Chapter 30

62 0 0
                                    

"Well, goodluck sis. " nag-apir silang dalawa at mukhang aalis na. Ako naman, pasimpleng tinakpan ang mukha para di mapansin ni Shella. Alam kong alam na nya na may gusto din ako kay William kaya itinuturing nya akong karibal nya.





Habang naglalakad sa balcony, hindi talaga ako mapakali sa nalaman ko kanina. Yung unang pumapasok sa utak ko ay hanapin si William at dapat di sila magmeet ni Shella. Hays! Ang babaeng yun, bakit masyado syang Mapangsamantala? Kong naging lalaki sya baka pervert na sya siguro :/ 



*Hey, hey! You, you! I don't like your girlfriend! No way! No way! ---*

Napahalungkip ako sa bag ko. Mukhang may tumatawag sa phone. At meron nga, si Aaron.




"Hello? Di pa naman tanghali ahh"




(Alam ko, pero nagbago kasi ang schedule ko. Ngayon ang free time ko.)



Napatingin ako sa relo. 10:39 am na. Magtatanghali naman ehh. Wala namang pinagkaiba.





"May klase pa ko. "




(Ahh ganun ba, wala ka bang vacant?)




"Ahh actually meron pero sa hapon pa."




(Ahh okay. Sige mamaya nalang. Toot.. Toot...) Ay? Ni-end agad? Okay naman.




"Huli ka! " nagulantang naman agad ako Kay William na inipit na naman ang ulo ko sa braso nya. Ang lalaking to talaga :")




"Ano ba! Nasasakal ako! " bigla nya naman agad akong pinakawala.




"Ganti ko yan sayo. Ang sakit kaya ng ilong ko kahapon. " sabi nya at nagpout pa sya. O.O huwaaaat nagpout sya!!! Ohh Emm Gee!! Ang Kyuuuut nya D': Nafa-flutter ako sa ginagawa nya waaaaaaaaaaah T____T Parang pinagsisisihan ko tuloy ang naging desisyon ko na ilihim nalang habangbuhay ang feelings ko. Pag ganito ba naman kagwapo ang minahal mo? Parang di ka makapagpigil na halikan-- 0___0 WALA AKONG SINABI. WALAAAAAA.




"Napano ka?? Hooooooooy hipoooooon! " napansin ko nalang na winawagayway nya ang kamay nya sa mukha ko. Lutang na naman ako bes. :( 



"A-ahh nakakita kasi ako ng lamok na dumapo sayo. " nagtaka sya bigla at tumingin-tingin kong meron nga.




"Asan?? Ba't di mo man lang pinatay? "




"Ahh naawa ako eh. Hayaan mo na, gutom kasi. Kailangan nya ring makainom. " Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ko. Makahanap lang talaga ng palusot eh nuh.




"Ano?? HAHAHAHAHAHAHAHA!!! Ibang klase ka talaga Janette! Hahaha! Mas kinakaawaan mo pa ang lamok kesa sakin. Pano nalang pala kong nadengue ako ? " panay ang halakhak nya sakin. Kahit ako nga parang matatawa nadin dahil masyadong lame ang sagot ko.




"Hays!! Maiwan na nga kita dyan! " nilampasan ko sya at dirediretsong lumakad.




"Uyy sandali! Haha! Ito naman napikon agad! "




"Che! "




"Ohh kita mo na. "





"Hindi nuh! "




"Palusot ka pa. "




Tinignan ko ang wristwatch, 11:30 na. Magtatanghali na nga. Mukhang sasabay na kong kumain Kay Aaron. Okay lang kaya yun? Yung unang pagkikita namin hindi ako makapagsalita at makatingin sa kanya ng maayos . Sana nga lang maging okay na to.




Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon