"MS. REJECTED"
By: JehanneUnnie"Sandali!! Sandali lang! " napapatakbo ako ng mabilis at humihingal na inabot sa kanya ang dala-dala kong tsokolate.
"Ano to? Pwede ba umalis ka na rito? May pupuntahan akong importante kaya dyan ka na. "
"Pero--" Hindi nya ko pinatapos at umalis na sakay ng mamahaling kotse nya. Grabe naman. Sya na yung ika-labing-syam na lalaking minahal ko pero bakit ganun? Kahit na kami na parang d ko parin nararamdaman na mahal nya din ako. Ni Hindi ko nga narinig ang katagang yun sa kanya eh. Hayss.. Baka nahihiya lang syang sabihin o di kaya gusto nyang sabihin ito in the right time. Ayan think positive lang Janette!
Naglakad lakad ako papuntang istasyon. Grabeng effort ko kanina ha. Pumunta ako sa condo nya para lang ibigay tong tsokolate na favorite nya. Malayo pa naman tong hotel sa bahay. Kinakailangan pang magbus. Tapos bumili pa ko sa isang sikat na store na pagawaan ng tsokolate jusko! Sobrang mko. al pa ng binayad ko! Mas mahal pa yata to sa dairy milk eh. Pero sa huli, Hindi man lang nya tinanggap. Hindi nya pa namukhaan na paborito nya iyon. T.T
"Kainis naman eh! Nasayang Yong 1month allowance ko dahil dito" naiiyak kong tignan ang bitbit ko. Di bale na. Kakainin ko nalang. Mas sayang kasi kong di ko nakain.
Ako pala si Janette miranda Cruz. 18years old na ko. Isa akong business ad. Student sa isang university. At medyo may kaya naman ang estado ng pamumuhay namin. Pareho kasing may regular na trabaho ang magulang ko. Ikalawang anak nila ako. Bale tatlo kaming magkakapatid. Napagitnaan ako. Wala yung pressure, dahil nasa kay kuya Mark na yun. Wala yung mahigpitang pagbabantay kasi na Kay Josephine na yun.
Kaya ayun, tumambay muna ako sa isang coffee shop at nakiwifi. Maglolog-in ako sa fb para magpost ng sweet words Kay loveydovey ko :"D
Sabi ko sa post, "wag masyadong busy sa trabaho love ha. Please take care :* I love u mwah <3 <3 "
Nagtatrabaho na kasi sya. Mga one year na. After nyang grumaduate, nakahanap agad sya ng trabaho. Galing nya nuh? Si loveydovey ko yan *0*
Madami ang nagreact sa post ko. Meron pa ngang nagcomment eh ansabi, "Arron, may girlfriend ka na pla? *insert mad emoticon* " ay? Anu naman ngayon kong oo? Echosera toh. Pinapantasyahan pa ang boyfriend ko.
Nagtatype ako ng reply sa comment ng girl pero di ko na natuloy kasi nagreply mismo si Arron.Medyo nasaktan ako sa sinabi nya. Sinabi nyang Mali daw ang pagkakaintindi ng babae. Matalik na kaibigan lang daw ako sa kanya. Tinry kong magreply ng *sad emoticon sa sinabi nya pero yong lumabas, yung tumatawang emoticon pa ang nasend ko. Nilike pa nito ni Arron at nagcomment uli yung babae. Ang sabi, "ahh.. Akala ko kasi kayo eh, sorry" ouch lang. Bakit ganun?? Anu ba tong ginagawa mo Arron?
Nag private message ako sa kanya at tinanong sya kong bakit pinakilala nya lang akong kaybigan nya. Pero niseen nya lang ako. Grabe! Niseenzoned lang ako. :/
Hinintay ko pang mag 10 minutes. Baka sakaling magmessage sya pero wala akong natanggap. Binura ko yung post ko. Naglog-out nadin ako. Sobra na toh. Binabalewala nya lang ang nararamdaman ko ngayon. Hmp! Grabe sya! Bahala ka! Hindi kita kakausapin ng isang linggo!After 1day, pagkauwi ko galing school. Nagbihis ako ng panlakad na damit at umalis ng bahay. Ayoko ng gawin pa ang istupidong bagay na toh. Miss na miss ko na sya. Kilangan ko na syang makita. Narealize ko na Hindi kompleto ang araw ko pag di ko sya nakausap. Simula umaga Hindi talaga ako tumawag sa kanya. Hindi din sya nagtext. Nakakairita naman, nag-assume pa naman akong hihingi sya ng sorry sa akin :(
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018