"I like you for my grandson" napangiti ako sa sobrang tuwa. Hindi ko inexpect na magugustuhan kaagad ako ng lola nya. Isa itong himala :D
Though hindi ko naman niwish na magustuhan ako, nagpapasalamat parin ako. Knowing na may support ako sa pinakamamahal nyang lola. Ahihi!! Parang gusto ko tuloy tumalon sa pool. XD"Pero bakit mo ko nagustuhan lola? " nacurious din ako kong bakit nagustuhan nya agad ako. Hindi pa nga kami masyadong magkakilala eh.
Napangiti naman si lola at ininom ang tsaa nya.
"Nong nasa hospital ako, hindi ko inasahan na pupunta si William. Alam ko kasing inilalayo na nya ang sarili nya sa amin at gustong mamuhay ng mag-isa. Pero nong ikalawang araw ko sa hospital, nalaman ko nalang na binabantayan na nya akong mag-isa doon at humingi sya ng sorry sa mga ginawa nya. "
Napatigil sya sa pagsasalita at nagpahid ng tissue sa mukha.
"Nalaman kong may nagsabi sa kanya na pumunta sa hospital. Binigyan daw sya ng courage para pumunta at dalawin ako. Kahit na iniisip nyang hindi nya magagawa iyon, hindi daw mawala sa utak nya yung sinabi ng babae. At iha, ang babaeng yun ay ikaw. " nagulat naman agad ako sa sinabi nya. Ahh naalala ko na, nangyari yun noon sa university. Yung ugat ng ikalawang away namin.Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"P-po?? ""Iha, kaya kita gusto para sa apo ko dahil nagagawa mo syang baguhin. Ilang taon na din nang hindi nya kami lapitan, pero nong nakilala ka lang nya pumupunta na sya dito at idinala ka pa. Alam kong mapapabago mo pa sya kaya kita pinili para sa kanya. " napaisip ako sa sinabi ni lola. Hindi ko alam na iyon na ang naging epekto ko Kay william. Nakakatuwa naman na nabago ko sya ng konti pero wala akong idea kong sa anong paraan ko sya napabago. Dahil ba inaaway ko sya lagi?
"Lola, natutuwa po akong malaman yun. Nga pala, pano mo nalaman na ako yung nagsabi sa kanya? "
"Sya kasi mismo ang nagkuwento sakin iha. "ahhhh.. Napangiti agad ako. Hindi ko akalain na naikikwento nya ako sa lola nya. Ahihi :")
Maya-maya'y lumapit sa amin si William. Bigla naman agad akong napatayo sa gulat.
"Kanina ka pa dyan?? " tanong ko sa kanya.Tinignan nya naman agad ako na parang wala sa mood.
"Ba't mo naman itinatanong? May hindi ba dapat akong malaman sa pinag-uusapan nyo? " sabi nya.Tinignan ko naman si lola at nagwink lang sya sa akin.
"A-ahhh.. Wala! Wala naman. Baka kasi nag-ieavesdrop ka eh. Diba masama yun. " napansin kong pumipigil sa pagtawa si lola at napairap naman ang shokoy. Suplado talaga :/"I don't and I'm not interested. "Sabi pa nya. Edi wow.
Matapos ang usapan ay nagpaalam na kami ni william. Nasa labas na kami ng gate at kasalukuyang nag-uusap sila william at lola.
"Apo, alagaan mo ng mabuti ang sarili mo ha. Mag-iingat ka. Pasinsya na kong wala padin ang magulang mo dito. Masyado lang kasing busy ang mga yun. " sabi nya at niyakap si william.
"Okay lola. Kayo din. " kumalas naman agad sila sa pagyayakapan. Ang drama naman ni lola. Kong makapagpaalam Kay william parang mag-aabroad eh. Tsk!
"Kuya! Sa susunod bumisita kayo uli ah. I'll bake cake naman. " nakangiting sabi ni Sassy habang akay -akay ang cute na aso.
Nilapitan sya ni William at pinisil ang mukha nya kaya napa-aray ang kapatid nya. Natawa lang ako sa mga ginagawa nila.
"Oo na. Babalik kami, diba Janette? " eh? Lumingon pala sya sa akin at ang laki pa ng ngiti.
Hindi tuloy ako nakapagresponse."Oo naman, si Janette ay babalik dito. Marami pa kaya kaming pag-uusapan, right iha? " sabi pa ni Lola. Napilitan nalang akong mag-nod at napakamot nalang ng ulo. Hindi ko alam kong ano ang iniisip ni lola. Pero yung ngiti nya ngayon parang my something eh.
"Janette iha, come here muna. " senyas nya sa akin. Para naman akong puppet na lumapit agad sa kanya.
"Ano po yun? " medyo kinakabahan na naman ako. Bakit kasi parang pakiramdam ko may pinaplano si lola?
Sinenyasan pa nya akong lumapit pa sa kanya at medyo alinlangan akong sinunod yun. Hanggang sa namalayan kong may ibinulong sya ..
"Kong gusto mo pang makilala ng husto ang apo ko. Just come here again. I'll tell you every details I know" sa sobrang gulat ko ay napalayo ako sa kanya at napaupo pa ko sa lupa. Waaaaaaah!!!! Lola! Pwedeng bukas na bukas nandito na ko??? Pero joke lang xD kasi nakakahiya naman pag ganun. Mahahalata lang ni william ang ginagawa ko."Oh!! Iha Are you okay?? " sabi ni lola na nagulat din sa pagtumba ko.
"Hahahah!!! Ang lampa mo naman hipon! Haha! " -.- bwesit talaga sya. Ipinahiya na naman ako.
Tinulungan naman ako ni sassy sa pagtayo habang yung iba dyan. Parang ikamamatay na nya ang sobrang pagtawa. -______-"Ano ka ba naman william! Imbis na pagtawanan mo si Janette. Tulungan mo nalang kaya sya. Parang bata ka parin talaga. " sabi ni lola sa kanya.
Ako naman ang natawa sa narinig ko. Hahaha! Parang bata daw si William? XD------------
Matapos ang sandaling iyon ay umalis na kami at inihatid naman ako ni William ng maayos sa bahay. Umalis din naman agad dahil inaantok na daw
Sya. Hindi ko nga namalayan na ginabi kami ng uwi eh. Infairnes may nalaman akong napakaganda. :)
That atleast may mga ilang percent ang chance na hindi ako agad-agad mareject ni william.TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018