Xyvien's POV
"Basta Isha, lagi mong tatandaan, na kahit di na tayo magkasama parati, paglaki, hahanapin natin ang isa't isa ah?"
"Oo syempre"
"Pangako, papakasalan kita paglaki natin"
..."Basta isang araw nawala na lang sya"
Nagmulat ako ng mata. Anong panaginip yun? Isha?
Napatingin naman ako sa pinto ng biglang may pumasok. Si ate Xyra pala.
"Oh? Bat ganyan mukha mo?" Tanong nya.
"Ahhh, ate, may kilala kang Isha?" Tanong ko.
"Oo naman. Si Keisha. Tawag mo sakanya dati yun eh HAHAHAH"
"Napaniginipan ko eh"
"Baka miss ka" sabi nya.
"Sige ah, iwan muna kita. Maghanda ka na, papasok na tayo" sabi nya. Oo nga pala, tuesday ngayon!
Xyrille's Pov
Nauna na kami ni Hubby kina ate at kuya. Antagal nila eh. Baka malate pa kami.
Andito kami sa hallway. Magkahawak kamay namin ni Jayze.
"Omg! Kinikilig talaga ako!"
"Sino ba namang hindi?"
"Saka jeez, bagay na bagay kaya sila"
"Huhuhu, taken na si Prince Jayze"
"Ang sabihin mo, taken na silang lahat"
Papasok na sana kami ng classroom ng napapaihi ako.
"Ihi lang ako" sabi ko sakanya at tumango naman sya bago pumasok.
Pumasok naman ako sa cr. Si Keisha.
"Oh, andyan ka pala" sabi nya
"Ay hindi oh hindi. HAHAHAH charot tara na" sabi ko.
Lumabas na ako ng cr at pumasok na sa room. Wala pa sila ate. Tagal nila ah.
"Ang tagal nila" sabi nya.
"Ano kayang gagawin naten" sabi ko.
"I'm sure dahil maggagraduate na tayo, paguusapan natin at magpapractice tayo tungkol sa venue at kung ano ano pa.
"Siguro nga" sabi ko.
Excited na ako!
Pumasok na sila ate at yung mga ibang kaklase namin.
Bigla naman may pumasok na lalake. Di sya familiar sakin.
"Sino sya?" Tanong ko.
"Sya si Sir. Jonas. Sya ang nagsisilbing propesiya rin natin dahil nakikita niya ang propesiya. Sa tingin ko may sasabihin sya kaya sya andito" sabi nya.
Tungkol naman kaya saan?
"Goodmorning class" sabi niya at naggoodmorning naman kami.
"Ngayon, kailangan niyo ng pumunta sa ballroom dahil magpapractice tayo after maiannounce kung anong gagawin natin at----" bigla nalang syang napatigil ng biglang naging yellow gold lahat ng mata nya. Anong nangyayari?
"Malapit na malapit na malapit na, naghahanda na sila. Paglitaw ng buwan na ito'y magiging pula, magsisimula na"
"Ang digmaan" biglang banggit ni ate.
"Digmaan na hindi uurungan ng mga masasama. Digmaan na lalaban tayo at sila. Kaya kailangan rin nating maghanda upang matiyak na tayo ay manalo dito"
BINABASA MO ANG
Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of Charendalle
FantasyMeet Christina Agruille, A normal girl. A beautiful girl. But, everything will change... A secret will be unfold. The power she has is powerful than ever. She will find her identity and memory. She will find her family. She will find herself as a...