"Andito na daw lovey dovey mo. " biglang bulong sakin ni Tristan na ikinatinding ng mga balahibo ko. Leche naman tong mokong na to oh! Kanina pa talaga sya eh! Ipapatapon ko na talaga to!! >:(
......itinulak ko sya ng mahina para di sya lumapit sakin. Naaamoy ko na kasi ang pabango at hininga nya. Leche ang seductive pa kasi ng dating xD"Hi La! " nanlamig agad ako sa boses na yun. Bigla ko agad naisipang magtago dahil Alam kong wala syang kamalaymalay na nandito ako. Baka pag-isipan ako ng masama eh.
"Janette?? " putek, wala ng kwenta ang iniisip kong yun dahil nabuko agad ako -.-Unti -unti ko syang nilingon sa pintuan pero imbis na ikasaya ko ang mabilis na pagkakita nya sakin, pakiramdam ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil hindi pala sya nag-iisa sa pagpunta dito.
"Hi! " sabi ng babaeng katabi nya at kumaway sa amin . Imbis na kawayin ko din pabalik ay natulala lang ako sa kanila. Ewan ko ba, parang nadapuan ako ng kakaibang sakit ngayon. Parang pinipiga ang puso ko sa nakita.
Bigla akong siniko ni Tristan dahilan para-
magising ang diwa ko."Bakit kayo nandito?? " nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pananalita ni William. Sa ekspresyon palang nya parang nagagalit sya.
Umisip ako ng dahilan sa tanong nyang yun. Sasabihin ko nalang na bumisita ako sa lola nya dahil totoo naman eh.
Napasama lang si tristan kasi sya ang driver na humatid sakin dito.
Okay! Yun ang sasabihin ko!
"Bumisi--"
Naputol nalang bigla ang sasabihin ko dahil sa ginawa ni Tristan. Bigla nya kong inakbayan at inilapit sa kanya."Bumisita lang kami sa lola mo. Wag mag-alala aalis din kami agad mayron pa kasi kaming pupuntahan eh. Diba Janette? " pinandilatan ko sya ng mata. Ganun din sya sa akin pero hindi ko naintindihan iyon. Bigla syang bumulong sa tenga ko.
"Umoo ka nalang kong ayaw mong mapahiya sa kanila. " sabi nya.
"Tumawa ka agad na parang kinikilig ka para di nila mahalata " ewan ko ba ang trip ng isang toh pero sinunod ko padin ang utos nya.Pagkatapos ng bulungan portion na yun ay natawa kuno ako .kunwari may sinabi syang nakakakilig o di kaya nagjoke sya kaya tatawa ako -_-
"Ahhh okay. Ahh lola, pupunta lang kami sa kwarto ha. May gagawin lang kami. " sabi naman ni William at sa pagkakasabi nyang yun ay napatingin sya sa amin. Sa totoo lang nagwawala ang puso ko ngayon. Kating-kati na nga ang kamay ko na ilayo ang girl na yan Kay William eh pero ayoko namang maging kapal muks. Sa sinabi nyang yun. Naiinis na talaga ako at parang sasabog ang dibdib ko sa sinabi nyang pupunta sila sa kwarto. Ano namang gagawin nila doon? Hindi kaya.... AHHHHHHH!!! WALA! HINDI IYON! HINDI!! pupunta sila ng kwarto baka kasi may pag-uusapan lang sila ng patago o di kaya may gagawing project o di kaya maglilinis. Okay isa sa tatlong yun ang reason ha! Wala ng iba.
Naubo naman si lola at napatayo.
"A-ahh s-sige apo.. Magsabi ka lang kong may mga kailangan kayo. "Umiling lang si William sa suhesyon ni lola at tinignan kami saglit.
" no need na lola. So, Shella Tara na? " sabi nya sa babaeng katabi nya at ngumiti pa dito ng pagkatamis-tamis. Mukhang kinilig naman yung Shella at napakapit pa sa braso ni William.
"Sure!" Pabebeng sabi ng girl at nagkatitigan pa ang mga kumag. The worst is that , hinawakan ni William ang kamay nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Rejected
Teen FictionSya si Janette, Ang laging narereject. naka labing-syam na beses na sya inireject ng isang lalaki. Paano pag nagmahal sya ulit? Marereject na naman ba sya? o Susuklian na ang pagmamahal nya?? #SenyoritaJehan_MR2017-2018