Chapter 4

135 12 40
                                    





Grabe, ang sama nya. Nasaktan talaga ako ng husto sa mga sinabi nya. Masama bang maging prangka? Porket nagsabi lang ako ng mawalan ng hininga, kahit yun nga Hindi naman direkta ang pagkakasabi ko ah! Hmp! Ayoko ng makita ang pagmumukha ng shokoy nayun! Sya na nga tong tinutulungan, sya pa ang galit.

"Ate! " nilingon ko naman si Josephine na papalapit sa akin.

"Hm? "

"Ate tignan mo to. " may ipinakita sya sakin sa lenovo tablet nya. Isa iyong larawan na ipinost sa Facebook. Isang lalaki na nakikipag-away sa isang babae sa university. Sa sobrang gulat ko. Nabitawan ko ang ball pen na hawak ko.

"Sabi daw dito ang tindi ng sagutan ng dalawa. Hindi lang daw simpleng LQ. Parang magbibreak na yata. " nagulat rin ako sa sinabi ni Josephine.
Eh? Napagkamalan na namang magjowa? -_-

"Ate, parang kilala ko ang boy na to. Parang pamilyar sya. " napatingin ako sa kanya. Nako wag! Wag nya sanang makita na kaming dalawa ang nasa picture na yan. Baka kong anu ang isipin nya. Leche naman kasi eh. Sino bang siraulo ang nag-upload nyan?? Inano ba sya namin? :/ tss..

"Nako. Pabayaan mo na yan. .." Kinuha ko ang tablet nya at nagscroll down.
"Away magjowa nila yan. Wag mo ng pakialaman. "

"Ate, nacucurious lang ako kong bakit sila nag-aaway.".

"Hay nako. Anu ka ba namang bata ka. Nagiging echosera ka na. " sabi ko at inilayo ang tablet sa kanya.

"Ate! Hindi na nga ako bata. To naman paulit-ulit ka eh! Tsaka akin na nga Yang tablet ko! " naghabulan nalang kaming dalawa papuntang kwarto ko at tuwang-tuwa akong pinaglalaruan ang payatot na to.

Mayamaya, pumasok si mama.
"Janette, may naghahanap sayo sa baba. Puntahan mo na" natigil kami sa paghahabulan. Napakunot ako. Sino kaya yun? Parang wala naman akong kaibigan na bumibisita dito ah.

"Hoy puntahan mo na daw. " pag-uulit naman ni Josephine sabay kuha ng tablet nya.

Lumabas na ko ng bahay at doon ko nakitang nakatalikod na nakapamulsahan ang taong kinaiinisan ko. Napacross-arms ako.
"At anong ginagawa mo dito? Bakit mo ko hinahanap? " nagulat sya sa pagsalita ko at napaharap sa akin.

"Ahh.. Pwede ba tayong mag-usap? " sabi nya. Ang hinahon ng boses nya at mukhang seryoso naman sya. To talagang shokoy na to. Ang Moody talaga!

"Ahh. Sige ba. Pero bago muna nyan. Gusto mong pumasok? " umiling sya at bigla ba naman akong hinatak palayo sa bahay.

Syempre nagpupumiglas ako.
"Hoy! Anung ginagawa mo?? Saan mo ba ko dadalhin ha?! " sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na nga kami dahil sa ginagawa nya.

"Basta. Kaya wag kang malikot. " sabi nya pa.
Anu?! Sino ba namang Hindi magpumiglas kong bigla ka namang hatakin?! Nakakaimbyerna tlga sya, jusko!

"Bakit kasi kailangan mo pa kong hatakin ng ganito? Nakakainis ka naman eh! "
.bigla syang natigilan at binitawan ang kamay ko.

"Oh? Bat moko binitawan? "Napapeyspalm naman sya.

"Alam mo ang labo mo rin nuh. Kanina lang ayaw mong hinahatak kita tapos ngayon tatanungin mo pa ko kong bakit ko binitawan kamay mo. Patawa ka talaga kahit kelan. " aba. Grabe nito. Sya pa ang galit hmp!!!!!
Nagkibit-balikat ako at tinaasan sya ng kilay.

"Gusto mo na naman ba uli ng away?? " tanong ko sa kanya. Bigla naman syang kinabahan at napakamot sa batok nya.

"Hay ewan! Dami mo kasing satsat dyan eh, Tara na nga! " sabi pa nya. Akala ko aalis sya at susundan ko nalang kong saan sya papunta pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Ang mas nakakagulat ay ang naramdaman ko sa mga oras nato. Hindi ko Alam kong bakit ang bilisbilis ng beat ng heart ko. Feeling ko tuloy nagtatatakbo kami. Pero Hindi eh. Naglalakad lang naman kami. Ang weird ng pakiramdam ko. Habang hawak nya yung kamay ko, at habang gumagalaw ang daliri nya sa kamay ko. Para akong nawawalan ng hangin. At ang init pa ng mukha ko. Anu ibig sabihin nito?? T____T




TO BE CONTINUED...

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon