Chapter 42: Shadow

66 2 0
                                    

Xyrille's POV

Thursday... last practice. Bukas na bukas ang simula talaga ng paghahanda.

I'm always ready for anything.

"Alright! From the top guys" sabi ni Xandra.

Sana matapos na toh. Kanina pa kaya kaming umaga nagpapractice! Eh hapon na kaya! 6 AM ah? Tapos hanggang ngayon, 2 na kaya! Tapos continuation pa. Yung break namin, 5 minutes lang. At tubig lang yun ah? Dipa ako kumakain kaya wala akong ganaaaaa huhuhu. Torture!

"Ok ka lang?" Tanong ni Jayze. Tumango naman ako.

Dapat ba akong magpanggap na nahihilo, na konti nalang mahihimatay na ako? Or wag na?

Aysh! Ano ba tong iniisip ko?

After 30 minutes of practicing. Dahil sa dami namin syempre, pumunta si Xandra sa harap.

"Alright guys, yung iba, kailangan ng matinding memorization alright? At yung iba, very good. So, kumain muna tayong lahat. 2 hours ang vacant. And then balik agad dito for the last general practice" sabi niya at nagsitakbuhan palabas ang mga students. Katulad na rin nila ako. Huhuhu! I'm hunggggrrrryyyy.

Tatakbo na rin sana ako ng bigla akong hilain ni Jayze sa braso. Sya katabi ko eh, sino pa bang manghihila sakin?

"Bakit?" Tanong ko.

"Where are you going?" Tanong nya.

"Malamang sa canteen" sabi ko sakanya.

"Eto ang pagkain oh" sabi niya sabay harap sa harap. Humarap naman ako sa kung saan sya nakaharap at pagharap ko sa harap, isang mahabang lamesa, na punong puno ng mga pagkain ang nakaharap samin. Ano daw? Basta may pagkain! HAHAHA.

"Yummmmmm" sabi ko at sakto namang tumunog tiyan ko.

"Oo nga pala kuya, asan si Diana?"

"Parating na" sabi nya kaya tumango ako.

Hinintay namin si Diana na dumating at dun lang kami nagsimulang kumain. Nagrereklamo nga ako bawat minuto dahil ang tagal nya. Hahaha, halos mapuno narin si Jayze sakin.

"So Diana, bakit mas matanda ako sayo?" Tanong ko sakanya.

"Dahil mas bata ako?" Tanong nya kaya natawa ako ha ha -_- pilosopo pala toh? Dapat sinabi nyo para napatay ko na toh kanina pa eh! Joke lang! Mapatay ako ni kuya eh!

"Ay basta! Mukha naman akong mas bata sayo dahil sa height at dahil narin sa mukha hehe, Xyrille nalang itawag mo sakin wag na ate" sabi ko sakanya.

"Ok" sabi nya. Mas mukha kase syang mature XD.

"Ah, so ikaw hindi?" Tanong ni Kuya kaya napatingin ako sakanya.

"Ahehe, hindi" sabi ko.

Napailing nalang sya kaya binelatan ko.

"Kapag talaga ikaw nagmature!" Binabantaan ba ako nito?

"Hindi naman talaga ako magmamature"

"Ah ganun? Kapag di ka nagmature di ka papakasalan ni Jayze. Kase may rule sila na dapat mature ang papakasalan nila" may rule na ganun? -_- adik si kuya!

"Totoo yun? May rule kayo na dapat mature ang papakasalan mo?" Tanong ko at natawa naman sya sabay iling. Pinisil nya ang ilong ko.

"Haha, sino nagsabi nyan?" Tanong nya.

"Si kuya!" Sabay turo kay kuya Xyvien.

Tumawa naman silang dalawa.

"Hahaha, naniniwala ka ba?" Tanong nya.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon