Special Chapter 2

47 0 0
                                    


"Hoy Josephina, sino yun?? Boyfriend ba yun ng ate mo ha? " napalunok ako ng ilang beses sa tanong nya. Lagot talaga sila ate nito..




Nga pala, anong sasabihin ko?? Ayoko namang pangunahan sila William nuh. Baka magalit eh. "Ah.. Ano.. Uhm.. Kaibiga--"




"Kuya Mark ko!!! " buti nalang at naputol ang sasabihin ko. Napahinga ako ng maluwag dahil dun.




"Uyy Janette ko!! " tumayo si Kuya at ibinalandra ang mga braso nya para ihandang yakapin si ate. Buti nalang at andyan na sya pero bakit walang william? Anyare?





Nag-usap ang dalawa at iniwan ako dito. Mga Walanghiya. Ako yung gagraduate pero ako pa yung iniwan, tsk.




Umalis silang dalawa. Ako bang pag-uusapan ng mga yun na kailangan pang lumabas sa auditorium? "Hi Josephine congratulations sayo. " eh? Nilingon ko sya at tama nga ako. Si William na nakaupo katabi ko. Sa totoo lang kinikilig ako pagmalapit sya sakin pero napakunot ako sa naramdaman ko ngayon,





Dahil isang simpleng saya lang ang nararamdaman ko. Bakit kaya?? "Uyy salamat William. Si Ate pala kinausap ni Kuya. Nakauwi na kasi sya kaya nagbonding yung dalawa na wala ako -_- " napatawa naman si William sa sinabi ko. Madaldal talaga ako kaya madami akong sasabihin kahit di sya magtatanong.





"Ahh.. Okay.. " Napatingin ako Kay William. Kalmado lang syang nakaupo sa tabi ko. Nililibot nya ang mga mata nya sa buong auditorium. Ang gwapo nya talaga, minsan naiinsecure ako sa kulay ng balat nya. Tapos yung ilong din.





Kong hindi ito naging boyfriend ng kapatid ko baka narape ko na toh noon pa xD Pero sila eh haha. "William. " tawag ko sa kanya, napatingin naman agad sya sa akin at napa-angat ng kilay.




"Hm? "





"William, may tanong ako. Noon mo pa ba gusto si Ate? I mean, nong inapproach mo kami nun, may gusto ka na sa kanya? "




Napangiti sya matapos marinig ang sinabi ko. "Hmm... Nong time na yun, yun ang ikalawang pagkikita namin. "





"Ikalawang pagkikita nyo?? Akala ko matagal na kayong magkakilala.. " umiling sya saka nagpatuloy.




"Hindi. Yun ba sabi nya? Sinungaling talaga ang kapatid mong hipon. " Natawa kaming dalawa sa komento nyang yun. Minsan talaga, maiisip kong shokoy at Hipon ang call sign nilang dalawa. Nakakatawa pero unique.





"Di maganda yung unang pagkikita namin pero naging okay naman sa huli. Pagkatapos nong makilala ko sya, hindi na sya nawala sa isip ko. Palagi akong nagtatanong kong ano na ang nangyari sa kanya. Kaya natuwa talaga ako ng todo nong makita ko sya sa store na pinuntahan nyo. Pakiramdam ko noon, nacucurious ako sa pagkatao nya kaya sinadya kong lapitan sya. " Ohhh.. Yun pala yun.




"Eh kelan mo napagtantong gusto mo na pala sya? "




Napaisip sya sa tanong ko at hinarap ako, "Nong nalaman kong gusto nya din ako. Napagtanto kong gusto ko na din pala sya." Napakamot nalng ako ng ulo sa sagot nya.





"Kelan yun? Matagal na?" Tumango sya at biglang ikinuha ang kamay ko.





Nagtaka naman kaagad ako sa ginawa nya. Sa isipan ko kasi, baka maghoholding-hands kami pero ayokong umasa. Loka-loka taken na yan Uyy.





Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon