Chapter 7

100 4 0
                                    

Hello uli Guys! Kong meron man Haha! Okay, Characters are in the media~~~ ako mismo pumili ng portrayers nila..
Nakapanood ba kayo ng Koreandrama na cheese on the trap? Maganda yun actually and William's model are the supporting actor there. Si Baek In Ho ang name nya doon. Isa sa mga bf ko XD
-----------------












"Nakalimutan ko yata....? " sabi ko at napakamot nalang ng ulo.

Biglang pumanget ang ekspresyon nya at lumakad nalang uli na parang wala lang.
Hayss.. Bakit ko kaya nakalimutan yun? Nakakainis naman. Anu nalang ang idadahilan ko Kay mama?

Lalakad nadin sana ako nang mapansin kong nawala na sa paningin ko si William.
"William??? " hala asan na yun? Ba't bigla na nman akong iniwan??

Nag-aalala na ko, habang naglalakad ako sa walang katao-taong lugar na toh.asan na ba sya???
"WILLIAM!!!! HOY! SHOKOY ASAN KA???! WAG MOKONG IWAN DITO!" Hays!! Lecheng shokoy na yun.isusumbong ko talaga sya! Lahat ng nangyayari ngayon sakin ay dahil sa kanya! :/

"Miss, ba't ka nag-iisa dito? " nagulat nalang ako nang may lumapit na tatlong lalaki sa akin. Kinabahan agad ako kasi kong makatingin sila sa akin parang may binabalak silang masama.

"Ahh. W-wala.. Andyan lang b-bahay ko k-kaya a-aalis na ko. S-sige bye. " aalis na sana ako nang harangan ako ng isa.

"Sandali lang ms. beautiful, magpakilala ka muna sa amin. Ngayon nga lang tayo nagkita eh. " sabi pa nito. Lumapit pa sya at hinawakan ang pisngi ko.

"A-a-anong ginagawa m-mo?? " nauutal na talaga ako sa sobrang takot. William! Asan kang shokoy ka?!!! Tulungan moko T_T

"Relax lang miss, wag kang mag-alala. Magiging mahinahon kami sayo. " sabi ng isa at hinawakan ang beywang ko.
Nagpupumiglas ako at gusto ko sanang sumigaw pero bigla nila akong binuhat at tinakpan ang bibig ko.

Naramdaman kong tumulo ang luha sa mata ko. Anung gagawin ko sa lagay kong to?? Pano ako makakatakas?? Eto na ba ang katapusan ko.? Marirape ako tapos papatayin?? T___T
Napapahikbi ako sa mga naiisip ko. Sana may tumulong sa akin.

Bigla akong nakarinig ng pagbagsak ng Tao.
"Hoy! Anong ginagawa mo?? Ba't mo sya sinuntok?! " sabi ng lalaking nagbuhat sa akin. Nagpumiglas ako para makita ang taong iyon.

"Anu sa tingin mo? " maangas nitong sabi at nagpakita ng nakakaasar na ekspresyon.

"Hmmm!! Mmmmmm! " ang tanging nasabi ko. Buti nalang at natakpan ang bibig ko kundi nasabi ko na ang pinakamakasalanang salita na bibitawan ko sa shokoy na toh. Oo, sya nga itong lalaki na sumuntok sa kasama ng manyakis.

"Tumahimik ka! " sabi ng manyakis sakin.

"Hoy Panget! " biglang sigaw ni William. Napatingin ako pati na tong manyakis na to.

"Ako ba tinatawag mo ha?! " sabat naman ng manyakis.

"Sino pa ba? Etong dalawang kasama mo? " uminit kaagad ang tingin ng manyakis na toh sa knya.

"Aba! Tarantado ka ah!! "

"Kong ayaw nyong masaktan, bitawan nyo ang babaeng yan. " sabi pa nito.

Biglang ngumisi ang manyakis at napahalakhak.
"Anu kami uto-uto? Tsaka anu mo ba ang babaeng toh? "
Hindi ko na pinansin ang bangayan nila, Janette isip-isip din. Tatlo sila, isa lang si William. Sa tingin mo ba matatalo ni William ang mga manyakis na to? Mag -isip ka ng paraan para makatakas.

*TING!* Aha! Alam ko na!

"Anu sabi mo? Kong anu ko sya? Edi GIRLFRIEND KO."
O_____________________________O
A-anu yung n-narinig ko??? T-tama ba yung p-pagkakadinig k-ko?? Girlfriend d-daw n-nya ako??

Habang nakatitig sa kanya, napansin kong tumingin din sya sa akin.
Dug.. Dug.. Dug dug.. Dug dug..

Parang may nagtatakbuhang mga kabayo sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko..

"Ahh shota pala ha! Arwin sugurin mo na! "



..........................
(WILLIAM'S POV)

"Ahh shota pala ha! Arwin sugurin mo na! " sabi ni panget at sumugod yung isang panget sa akin.
Susuntukin nya ko sa kaliwa kaya umilag ako pakanan. Nagawa ko syang sipain at natumba sya sa sahig. Sus! Wala naman palang binatbat eh. Hindi na agad nakabangon gaya nong isa.

Bigla akong sinugod ni Panget, yung lider na yata. Nakailag din ako sa suntok nya. Medyo mabilis din sya kaya natamaan ako ng kahoy na pampalo nya sakin. Sa likod ako natamaan pero di malakas ang pagkahampas kaya di ako napuruhan. Nagawa kong agawin ang kahoy na bitbit nya at sya ang nahampas ko sa likod, at tuhod.
Ngayon tatlo na sila ang hindi makabangon.
"Wala naman pala kayong binatbat eh.! " sabi ko sa kanila. Ayan tapos na din. Sus chicken na chicken lang pala.
Binitawan ko na ang kahoy at pumunta na sa isang hito na mukhang nabaliw. Di joke lang, tulala lang. Ewan ko nga ba dito. Biglang nawala agad. Kala ko pa naman nakasunod lang sa likod ko. Psh.

"Hoy ! Okay ka lang? " ilang ulit ko ng niwave ang kamay ko sa mukha nya. Napano to? Na-trauma agad?

I-wiwave ko pa sana uli ang kamay ko pero bigla nya akong niyakap.
"Maraming salamat. Salamat at bumalik ka. " sabi nito. Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi nya. Nagulat lang talaga ako na hindi sya nagalit sa akin since kasalanan ko naman talaga kong bakit nangyari sa kanya toh.
Niyakap ko nalang sya pabalik at di na umimik.




TO BE CONTINUED..

Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon