Chapter 33 (The Last Part)

112 1 0
                                    



"So.. May gusto ka pala sa anak ko iho. At ikaw naman Janette, kailan ka pa natutong magkagusto sa kaibigan mo? " napahigpit ang hawak ni William sakin at huminga ng malalim nong tinignan sya ni mama.

"Tita, sana matanggap nyo po ako para kay Janette. Seryoso po ako sa kanya at alam kong ganun din sya sa akin. I just want to tell you that I like her. Kahit nong una palang kami nagkita, I already like her pero unsure pa ko noon sa nararamdaman ko. Please let us be together tita, hindi po ako magpapramis sa kanya pero I will try my very best to love her to the rest of my life. " Leche William, pinapaiyak mo ba ako? T__T bakit yung dating nang pagkakasabi nya, ay parang humihingi na sya ng blessings sa pamilya ko? Magpapakasal ba kami??

Tulaley si mama sa speech ni William. Pero alam ko, ramdam ko na okay si mama sa kanya. Panay kasi ang ngiti nya. At napapataas pa ang kilay nya. Halatang kumbinsido.

"Ganun? Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo? Yang hindi naman kagandahang anak ko, talaga bang gusto mo? " -_- ..Mabuti talaga syang ina, pramis. Tsk.

"Maaa! " reklamo ko sa kanya pero nisnob lang ako at parang sila lang ni William ang tao dito sa bahay -.-

"Sigurado po ako. " talagang pursigido si William. Napawi naman kaagad ang inis ko dahil sa kanya. Hindi ko akalain na mas sweet pa pala sya ngayon. Ang swerte ko naman :"D

"Ohhh.. Edi sige. " O___O Pareho kaming napatingin ni William sa isa't-isa. "Ma, anong sabi mo? ".

"Po?? " sabay naming tanong ni William. Tumawa naman si Mama sa mukhang epic na reaksyon namin. Totoo ba? Tatanggapin na nya si William para sakin? As in?? Really?? Super??? T____T let's celebrate.

Nong tumango si mama ay napangiti kami nang malawak ni William at niyakap ko kaagad si Mama. Nagpasalamat ako sa kanya dahil hindi sya tutol para sa amin ni William. Natuwa din si William kaya napayakap nadin sya Kay mama. Grouphug? XD

Pagkatapos Kay mama, pumunta naman kami ni William sa taas. Sa kwarto ni Josephine na may sign sa labas ng pinto na 'do not disturb' Sinadya nya yatang ilagay iyon para hindi na kami tumuloy. Hayss.. Problema na naman to.


"Ako nalang kakausap sa kanya. " sabi ko Kay William.

Napailing sya at hinawakan muli ang kamay ko, "No, let's make it together. Alam kong maiintindihan nya pag ipinaliwanag natin ito sa kanya. " ngumiti ako ng tipid sa suhestiyon na at sinimulan ko nang kumatok sa pintuan.

"Josephine, buksan mo to. " nong una wala kaming narinig na response sa loob.

"Sige na Josephine.. Buksan mo na to. Pleaseee?? " inilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kong ano man ang nasa loob. Doon ko nalaman na nakahiga sya at mukhang napabangon sa kama.


Napagtanto nalang namin na hindi na nya nilock ang pinto nya. Pero hindi nya parin ito ibinubuksan. Napatingin uli kami ni William sa isa't-isa. Hinalikan nya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak dito.

"She's letting us go inside. " sabi nya sa akin kaya napatango ako.

Binuksan ko ang pinto at nakita sya sa study table nya. Nakayuko sya doon at mukhang may nakakalat pa na mga tissue sa kama nya. Nalungkot naman kaagad ako kaya nilapitan ko sya. "Josephine.. " Napa-angat sya ng ulo at nakita namin ang mukha nya na punong-puno ng kalungkutan. Kaya niyakap ko nalang sya at paulit-ulit na humingi ng tawad. Hindi naman sya umimik pero mukhang tinatry nyang wag na umiyak.

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon