Chapter 18

54 1 0
                                    




Weekend na naman at Alam nyo ba ang gagawin ko ngayon? Anu pa ba, edi pumunta uli kila lola. Sa katunayan kagabi pa ko atat na atat na pumunta sa kanila.
Narinig ko rin kasi na bibisita rin si William sa home sweet home niya XD
Alam nyo kong paano ko nalaman? Simple lang, nang stalk ako XD
Nang -iinstalk na ko Hahaha!! Okay yun lang.





So eto ang gagawin, since narinig ko na mga tanghali bibisita si William, napag-isipan ko na dapat mas maaga akong pumunta sa bahay nila. Alam nyo naman kasi ang gagawin ko doon diba, ang malaman lahaaaaat ng tungkol Kay William. Hehe something like, pang-iistalk narin xD





"Taxi! " pumara ako ng masasakyan at napahinto naman ito sa tapat ko. Dali-dali akong pumasok not knowing na mababangga pa ang ulo ko sa itaas na bahagi ng taxi. Excited much eh >_<




"Okay ka lang miss? " sabi ng driver at mukhang nilingon ako. Napahipo naman ako ng ulo. Leche sino namang nagsabing okay ako sa lagay kong to? Parang magkakabukol nga eh.
"Ayan kasi, masyadong nagmamadali. " natigilan naman ako sa narinig kong yun. Tinignan ko si kuya samantalang nakatalikod sya na nagdadrive. Nakacap pa sya, kala mo naman walang takip ang taxi eh. At wow ah, sabihan ba naman akong ganun. Close tayo kuya??





Hindi ako umimik pero sa totoo lang naiinis ako sa driver na to. Kala mo naman kong sino hmp!





Maya-maya'y payapa na ang naging byahe. Para maaliw ako ay napatingin ako sa mga lugar na nadadaanan namin. Habang nakatitig lang doon ay may nakita akong dalawang Tao na naglalakad sa gilid ng daan. Tapos nagstop yung kotse namin. Napatingin ako sa harap. Kaya pala huminto dahil nagred ang traffic light. Marami ding kotse sa likod namin.
"Hahahaha!! Your so funny talaga! " rinig kong tawa ng isang babae. Ramdam kong malapit lang sya sa pwesto namin. Sa curious ko ay napatingin ako sa bintana.
O_____O



W-wait..




Ba't nasa labas si William? Tapos may kasama syang babae.. BABAE??!!!! HUMAYGAS! ANONG KAECHOSAN ITO? ba't may kasama syang ibang babae? T____T



Tapos ang sweet-sweet pa nila huhuhu!
Parang gusto kong bumaba at hatakin si William palayo sa girl na yun. Huhu, leche naman oh. Eto pa talaga ang makikita ko. Nawalan tuloy ako ng lakas ng loob na pumunta sa bahay nila T.T





"Oh, ano na namang nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo ah. " epal naman na sabi ng driver. Kainis naman to oh! Hindi na nga maganda ang modo ko ngayon dadagdagan pa niya.





"Hoy kuya! Pwede ba tumahimik ka " tinignan ko sya ng masama. Masyadong pa-fc eh.




Bigla namang napalingon ang driver at nagsalita
"Ahh nakita mo yata ang lovey dovey mo na may kasamang iba, tama? " O____O
What the heck.





"TRISTAN?! Ohmy! Ikaw nga! B-ba't naging.. "





"Ahh etong ginagawa ko ngayon? Ito ang trabaho ko tuwing umaga. Pag gabi naman ay bartender. "Sabi nya at nagwink pa.
Ang sipag naman ng mokong na to. Doble doble ang trabaho.




Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon