Chapter 25

49 2 2
                                    

   

Sabay kaming nagsalita ni William at nagturuan pa talaga.

 "Bakit ka nandito?? Akala ko ba nasa university ka lang? Wala kang sinabing aalis ka. " sabi ko sa kanya at pinagsususpetyahan pa ito. Kanina kasi talaga lumakad na sya pabalik sa building nila pero paanong narito ang shokoy na to dito? O.o


"Ahh.. May inasikaso lang ako. Eh ikaw? Ba't ka nandito? At sino yang kasama mo? Boyfriend mo? " Aray ko, yun talaga ang tinanong. Ano ka ba naman William! Ikaw lang tong mahal ko ehh T__T


 "Uhhmm.. Actually Tinutulungan ko sya sa problema nya. I'm Shein. " naglahad ng kamay si Shein sa kanya pero ang shokoy tinignan lang ito at ibinaling ang atensyon Kay Bridgette.


 "I'm leaving, thank you anyway. "Sabi nya Kay Bridgette at niyakap pa ito panandalian. Argh! Ano bang meron sa kanila at mukhang nagkakasundo sila? Panibagong karibal na naman ba ito? Humaygash :(


 "Ohh, ikaw pala si Janette. Shein texted me na kailangan mo daw ng pangcosplay na damit. For what ba? " tanong sa akin ng isang Maputi at kasing tangos ni William ng ilong.



Yung mukha nya bilog na bilog, para nga syang artista ehh, ang puti-puti pa nya. Nakakainggit naman :( Yan ba ang mga type na babae ni William? Napatingin tuloy ako sa sarili ko at umiling, No wonder my taste nga sya T___T


 "Janette? Are you there? " ....


 "Janette! " napaayos ako ng upo sa pagkagulat. Hay nako janette! Bakit mo ba naiisip ang bagay na yun? Arghhh!! Nakakainis naman!



 "Hehe sorry ms. Bridgette, ano nga ulit yung sinabi mo? " napangiti nalang ako ng peke sa kahihiyan. Jusko janette, ngayon mo lang nakilala ang mga taong to tapos gumaganern ka pa, ipatapon kita sa Mars eh.



"Haha it's okay, tinatanong ko lang kong para saan ba ang outfit na hinahanap mo, cosplayer ka din ba? " tanong nya sa akin habang kalmadong nakaupo sa sofa. Si Shein naman na katabi ko ay tahimik lang na kumakain. Mukhang matakaw ang lalaking ito ah.


napaisip ako sa sinabi niya. Kailangan ko bang sabihin ang dahilan? Ehh kaso umuurong ang dila ko pagmagpapaliwanag na ako. Ewan ko ba! Parang isang malaking joke kasi ang birthday party ni Shella. Lecheng babaeng yun, magbibirthday na nga lang ang dami pang arte. Ayan tuloy namomoblema ako :/

 "Ahh, ehh.. Para sa isang party yun. " hoo. Buti naman at nasabi ko. Sana di na sila dadagdag pa ng mga katanungan.



"What party? " nakangiti nyang tanong. Jusmiyo... Wala pang isang minuto nang sinabi ko sa isipan kong di na sila uli magtatanong pa. Why you do this to me???

 "Uh.. Ano.. " ......

"Birthday ng kaibigan nya at isang costume party ang tema nito. Kaylangan nyang magdalo na naka-outfit na sailormoon. " O_______O!!! Watdapak, narinig ko ba talaga iyon sa mismong bibig ni Shein? Unti-unti akong tumingin sa kanya at kalmado naman syang sumasandal sa inuupuan nya.


"Paanong---" magsasalita pa sana ako nang unahan nya na naman ako. 



"Maria told me. No need to ask na. " -__- Ahh ganun, ang loka-lokang babae na naman pala ang nagsabi. Makakapatay talaga ako ng isang Maria nito.... -_-++



"Oh! A sailor moon outfit? Don't worry, I have many here. Tara, puntahan natin ang kwarto ko. " bigla nalang akong hinatak kaya napilitan akong sumunod sa kanya. Hayss.. Kelan kaya ako makakawala sa kahihiyan? Parang lagi nalang kasing andyan yan, pati na ang kamalasan. Tandem talaga sila.


Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon