Chapter 27

54 1 0
                                    




"Let me introduce to you the escort of our celebrant, Mr. William Oh."




Nagpalakpakan ang lahat matapos ipakilala ng emcee ang katabi ni Shella.  Hindi ko Alam ang irereact sa nakikita ko. Si William pala talaga ang humawak at sumalo Kay Shella kanina. Ang sumuot rin ng mala-prinsipeng damit. Hindi ko inakalang iyan ang magiging outfit nya. Ang daya naman. Bakit parang tumerno sa kasuotan ni Shella? Sinadya ba talaga ng babaeng yun na magmatch sila ng outfit ni William? :/ Kaloka kaya siguro nakita ko sya sa bahay ni Bridgette. Pero meron bang ganung outfit si Bridgette? Hay nako. Ewan ko nalang.  ………… …………






Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-dim pa lalo ang ilaw. Napunta ang spotlight kila Shella at William. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi ko malaman kong ano ang iniisip nila o kong anong kaechosan ang pinaplano nila, pero isa lang ang Alam ko, na nagseselos ako sa kanilang dalawa. Na unti -unti akong nasasaktan sa mga nakikita ko. Pero ano ang magagawa ko? Itong feelings ko na to Kay William, wala rin namang patutunguhan.



Wala rin naman syang Alam na gusto ko na sya. Lalo na't puro kami away na dalawa. Hindi naman sya siguro manhid diba? Sadyang hindi ko lang talaga pinapahalata na may nararamdaman ako sa kanya.  ………… …………






"Dahil birthday ko ngayon, gusto kong malaman kong anong surpresa ang inihanda mo para sa akin William. " ang tamis-tamis pa kong magsalita ng bruha. Halata namang nagpapakyut Kay William :/ …………






Nabaling ang tingin ko Kay William na nakatingin lang Kay Shella. Bakit ganun? Bakit sa kay Shella lang sya nakatingin? Masyado bang madilim sa paligid para hindi nya na ako makita?  Nakapang-neon pa naman akong damit :( …………






"I don't have any, Shella. But I have something to tell you, " biglang sabi ni William habang di inaalis ang tingin Kay Shella. Malamang sa malamang, masayang-masaya ang bruha sa narinig nya. Hindi ba sya nawawalan ng hangin nyan? Parang hindi humihinga ang loka eh.  …………







Hindi umimik si Shella, datapwat nakatitig lang Kay William.  "Please be happy. And sana matupad ang mga wishes mo. I wanted you to be healthy and happy because you are precious to me. Happy birthday Shella. " niyakap nya agad si Shella na mukhang maiyak-iyak sa speech ni william.  At heto naman ako, imbis na umiwas at umalis na dito, nakinig at nanood pa ko sa kasweetan nila. 'You are precious to me' Parang nadurog ang puso ko sa katagang yun. Bakit ganun si William? Bakit ang sweet ng shokoy na yan sa babaeng yun? T____T …………





Naghiyawan ang lahat matapos ng kadramahan nila. Aba, tuwang-tuwa naman ang shokoy habang kayakap ang babaeng yun. Naiinis talaga ako sa kanila, sarap nilang ihagis sa Antarctica >:( ………… …………






Napatingin nalang ako sa dala kong paper bag.  Nagpakahirap akong hanapin to tapos eto naman pala ang makikita ko sa party na to? Hindi talaga maganda. Parang naibasura lang ang mga efforts ko.  …………






Napagdesisyonan ko nang umuwi. Wala na kong ganang manood sa palabas na to. Pero sana nga palabas lang ang lahat para hindi ako masyadong masaktan.  …………






"I have to tell you something William. Gusto kong malaman mo ito ngayon, sa harap ng maraming tao..." Kahit na naglalakad na ko paalis ng venue, naririnig ko padin ang sinasabi ni Shella sa gitna.

Pakiramdam ko hindi isang birthday party ang pinuntahan ko, kundi isang reception. Jusko Janette! Kong anu-ano nalang ang naiisip mo.





Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon