Xyrille's POV
"Paano niyan tayo matutulog?"
Tanong ko. Yung beddings, flat lang siya. Parang mga sleeping bag sa camping ganon. Pero malalaki sila. Kasya yung 3 tao kaso, 2 lang pwede since 5 kase.
"Hmm lets make it, yung katulad sa dorm naten. Saka wala namang malisya. Nasa iisang room lang naman tayo. Wala naman silang takas kung may gagawin man sila. Alam nyo naman duon ang ibig sabihin ko" sabi ni Jake.
"Ok" sabi namin.
"Ano naman ibig mong sabihin duon? Ano yung wala silang takas kung may gagawin sila? Ano naman yung gagawin nila?" Tanong ni Amie.
"Wala! Inosente talaga" sabi ni Jake.
"Hahahaha" tawa namin.
"Hayy nako. Tara na guys, tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas" sabi ko.
Katabi ko si Jayze. Humiga na ako. Humiga na rin siya. Omg lumalamig ang hangin.
"Lamig" sabi ko. Bigla nalang niya akong kinumutan.
"Ok ka lang?" Tanong niya.
"Oo. Malamig lang" sabi ko.
"Tulog ka na"
"Di ako makatulog eh."
"Kantahan nalang kita" sabi niya. Tinignan ko naman siya.
"I insist" sabi niya.
Pumikit ako at pinakinggan nalang yung kakantahin niya.
"Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit. Walang lungkot na sumisilip"
"Kailan kaya muling makakamit ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip. Kailan? Kailan? Kailan? Ang dating tayo"
dating tayo. Parang pamilyar. Di ko lang alam kung kanino at saan ko narinig yun.
Basta! Ang dami talagang nangyayare ngayon. Hayss...
Jayze's POV
"Night" sabi ko.
Natulog nalang ako.
...
"sarap ng gising ko" sabi ko at nagstretch ng arms. Ako lang ba yung gising? Hala. Nagising ko yata si Xy.
"Goodmorning" sabi ko.
"Morning" sabi niya habang umuupo.
"Tayo lang ba yung gising?" Tanong niya.
"Hindi. Si Xandra at tayo pa yung gising. Tara hanapin natin" sabi ko.
Tumayo na kami at nagsisimula ng hanapin siya.
"Oo. Kailangan ko talaga ang tulong niyo" huh? Sino yun?
Sinilip ko kung saan nanggagaling at nandun sa labas.
"Si Xandra yun ah. Sinong kausap niya?" Tanong ni Xy.
Tumingin ako sa gilid at nagulat ako ng makita ko ang isang Black Raven.
"Paano nalaman ng Black Raven kung saan tayo? At bakit siya kinakausap?" Tanong niya.
"Di ko alam. Pero mamaya nalang natin alamin. Tapos na siyang makipagusap. Sa kusina tayo magtago" sabi ko.
At agad kaming tumakbo paalis duon sa gilid kung saan namin siya nakita.
"Oh ija ijo, gising na pala kayong dalawa. Magluluto lang ako para sa makakain niyo." Sabi ni lola.
"Tulong nalang po kami" sabi ko.
"O sge"
Binigay samin ni lola ang mga sangkap.
BINABASA MO ANG
Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of Charendalle
FantasyMeet Christina Agruille, A normal girl. A beautiful girl. But, everything will change... A secret will be unfold. The power she has is powerful than ever. She will find her identity and memory. She will find her family. She will find herself as a...