Chapter 31

54 0 0
                                    

"Hahahahaha!!! Pikonin ka talaga!! Hahaha!! "


"Hahaha!! Ikaw naman Nakakainis ka! Haha! Nakakainis kang shokoy ka! " Nandito kami sa isang bench malapit sa gate ng school. Sa sobrang pagod namin sa kakatakbo napadpad nalang kami rito. Nagsitawanan na parang mga baliw.


"Ha?? Shokoy parin tawag mo sakin? " bigla nalang syang sumimangot sa narinig. Wow ha, eh ngayon nga lang nagreklamo yan. 


"Mukha ka kasing shokoy eh. Hahaha! "


"Wehh? Saang banda? Sa gwapo kong to magmumukha lang akong shokoy? Ikaw nga lang ang tumatawag ng ganun ehh." Ansabi?


"Yabang ah, kong gwapo ka, edi lahat sana ng mga kalalakihan gwapo. " pang-aasar ko uli sa kanya. Naghihigante lang ako dahil nakakarami na sya sa akin.


"Grabe ka ah! Di mo yata alam na nanalo akong Mr. UN noong elementary ako tapos nong high school heartthrob ako sa campus. Ginawaran pa kong Mr. photogenic sa isang Fashion Modeling noong high school pa ko. " para naman agad akong mabilaukan sa mga sinabi nya. Like what? Talaga bang ganun na sya? Gahdd, mapapalakpak ako nito mamaya.

"Ganun? Edi wow. " Sabi ko lang na parang hindi namangha pero sa kalooblooban ko, para akong nabuhayan ng loob at basta! Yung tipong manghang-mangha.


"Oo ganun talaga, isinilang na kong ganito, kaya wala akong choice." Sabi nya pa na parang dismayado. Wew, alam ko namang ikinatuwa nya yun ng todo.


Sinapak ko nalang ang balikat nya at napangiti kasama sya. "Nga pala, nakita ko kayo ng ex mo kanina. Talaga bang kasama mo yun? " napaseryoso agad ako ng mukha sa topiko na sinimulan ni William. Nong nagsabi sya ng 'ex' ay naalala ko na naman ang nangyari kanina.


"Oo sya yun. May pinag-usapan kasi kami kanina. Hindi naman yun tungkol sa amin. Parang business type lang yung dating. "


"Talaga? Ano ba pinag-usapan nyo? Pwede ko bang malaman? " napatingin ako Kay William na naghihintay ng sagot ko at nginitian sya.


"Pwede naman, kaibigan naman kita ehh. " tama kayang iyon ang sabihin ko? Pero yung dating kasi namin ni William parang matalik na magkaibigan. Pwede narin siguro.


"A-ahh okay. So what did you talked? "


"May inakala akong stalker ko na umaaligid sakin noon. Lagi syang nakaitim at may dalang camera. Nalaman ko nalang nong isang araw na isa syang photographer at mga taktika lang yun ni Lyndie para pumansin. "


"Who's Lyndie? "


"Isa syang fashion designer, yung motibo nya pala ay i-recruit ako sa pagmomodelo. "


"Talaga? Gusto ka nyang maging model? Bulag ba sya o ano. Hahaha! " naningkit agad ang mata ko na tinignan ang shokoy sa pang-iinsulto sakin.


"Gusto mong masaktan? " pagbabanta ko sa kanya nang matahimik sya.


"So ayun nga, okay naman sana kasu hindi na iyon ang gusto ko ehh. "


"Nga pala, anong konek nyan sa Ex mo? "


"Nalaman ko Kay Lyndie na si Aaron pala ang nagsuggest sa kanya na gawin akong modelo. Nakakapagtaka diba. Pero Alam ko naman kong ano ang rason kong bakit ginawa nya iyon. "


"Nagagalit ka ba dahil dun? " napatingin ako kay William matapos nyang tanungin ang nararamdaman ko.


"Hindi naman. Nasasaktan lang ako. Pero konti lang. Dahil ni minsan Hindi nya talaga ako nagustuhan. Nakaka- frustrating lang. " napa-ayos ako ng upo at ngumiti ng konti.


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon