Chapter 38: Family Fun Day (Part II)

82 2 0
                                    

Jayze's POV

Nagising ako ng may kayakap na mahigpit.

Pagmulat ko, si Xyrille pala. Parang ginawa kong teddy bear.

Mas lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sakanya at hinalikan siya sa noo.

"I love you" bulong ko at hinalikan sya sa ilong nya. Ayoko naman na ikiss sya sa lips dahil di pa naman kami.

Ngayon na yung araw. Ano na bang oras? 6 am.

*knock knock

Tumayo ako at nagsuot ng damit.

Binuksan ko yung pinto at tumambad si Dayze.

"Mamaya daw mga hapon, darating na sila mommy kasama sila tita" sabi nya.

"Great. Sana magwork" sabi ko.

"Sana nga bro... goodluck mamaya.. aalis muna kami ah? Bibilhin na namin yung mga gamit para mamaya. Tapos, ikaw na bahala sumuyo. Tapos kami naman at ikaw na yung umalis para bilhin yung kailangan" sabi niya.

"Sge. Thanks bro" sabi ko.

"Saka nga pala, magbihis na kayo. Pinapatawag tayo ni HM" sabi niya.

"Sige" sabi ko at sinira yung pinto.

After maligo, nagbihis na ako ng mabilisan at gigisingin ko na sya.

"Xy" tawag ko.

Nagising naman siya.

"Sabi ni Dayze, pinapatawag daw tayo ni HM kaya magbihis ka na" sabi ko sakanya.

"Okay" matamlay na sagot nya. I feel guilty. Dapat pala mas binilisan ko yung pagkain ko para agad ko syang nasamahan dun sa mga aso. Babawi talaga ako mamaya.

Pumasok sya sa cr at pumasok sa walk-in-closet.

Umupo muna ako sa kama. Yung bed kase gitna sya.. tapos may dalawang table sa magkabilang side. Sa right, merong lamp shade. Sa left, picture namin ni Xyrille at picture naming lahat na kumpleto.

Lumabas na siya at ang ganda nya sa suot nya. Actually, kahit anong suot nya bagay nya. Siguro kahit panlalaki bagay sakanya. Wala ng panget sakanya.

Nagsuklay muna siya then tinignan nya ako.

"Teleport nalang tayo. Baka andun na sila" sabi ko sakanya at tumango naman sya sakin. Dry nya sakin huhuhu.

Sabay kaming nagteleport papunta sa office ni HM.

Pumasok na kami at andun na nga silang lahat.

"Good. You're all now complete"

"Bakit po HM?"

"Mamayang 1 o clock, darating ang mga family niyo at parents ng mga estudyante. Maghanda kayo ng pagwewelcome sakanila. All of you, will participate. Make a tarpaulin or what ever that says welcome to Charendalle Academy."

"Paano po yung games?" Tanong ni Dayze.

"Well, parents niyo ang bahala duon. They prepared special games" sabi niya.

"Yun lang po ba?" Tanong ni Xandra.

"Oo yun lang naman."

"Sige po mauna na po kami" sabi ko.

"Sige" sabi niya.

Lumabas na kami sa office.

Saan kaya pweding pumunta?

"Hmmm, Jayze, Xyrille, punta lang kami saglit sa market ah? May bibilhin lang kami. Dyan muna kayo ah?" Tanong ni Dayze at bigla silang naglaho.

"Take care Xyrille" paalam nila ate Xyra.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon