Chapter 15

53 3 0
                                    






Medyo hindi naman katagalan ng makapunta na kami sa bahay ni William. Infairnes ang laki ng bahay nila. Mayaman pala talaga ang shokoy na to.
ni-park nya lang ang kotse nya sa harap ng bahay nila at nauna nang lumabas. Sumunod agad ako at ipinagbuksan kami ng gate.



"Kuya!!!! " may batang babae na biglang umakbay Kay William. Sa pagkakakita ko sa dalawa. Mukhang close na close sila. Tapos parang miss na miss nila ang isa't-isa kasi kong mag-usap ang dalawa parang wala lang ako sa gilid eh. Anu ako hangin?



"Kuya sino sya?? Girlfriend mo ba? "Sabi ng bata. Ay buti napansin din.

Tumingin ako sa batang babae at nag-hi sa kanya.



"Hindi ko gf yan, sassy. Kasambahay ko yan." Haaaaaaaa??!!! Lechugas na shokoy to. Sabihan ba namang yaya daw ako?



"Hoy william! Anong yaya ka dyan? Wag kang maniwala dyan sa kuya mo, actually kaibigan nya ko. " ngumiti ako sa bata at pinagdidilatan naman ng mata si William.


"Ahhh.. Haha, kala ko po bagong gf kayo ni kuya. Noon kasi pumunta sya dito na may dala ding girl." Eh?ganun? So hindi lang pala ako ang babaeng ipinunta nya dito. Sige bigti na Janette.

"Ehem! Tara na." Biglang sulpot ni William at pumasok na kami sa malaking bahay nila. Napapatitig ako sa paligid. Bumungad kasi agad ang malaki nilang swimming pool. At magagandang garden sa gilid. Ang sosyal naman. Parang nakakahiya tuloy ang damit ko sa lugar na to. Yung tipong kaylangan ko munang magsuot ng dress para lang bumagay sa lugar.

"Janette watch out! " sigaw ni William sakin pero bago ko pa maintindihan ang ibig nyang sabihin ay tumama na ang ulo ko sa poste.



"Araaaaaay.... " napahimas nalang kaagad ako ng ulo. Leche ang sakit nun ah. Magkakabukol pa yata ako.




"Okay ka lang?Patingin nga ako. " sabi ni William at hinawakan ang baba ko. Tinitigan nya pa ng mabuti ang noo ko at hinimas-himas ito.




"May masakit ba sa ulo mo? Sabihin mo kong saan " sabi nya pa.
Hala, ang weird mo William. Ba't concern na concern ka? Pakiramdam ko tuloy parang boyfriend kita. Enebe~~nekekeleg teley eke se genegewe me. >O<




"U-u-uh.. O-okay na ko. " sabi ko at umiwas ng tingin. Jusko, pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Panigurado nagbablush na ko nito.




"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo eh. Yan tuloy," aba, galit si kuya? Lol.




"Oo na. Kasalanan ko na" sabi ko sa kanya. Ba't ka ba kasi nagagalit. Hindi naman ikaw ang nauntog sa poste ah! Ulo ko yung nauntog hindi yung sayo.





"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. Ang akin lang, dapat tumingin ka sa harap mo. Hindi yung lumalakad ka na parang bulag. " sabi nya pa.




Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon