Chapter 32

68 0 0
                                    


Nasa byahe kami ni William. Nasa driver's seat sya at ako naman ay nasa gilid nya. Napagdesisyonan nyang ihatid nalang ako sa bahay dahil maggagabi na. Wala rin naman akong kasama pauwi kaya sinamahan nya ako. Hehe ang gentleman nya na. :")


"Anong iniisip mo? " tanong nya sakin at saglit akong tinignan. Ikinuha nya pa ang kaliwa kong kamay. At ni-intertwine ito sa kamay nya.


Kinilig kaagad ako sa ginawa nya at hindi ko maitagong ngumiti sa kanya. "Mm.. Wala naman. Nakakapanibago lang dahil nangyari ang mga bagay na iniimagine ko lang noon. Hindi lang talaga ako makapaniwala. " nahihiya talaga akong sabihin yun pero nagpromise na ko ngayon na hinding-hindi na ko magtatago ng kahit na anu Kay William. Kaya sinishare ko na sa kanya ang mga naiisip ko :) 



Agad syang ngumisi sa sinabi ko. "Ahhh... Hindi ka parin makapaniwala na nagkagusto ang isang gwapong katulad ko sayo? Oo nga naman. Parang fairy tale lang diba.. " sabi nito kaya natawa ako at napairap sa kanya.



"Yabang mo talagang shokoy ka, FYI, hindi ako nagkagusto sayo dahil may itsura ka, okay. " Tama naman diba? Hindi naman talaga ako nagkagusto sa kanya dahil gwapo sya, matangkad, at maputi. Hindi ko lang maintindihan kong bakit tumibok agad ang puso ko sa kanya. Wala akong rason kong bakit nagustuhan ko sya. Ito talaga yung mga bagay na biglaan nalang dumadating sa buhay mo. Na hindi mo maeexpect. Pero kahit ganun, masaya ako dahil nangyari ito sa buhay ko. Na sa kauna-unahang pagkakataon, may sumukli ng pagmamahal ko.



"Ohhh.. Ako nga din ehh. Ewan ko ba kong bakit nagkagusto ako sayo. Hindi ka naman maganda, mas lalo namang hindi ka sexy... " sabi nya habang nagmamaneho. Ang shokoy na to talaga. Hindi parin nagbabago. Hayss.. Nimake-face ko lang sya saka napasilip sa mga building na nadadaanan namin. "Hmm.. Bakit kaya kita nagustuhan? Ano kaya yung rason kong bakit pagkasama kita, nagiging masaya ako. Pagnaaasar kita, natutuwa ako. Pagminamalas ka, nag-aalala ako. Pagwala ka, agad kitang namimiss at pagnalulungkot ka, nalulungkot din ako. Bakit kaya ganun?" Agad nya akong pinakitaan ng mukhang nagtataka at humarap na sa kalsada. Grabe, hindi ko alam na sobraaang nakakatouch at nakakataba sa puso yung mga sinabi nya na pwede na akong maiyak uli sa tuwa. Waaaaaaah!!! William tama na kakatorture sakin! Hindi mo ba alam na sabog na sabog na ako??? Sabog sa feels. T__T




"Janette, ano kaya sa tingin mo? " pahabol nyang tanong at kinindatan pa ko. Nagulat naman kaagad ako sa pakindat-kindat nya. At nagkakagulo na naman sa kalooblooban ko. … Hindi ko talaga Alam ang sasabihin ko. Halata namang na speechless ako. Nagulat talaga ako at actually, hindi ko na maitanggal ang mga mata ko kakatingin sa lalaking katabi ko na nakapokus sa pagmamaneho. William, Hindi lang kita gusto, mahal kita William. Mahal kita higit pa sa kanila.


Huminto na ang sasakyan at pagtingin ko sa gilid ay nakabalandra ang bahay ko. Lumabas nadin si William at ipinagbuksan pa ako. Nang makalabas na ko ay napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis.



"Masaya ka ba ngayon? " tanong nya at nagnod naman kaagad ako.



"Syempre naman, first time kaya na inihatid mo ko sa bahay. Noon kasi hinahatid mo lang ako pag may pinuntahan tayo. Kaya lalo akong sumaya." sabi ko sa kanya.



Napayuko sya matapos malaman iyon at kita ko kong paano kumurba pataas ang mga labi nya. "Kung ganun, lagi na kitang ihahatid simula ngayon. Susunduin narin kita para lagi tayong magkasama. " sabi nya at nagwink pa.



Napatawa naman ako ng mahina sa suhestyon nya pero sa totoo lang, yun naman talaga ang gusto kong gawin nya. "Sige ba, simula ngayon. Magiging driver na kita. " pagkatapos kong sabihin yun ay napasimangot sya. Hahaha! Hindi nya siguro inasahang sabihin ko yun.



Ms. RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon