Chapter 23

51 1 1
                                    




"Hoy Maria!!!! " napalingon naman agad sya at mukhang nagtaka pa sa pagsigaw ko.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinakal ang loka.





"Araaaaaaay!! Janette ano ba! Papatayin mo ba ko??? " hindi naman malakas ang pagsakal ko sa leeg nya ah. Ang Arte nito.




"Che! Magpaliwanag ka nga sakin? Nagkamali ka ba ng pagbigay ng number ha? Yung cellphone number ng pinsan mo ang tinutukoy ko. Sya ba talaga yun ha?!" Lumayo agad sya sa akin at itinaboy ang kamay ko na nakapatong sa leeg nya.



"Maghulos-dili ka nga muna. Ipakita mo sakin ang cellphone mo. Titignan ko kong tama ang nailagay kong number. " kinuha ko naman agad sa bag ang cellphone at ibinigay Kay Maria.
Ilang sandali pa ay napangiti sya.
"Tama naman ah. Sa kanya talaga yan. "





Nanliit naman agad ang mata ko habang nakatingin sa mukha nya.
"Sabihin mo nga, bakit naisipan mong manghiram ako sa pinsan mong lalaki ng ala-sailormoon na damit ha?? Sa tingin mo ba nagsusuot sya ng ganun??"




"Ah.. Ehh.. Sya lang ang Alam kong makakatulong sa problema mo ehh. " nagpeace-sign pa ang bruha at bigla akong inakbayan.
"So nag-usap na kayo kahapon? " sabi nya pa sa akin at ngumisi.




Tinignan ko lang sya at napairap.
"Sa tingin mo ba malalaman kong lalaki sya kong di ko kinausap? " napatawa naman agad sya sa pagtataray ko.





*Hey, nandito na ko sa lugar na sinabi mo. *

Yan ang text ng pinsan ni Maria sakin. Kong maka"hey" parang hindi ako nakapagpakilala ehh.
Since lunch time ngayon kaya makakalabas pa ko sa eskwelahan.
Papara na sana ako ng taxi nang makita ko uli ang lalaking nakaitim.
Jusko nakakakilabot ha! Bakit patuloy kong nakikita ang taong yon? Nakakaweird na talaga.




"Hoy hipon. "




"AY LECHENG STALKER! " sa sobrang gulat ko ay naisabi ko yun. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Parang aatakihin ako sa puso ha.
"Ano ka ba naman! Para kang kabute dyan, Bigla-bigla nalang susulpot"





Napatakip pa Ito ng tenga . Ang lalaking to talaga. Hay nako!
"Anong sabi mo? Lecheng stalker? Tsk! Tsk! " kunot-noo naman akong tumingin sa kanya.
Nakabusangot na nga rin ang mukha ko.





"Bakit? Ha bakit?? " tinaasan ko sya ng kilay.




"Kagabi itinanong mo kong ano ang pangalan ko tapos ngayon nagsasabi ka ng stalker? Tsk! Tsk! Tsk! Malala na yan. Tara samahan na kita. " Ha?! Hinawakan nya pa ang pulso ko at hinatak palabas ng gate. Napapaurong naman ako sa ginagawa nya. Niloloko na naman ba ako ng shokoy na to?




Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon