Chapter 14

63 3 0
                                    






(WILLIAM'S POV)





I can't believe na papayag syang sumama sa akin. Akala ko kasi hindi na sya papayag since nagawa ko syang ipahamak nong nakaraan. Yung first time nyang pumunta ng bar.

Ang weird lang ng mga ikinikilos nya ngayon. Parang iniiwasan ako. Ewan ko ba kong bakit naganyan yan. Wala naman akong ginawa ah. :/
Oh forget it. Mamaya na pala ang alis namin papunta Kay lola.
Mga plans ko lang to para subukan sya ;)
You'll understand what I mean soon. Malalaman niyo >:)






--------------


(JANETTE'S POV)


*FROM: Shokoy the great -.-
__Meet me at the park. 2 pm. ____



Tinitigan ko lang nang tinitigang mabuti ang message nyang yun. Napatingin nadin ako sa orasan na nakadikit sa pader.
1:40 pm na ah. Hala, ba't ngayon ko lang kasi nabasa ang text nyang to?? Napaisip ako kong na-off ko ba ang phone kanina dahil ngayon ko lang natanggap ang text nya.
Hmm.. Parang hindi naman eh. Nakacharge lang to kanina eh tsaka malalaman ko naman kong may nagtext kasi tutunog ang phone.
Tinignan ko ang message at napansin ang oras ng pagtanggap ko sa pm nyang yun.

Sandali, Ba't 1:39 ang time ng pagtanggap ko sa message nya? Delayed ba?? O baka naman ngayon nya lang talaga naisipang isabi?
-______-+++
Oh great, ang galing-galing. Sa sobrang galing ang sarap magbackflip gamit ang dila. -.-


Naigulo ko nalang ang buhok ko sa sobrang inis. Nakakaasar naman! 10mins preparation, anu ako si wonderwoman? Kalokang shokoy na yun.


At ayun na nga, dali-dali akong nagbihis, nag-ayos at napatakbo ako papuntang park. Jusko, ang layo pa naman, ba't ba nya naisipan na sa park kami magkikita? Ano ba tingin nya sa lakad namin, palihim? Like duh! Nakapagpaalam kaya ako Kay mama.



Panay ang takbo at tingin ko sa relo. Mga 5minutes late na kasi ako kaya tumakbo pa ko ng mabilis. Buti nalang at di ako nagsusuot ng heels. Kundi susmaryosep, natumba na ako.

"Hoy Hipon! Bakit ka late ha?? " yan agad ang bungad nya sakin. Hindi ko nalang ipinansin at napakapit sa puno. Hingal ako ng hingal. Hoo, kapagod promise. Parang nakipagkarera ako sa sitwasyon kong to.



"May tubig ka ba dyan? Penge naman. " sabi ko sa kanya.



"Ba't ka ba naman kasi naglakad papunta rito? Pwede ka namang sumakay ah. " napatigil naman kaagad ako. Oo nga nuh. Ba't kaya hindi ko naisip na sumakay nalang kesa tumakbo?
Ay! Antanga ko talaga!! >__<




"Tsk, tsk! Pasinsya na. Wala akong tubig dito. Pero Alam ko kong saan merong tubig. May bilihan doon sa harap ng isang fast food chain. Lumakad ka lang pakanan tapos dumiretso ka pakaliwa. Lakad ka uli ng pakanan tapos pakaliwa na naman at ideretso mo lang. Ayun bilihan ng mineral water na ang nandun. " sabi nya pa. O.o
Hanudaw??? Ansabi??? Hindi pumasok sa kukute ko.


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon