Chapter 12

76 5 0
                                    





(WILLIAM'S POV)



Nasa condo lang ako at nanonood ng movie. Bale movie Marathon na ako lang mag-isa.
Hmm.. Actually boring padin kasi ako lang. Yung iba kong kaybigan di ko naman mapapunta dito kasi mga busy ang mga yun.
.hayss.. Kaya ako nalang talaga ang manonood. Sayang, mas masaya sana kong may kasama ako para hindi lang ako ang tatawa dito. Comedy kasi tong movie na pinapanood ko.


Habang nanonood ay napatitig ako sa isang character. Actually Babae ito.
Napangiti nalang ako bigla, Hahaha! Ba't hawig nya yung hipon? XD

Naisip ko tuloy bumisita sa bahay nila. Ano kaya ang ginagawa ng hipon na yun ngayon?
*Kriiing!!!* (Ringtone)


Hinanap ko naman agad ang cp ko at isinagot ang tawag galing kay Honey.
"Oh bakit? "


[..William I have something to tell you, pwede ka bang makita ngayon? Sa bar lang.] Sabi nya sa kabilang linya.


"Ahh importante ba? Sige pupunta na ko." Matapos nun ay ni-end call ko na.
Nagtataka kayo siguro kong bakit ilang beses na kaming nagkausap ni Honey nuh,, it's because she's my ex-girlfriend.
Matagal naman kaming hiwalay. More than 2 years na siguro. Hindi ko na nga matandaan kong bakit kami nagsplit eh.
She isn't someone that I regretted to lose because ever since..
Hindi naman love ang naramdaman ko sa kanya but lust. Infatuation and Attraction.

That time that we kissed, Balewala nalang sa amin yun. Nasanay na kasi ako at ganun nadin sya siguro.


Nasa tapat ng Bar na ko at bumaba na ng Kotse.
Nasilayan ko agad si Honey na nag-aantay sa labas. naka-mini skirt at sleeveless shirt sya.
Nakaheels din. Actually she has nice body kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.
She looks perfect in her way.. More like a dream girl to every man

Bigla na naman akong napangiti, malayong-malayo kasi ang hipon na yun sa Kay Honey. Flatchested, no butt tapos hindi pa sexy ang katawan.
Nakakatawa talaga sya. Wala man lang ka-taste-taste sa pananamit.
Opposite nya talaga ang Ex ko pero kong ikokompara silang dalawa,
Hindi boring kausap si Janette at masaya syang kasama. Pikonin kasi xD


"Honey. Anong pag--" hindi ko na natapos-tapos ang sasabihin ko kasi bigla nya naman akong hinalikan.
Inilayo ko ng dahan-dahan ang sarili ko sa kanya. Nabigla sya dahil dun at napayuko.


"Haha, nakakarami ka na ah. Pagmakita mo ko hahalikan mo agad. Nong isang araw ginawa modin. Greetings na ba sayo ang humalik sa akin? " sabi ko na medyo natatawa.


"You want me to answer that? You want to know why I always do that to you? That of all men I know, sayo ko lang ginagawa? " tumahimik naman ako bigla. Seryoso pala sya.


"Honey--" sasawayin ko na sana sya pero nagsalita na naman.


"It is because I like you! I really like you! No, actually it's more than just an attraction. Kaya kita pinapunta dito para sabihin sayo na kahit kailan hindi kita pinaglalaruan, that my feelings for you is true. Mahal kita William kaya masakit sa akin na magbreak tayo noon. Hindi ko sinasadyang lokohin ka kasi narealized ko na ayoko palang mawala ka sa buhay ko. Nagsisisi ako William. Talagang nagsisisi ako. "
Sincere nga sya sa mga sinabi nya pero anu naman ang sasabibin ko? That I also like her? That's it. Wala na.
Hindi ko akalain na seryoso pala sya sakin. Pero Alam ko namang may gusto sya sa akin eversince.


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon