Chapter 2

206 18 67
                                    



Matapos kong lumabas, napansin kong hindi nakalock ang katapat na unit ng lalaki kanina. Tinignan ko yung unit number. Aish! Malikot kasi akong matulog kaya siguro nasa tapat na ko ng ibang condo unit. Magkatapat lang pala kasi ang unit nila ni Arron.

*click!* Narinig ko ang pagbukas sa unit ni Arron. Yey! Andyan na sya. Mabuti naman :)
"Arro--"

"Bae alis na ko ha. Love u" sabi ng magandang babae at hinalikan pa sa bibig si arron.

Natulala ako sa nakita.hindi masink-in sa utak ko na etong scenario ang lumantad sa harap ko. Bakit kay Arron pa??? Sa lahat ng lalaking pwede nyang sabihan ng bae, halikan sa lips, bat si Arron pa??? Nasasaktan na ko. T_T </3

"JANETTE??! " gulat na gulat ang mukha ni Arron na tumingin sa akin. Yung babae naman nagtaka at tinignan din ako.

"Bae, sino sya? " tanong ng babae at kumapit pa sa braso ni Arron. Ang sakit naman nito. Hindi ako makahinga ng maayos. Para kasing nawalan ng hangin ang paligid ko .

"A-ah.. "-arron

"Kaibigan nya. " nabulabog bigla ang buong pagkatao ko sa taong sumulpot sa gilid ko. Pagtingin ko dito yung lalaki na kaaway ko kanina ang nakita ko.

"O-oh?!! Bat ka nandito??!! " tanong ko sa kanya. Dinuduro-duro ko pa sya gamit ng hintuturo ko.

Mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Umakbay sya sa balikat ko at ngumiti na ewan kila Arron.

"Bakit ako nandito? Syempre dito din ako nakatira eh. Sa mismong tapat ng unit na toh. " sabi nya at diniinan pa Ito na parang pinagsisigawan Kay Arron.

"Alam ko. Yung point ko lang bat ka nakikisawsaw sa usapan nam--"

"Anu ka ba, syempre makisawsaw ako kasi nandyan ka eh. Diba boyfriend mo ko? Kaya may karapatan akong pumunta at magsalita rito" O_O

"A-ano??? "

"Janette totoo ba?? " biglang tanong ni Arron habang yung babae naman ay litong-lito sa nangyayari.
"Totoo bang may namamagitan sa inyo? " sabi nya pa. Wow ha! As in wow. Ako pa talaga ang sinabihan. Grabe! Sarap tuloy pumatay ng two-timer.

"Ako pa talaga ang sinabihan mo ng ganyan ha. Wala ka talagang puso. " naibulalas ko nalang bigla. Naniningkit naman na tinignan ako ng kasama nya.

"Excuse me miss ha. Wala kang karapatang sabihin yun sa fiancée ko! "

"A-ano? Fiancée mo? " tanong ko na parang tanga. Ewan ko ba, gusto ko lang yata lalong masaktan ang sarili ko.

"Oo Fiancee ko sya Janette." Wala na kong nasabi. Mismong si Arron na ang nagsalita. Bigla nalang nagbagsakan ang mga luha sa mata ko pero bago nila makita yun, tumakbo na ko.

Naloko na naman ako, akala ko sya na ang lalaking para sakin pero parang Hindi padin. Sya yung ika-19 na lalaking minahal ko pero sya lang yung lalaking binigyan ako ng chance na mahalin din ako. Lahat kasi sila nirereject ako. Pag magcoconfess ako sinasabihan nila agad akong wala akong pag-asa sa kanila. Masakit din yun para sa akin. Na hindi masuklian ang pagmamahal mo sa kanila. Akala ko matatapos na ako sa ganong buhay. Akala ko lang pala iyon kasi yung taong nagbigay sakin ng pag-asa at akala ko'y minahal talaga ako. Nagbibigay na sakin ng tripleng sakit ngayon. Ayoko na. Tama na ang labingsyam. Lalo lang akong masasaktan kong ipagpipilitan ko ang sarili ko. Naloloko lang ako,wala ng iba.

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon