Bakit hindi siya sumama? Asan na siya?
"Ok, guys, be ready at remember, Unity, participation and communication" Pagkasabing pagkasabi nun ni lolo, agad kaming naglaho at napunta kami sa isang gubat.
Magkakasama naman kaming magkakagrupo. Pumikit ako at nagconcentrate. Ang layo pala namin sakanila. Yung diamond, hindi ko pa nakikita. Saka mas mabuti ng dirediretso lang kami. Dahil diretso naman ang way ng Diamond. Baka maligaw pa kami kung other way around.
"Dirediretso lang tayo guys" Sabi ko sakanila at nagsitanguan lang sila.
"Ate, mamaya ka na muna gumawa ng bond nating lahat kapag sinabi ko na. Dahil malayo layo pa tayo mula sa Diamond" sabi ko sakanya at tumango naman siya. Pero kapag kaya nabond na kami, pwede kong ishare yung mga other abilities ko na wala si kuya? Like illusion or far-sighter or even high-jumping?
"Basta stick to the plan. I'm sure it would be fun!" Sabi ko sakanila kaya natawa naman sila.
"Nice plan. Hahaha... First time in the history of the Examination" Sabi ni Dayze sabay tawa kaya natawa na rin kami.
"There are no rules saying na bawal magisip ng plano na ganun. And ang rules lang naman is no cheating." sabi ko.
"Oo nalang" sabi naman nila. Napailing nalang ako.
This would be fun. Pero naisip ko rin, paano kung sa dulo, siya ang makalaban ko? Paano? Kakalabanin ko ba siya? Or should I say, kaya ko bang labanan siya?
Hays! Bahala na. Eh kahit naman sino sakanila ang makalaban ko, di ko alam kung kaya ko. Illusion lang naman tong forest so gumagabi rin dito? I guess so. Dahil dumidilim na eh. I can see the sunrise. So dito nalang kami matutulog? I guess so. Meron namang mga kahoy kahoy dito at bato bato. Girlscout lang noh? Hahaha.
Tanungin ko nalang sakanila mamaya kapag nagsama sama kami.
"Dito na muna tayo.. Pagabi na rin, pahinga muna tayo kahit saglit lang. Magbabantay naman kaming iba sa mga puno dito. Bale shifting tayo ah?" Sabi ni Jake samin at tumango naman ako sakanya.
"Wait, paano kayo makakaakyat dyan?" Tanong ni ate Day.
"Edi aakyat" Sabi nila.
'Guys, meron bang limit yung pagpasa ko sakanila ng abilities?' tanong ko sa mga animal spirits ko.
'Wala naman. Kung balak mong ipasa ang mga abilities mo sakanila, kailangan mo ng tulong samin. Malakas lakas rin ang ibibigay mong abilities sakanila at marami rami rin sila. Saka sabihin mo na rin sakanila yan para agad nilang makontrol yan. Magbond na rin kayo. Wala namang limit ang bond nyo unless natalo si Xyra, mawawala ang bond niyo' Sabi naman ni Bliss.
'Pero ako, I'm also an aether. Can I also make a bond for us?' Tanong ko.
'Yeah. You can make it. And we'll help you with that. Sige na magbond na kayo habang di pa sumasapit ang gabi' Sabi nila.
BINABASA MO ANG
Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of Charendalle
FantasyMeet Christina Agruille, A normal girl. A beautiful girl. But, everything will change... A secret will be unfold. The power she has is powerful than ever. She will find her identity and memory. She will find her family. She will find herself as a...