Chapter 31: When Jelousy Strikes

110 5 0
                                    

Jayze's POV

Kainis naman oh! Sya pa talaga ah? Sya pa talaga yung tinanong nya if okay lang sya if walang masakit sakanya?

Tapos imbes na tulungan ako sa sugat ko, mas inuna pa nya yung Derrick.

Tsk!

Nagtatampo ako oo! Pinapakita ko nga pero parang la syang pake. Kahit ayaw kong magselos nagseselos parin ako!

Xyrille's POV

Anyare kay Jayze? Bat ganyan sya makitungo sakin?

Wala munang pasok ngayon dahil sa nangyari kahapon. Ngayon, andito kami sa dorm namin. Yung iba nasa canteen. Kami lang ni Jayze yung andito. Di pa sya gaanong magaling dahil malalim ang sugat nya. Nagluto ako ng creamy sopas.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sakanya.

Tumango lang sya tapos sumubo ulit.

Since tapos na ako kumain, kumuha ako ng tubig para sakanya.

Nagseselos parin ba toh kay Vioshi?

Si Derrick nasa clinic parin. Nagpapagaling dahil marami syang natamong sugat at pasa.

"Puntahan ko lang saglit si Derrick ah?" Patayo na ako ng magsalita sya.

"Derrick nanaman" biglang sabi nya.

"Bibisitahin ko lang naman sya" sabi ko sakanya.

"Fine. Sakanya ka nalang" sabi nya sabay tayo at naglakad palabas ng pintuan at binagsak ng malakas ang pintuan.

Hala! Galit ba sya?

Lumabas na rin ako at tumungo sa clinic. Mamaya ko na sya susuyuin. Kumatok ako at pumasok. Nakita ko dun si Derrick na mahimbing na natutulog.

"Oh Princess Xyrille, what are you doing here?" Tanong ni Nurse Roe. Bago lang sya dito.

"I just want to check if Derrick is fine now" sabi ko sakanya.

"He's fine now. Pero kailangan nya munang magstay at uminom ng gamot at kailangan ko muna syang lagyan ng ointment" sabi nya.

"Osge po, yun lang naman po. I gotta go" sabi ko at nagpasalamat before magteleport sa canteen.

"Oh Bunso, san ka galing?" Tanong ni kuya Kev.

"Sa clinic. Tinignan ko lang si Derrick" sabi ko sakanila.

"Asan si Jayze?" Tanong ko.

"Di namin alam. Di naman sya nagpunta dito eh" sabi ni ate Xyra.

"Di mo ba kasama? Diba magkasama kayo sa dorm?" Tanong ni Xandra.

"Kanina magkasama. Pero mukhang galit. Ewan ko ba dun anong kadramahan ang sumanib sakanya. Suyuin ko nalang"

"HAHAHAHA baka nagseselos" sabi nila.

"Kung kay Derrick sya nagseselos, hay naku. Kakasabi ko lang sakanya kahapon na wag syang magselos"

"Osya na, puntahan mo na baka sunugin lahat ng puno duon oh" sabi ni Dayze sabay turo dun sa labas.

Napailing ako. Pano si Jayze, inuulanan ng mga apoy ung puno. Jusq naman.

Nagteleport ako papunta duon. Napatigil naman sya saka tumingin sakin. Pero umiwas sya at bumalik sa ginagawa nya.

"Stop that" sabi ko sakanya at pinaliliguan yung mga puno pero di sya nakikinig.

"I said stop Jayze. Mapapagalitan ka pa kay HM if nalaman nyang sinisira mo yung mga puno" sabi ko sakanya kaya nagstop sya.

"What are you doing here?" Tanong nya sakin sabay laro ng fire element nya.

"Heyyyy, galit ka ba sakin?" Tanong ko sakanya.

Nagindian seat ako sa harap nya. Nakataas ang mga tuhod nya kaya pinatong ko mga braso ko dun.

Nagpout naman ako sa harap nya.

"Huyyy, galit ka ba sakin?" Tanong ko ulit sakanya.

Huminga sya ng malalim at tinignan ako sa mata.

"Sorry"

Napabuntong hininga sya.

"Di kita matiis. I don't want to be jelous but I can't hold myself. Lalo na kahapon. Sorry if I'm like this. Sorry" sabi nya at hinalikan ako sa noo.

"Its okay. Its also my fault" sabi ko sakanya sabay ngiti.

"No its mine" sabi nya.

"Ayt. Wag na tayong magsisihan okay?" Sabi ko.

"Okay" sabi nya.

"Let's sleep at the dorm. Gusto kong matulog" sabi ko sakanya. Napagod ako kahapon sa laban.

Nagteleport kami papunta sa dorm.

"Sorry sa pagbagsak ng door" sabi nya sakin.

"Its okay. Buti nalang hindi nasira kung hindi" sabi ko.

"Kung hindi ano?" Tanong nya sabay ngisi.

"Kung hindi, humanda ka sakin" sabi ko sakanya sabay siko sa tiyan nya.

"Aww" inda nya.

Pumasok kami sa kwarto at humiga sa kama.

Saktong humikab naman ako.

"Sige babantayan kita" sabi nya sakin.

Nakaside syang nakapatong ang kamay nya sa ulo at ung siko sa unan.

"Sleepwell baby" sabi nya sakin sabay kiss sa forehead.

Pinikit ko naman yung mata ko at siniksik yung sarili ko sakanya.

Jayze's POV

Di ko sya matiis. Lalo na nung nagpout sya? Hay naku!

Mahal ko tong babaeng toh kaya di ko sya matiis. Mahal na mahal. Higit pa sa buhay ko.

Handa kong ibigay lahat. Handa akong sumugal.

Isang anghel ang bumaba sa langit. Pagiyak, pagtulog, pagbagong gising, pagnaiinis, pagnagagalit, pagtumatawa, pagpoker face, ang ganda parin nya. Isang anghel itong asawa kong toh.

Pinapangako ko, di na ako magseselos. If kaya kong pigilan hahahah. Baka maghiwalay pa kami dahil sa pagseselos ko eh HAHAHAH.

"I love you"

.....................
Hi readers! Thank you for waiting for my update💕 lovelots💖💖💖

Updated today, May 26, 2021.

Small changes, fixed grammatical errors.

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon