Chapter 2: Section Orchid code 1108

746 17 3
                                    

Christina's POV

"Ahmm, Courtney, may tanong ako" sabi ko kay Courtney habang papunta sa section namin.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Friends na ba tayo?" Tanong ko.

"Hindi. Bestfriends na tayo" sabi niya kaya mas lalo akong naganahan.

"Oo nga pala, gusto kong mameet mo yung mga other bestfriends ko. Konti lang naman sila. Like 4 lang kami and dumagdag ka, so 5 na tayo!" Sigaw niya.

"Ok hahaha" tawa ko.

"Alam mo cool ng mga mata mo at ng labi mo parehong pareho kayo." Sabi niya na nagpagulo saakin.

"Huh? Sino?"

"Ahhh wala wala. Tara na malapit na tayo" sabi niya at hinila ako.

Nakatayo na ako sa harap ng pintuan kasama si Andrew yata yung pangalan ang alam ko lang, transfery rin siya. Pumasok na kanina si Courtney, mag bibigay nalang ng signal na papasukin kami ng magiging teacher namin.

Bumukas ang pinto at inassign na si Andrew na pumasok.

Courtney's POV

Pumasok na si Andrew sa room at pa angas angas ang dating. Hay nako. Nagtilian naman mga babae dito.

"Tumigil nga kayo pwede ba?!" Sigaw ko at nanahimik naman sila.

"Ok, please introduce yourself" sabi ni Ma'am Fiona at pumunta sa gilid.

"Goodmorning. Andrew Lopez, 17 years old. From PUSEA." Sabi niya at kumindat pa kaya tumili nanaman kaya tiningnan ko sila ng masama kaya tumigil.

"Panira ka talaga" sabi niya at pinat head ko bago umupo sa likod ko.

Buti naman at si Christina na. Sinenyasan na si Christina na pumasok.

"Woahhhhh" sigaw nila. Pano, nadulas siya pero, nasalo siya ni Jayze.

"Ok class, tahimik na. Thank you Jayze. Now introduce yourself pretty girl" sabi ni Ma'am Fiona.

"Christina Agruille. 16 years old. From PHSAU" pagpapakilala niya kaya namangha naman sila sakanya. Dahil pano siya lang ang nagiisang anak ng isang sikat na companya nila.

"Bess, sabay ka saming mag recess ah? Papakilala kita sa mga friends ko" sabi ko at tumango naman siya. Katabi niya si Jayze. Eto seating arrangements namin.

Jake|Jayze|tina|Ako|Haycee|
Jessica|Amie|Andrew|Dayze|Keybie

Ganyan ang arrangements namin.

Christina's POV

*Kring kring

"Wohoo!" Sigaw nila nung nagbell na. Tumayo na lahat at sumunod ako. Pero napansin kong, hindi pa tumatayo yung katabi ko.

"Hmm.. excuse me? Hindi ka pa ba mag rerecess?" Tanong ko.

"Ah sige, mamaya nalang. Liligpitin ko muna mga gamit ko. Habol nalang ako sainyo nila Andrew" sabi niya at inaayos na ang mga gamit.

"Tulungan na kita para sabay na tayo." Sabi ko at tinulungan na siya ayusin ang mga gamit niya.

After 2 minutes...

"Yan, tara na baka hinahanap na nila tayo" sabi ko at tumayo. Sumunod naman siya.

Habang naglalakad, marami rami ang bumabati sakanya. Sikat ata.

"Oo nga pala, I forgot, thank you pala kanina."

"Welcome" sabi niya at ngumiti.

Jayze's POV

Charendalle Academy: The Lost Princess and Prince of CharendalleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon