Chapter 29

57 0 0
                                    

Biglang napatayo si Maria sabay hampas sa lamesa, "ANO?! GUSTO MONG MAGING MODELO SI JANETTE?? " anak ng tinapa naman talaga oh.. Kailangan talagang isigaw ang bagay na yun?



"Gusto mong masapak? " pinandilatan ko sya ng mata kaya naupo agad sya. Nabaling uli ang tingin ko sa baklang nasa harapan ko. "Bakit ako? AndamI namang magaganda at mukhang artista dyan ah. Bakit ako pa nakita mo?" Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero nababagay ba talaga ako sa pagmomodelo? Ang absurd diba.



Napainom sya sa hawak nyang isang baso ng juice at napatingin kaagad sa akin. "Wala naman talaga akong malalim na dahilan para piliin ka sa trabahong to pero there is one reason kong bakit ikaw ang pinili ko. " hay nako pabitin pa ang bakla.




Napakamot nalang ako ng batok, "Ano nga? "



"He begged me to choose you. " ano? He? Kong ganun lalaki. At sino naman ang gumawa ng bagay na yun? Hindi naman yata si William dahil magmumukha naman akong ambisyosa kong sya ang isipin kong gumawa nun eh. Si papa? Pero wala naman akong sinabihan sa pangarap ko bukod kay...


Natigilan ako bigla sa pag-iisip. Hindi kaya.. Hindi yun maaari. Kahit sya pa ang napagsabihan ko ng bagay na yun, Alam kong di nya kayang gawing magmakaawa para lang maging modelo ako. Hindi sya yun, hinding-hindi.

"I think you know him. " napatingin uli ako kay lyndie. At sino naman kaya ang tinutukoy nya? Pareho kaya kami ng iniisip.



"Ehem! Excuse me guys. Punta lang ako ng CR ha. " sabi naman ni Maria at dirediretsong pumunta sa banyo.



"Si Arron ba? Ang Alam ko sya lang naman yata ang makakagawa nun. " ayun sinabi ko nalang kong sino kahit may ilang percent na imposible ang bagay na yun.



"Yes, it's him. " O_O Kong ganun totoo pala. Bakit naman nya ginawa Ito? Ginagalit nya ba ako o ano?nako naman oh! Ano bang naiisip ng lalaking yun ha.



Napatawa ako ng mapakla sa harap nya. "Kong ganun tama ako. Ano ba ang rason nya kong bakit ipinakilala nya ako sayo? " umiling lang si Lyndie at may ikinuhang calling card bigla.




"Number ko to. I'm hoping na sana di masayang ang effort ko sa pagpunta rito. And oh, by the way, idedelete ko lang ang mga litrato mo pag nakapagdecide na ko whether to accept or reject you on the job. " sabi nya at inilagay sa lamesa ang calling card.


"Bye. " tumayo na sya at inilagay din sa lamesa ang perang pambayad sa kinain namin.



"Sandali, Pahingi ako ng number ni Aaron kong pwede lang. " bigla syang ngumisi at ikinuha ang cellphone nya saka nagtitipa doon.



"Here is his number. " inilahad nya sa akin ang phone nya. Ikinuha ko rin ang cp ko at itinype doon ang number ni Aaron.




-----------

Matapos makuha ni Janette ang number ni Aaron ay umalis kaagad si Lyndie. Samantala, nakatitig sa malayo ang isang taong nakatayo sa labas ng kainan. Isa lang ang kanyang tinititigan at iyon ay si Janette na may malalim na iniisip habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.



( AARON'S POV: )




Ilang buwan na yata simula nong pangyayaring iyon sa condo. Mismong si Janette na ang lumayo at lumimot sa pantataksil kong ginawa sa kanya. Alam kong Mali pero ginawa ko padin. And I'm regretting it actually.



"Hey. " nilingon ko si Lyndie na mukhang nahuli ako kakatingin sa babaeng nakaupo sa loob ng kainan. "Are you here for Janette? "



Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon