Chapter 3

172 16 73
                                    



Pagkatapos ng gabing yun. Araw-araw, sinusubukan kong kalimutan si Arron. Hindi ko na sya nakita, binura ko na din pati number nya sa phone ko at ni-unfriend ko sya sa fb. Gusto ko lang kasing makamove-on gaya ng dati. Iisipin ko nalang na nireject din nya ko para tapos ang usapan kila mama. Alam kasi nilang parang may namamagitan sa amin. Hindi ko sinabi na boyfriend ko si Arron noon kasi si Arron mismo ang nagsabing wag muna ipagsabi. Psh! Kaya pala ayaw pagsabi kasi may fiancée sya. Kapal din eh.

"Ma! Mauuna na ko, babye! "

"Okay nak! Mag-iingat ka. Si Josephine isabay mo na papuntang school. "

"Ha?? Mama naman, matanda na yan. Ihahatid ko pa talaga? "

"Halaaaaaaa. Grabe ka ate ah! I'm not kaya. Di naman tayo magka-age ah. So ibig sabihin di ako matanda. "

"So ano ka pala? Bata? " sabi ko sa kanya.

"No ate, teenager is the exact term. " Asus. May nalalaman na syang ganun ah. Hmm kong sa bagay high school student naman sya.

"Edi wow. Maka-englis naman toh para kang si shokoy. "

"Huh?? Ako shokoy?!! Ate naman!!! " .

"Hahaha!! Bingi. Sabi ko katulad mo din si shokoy. " matapos kong sabihin yun, natahimik ako.
Bakit ko naalala ang lalaking yun? O.o Mga 3 linggo na din na di ko sya nakita. Pangalan nya lang ang alam ko.
Sira kasi ako eh! Andun na lahat sa I. D pero name nya lang ang binasa ko.

"Tara ate, alis na tayo. Malalate ako nito eh. " nagnod nalang ako at lumabas na ng bahay. .

Maaga talaga ako pumasok sa university kaya may 1hour pa kong extra time. Naglakad-lakad lang kami ni Josephine kasi malapit lang yung school nya. Madadaanan ko lang.

"Ate, anu kaya sa pakiramdam na magkaroon ng boyfriend?? ".
Bigla akong nasamid sa tanong nyang yun. Ano?? Ano pakiramdam ? Sa naging relasyon ko Kay Arron walang espesyal doon. Wala. Sinayang ko lang ang oras at pera ko.
Yan sana gusto kong sabihin.

"Ewan ko. Lagi naman akong narereject eh. " ang nasabi ko nalang.

"Ayyy.. Bakit ka ba narereject ate? Wala namang Mali sayo ah. Maganda ka naman, tsaka mabait, maalaga pa at maalalahanin. Ano bang meron sa mga lalaking nagugustuhan mo? Mga bulag yata sila eh. " sabi nya. Awww nakakatouch naman T___T narinig ko talaga iyon sa sarili kong kapatid.

"Hehe, yaan mo na. Ibig sabihin lang nun, di sila ang nakatadhana para sa akin. " nag-nod lang si Josephine at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Ay nga pala, gusto mo bumili ako ng ice cream? " sabi ko sa kanya. Nagliwanag naman agad ang mukha nya at napatalon pa. Teenager nga sya -_-

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon